CHAPTER 21.5- The REAL STORY behind THEM (part 2)

978K 10.7K 1.9K
                                    

{ S I D E S T O R Y  }

CHAPTER 21.5- The REAL STORY behind THEM (part 2)

KATIE's POV

Haaay.. Naiiyak ko na yata lahat ng luhang pwede kong iiyak tss. Kaso hindi parin ako makatulog kaya nanuod na lang muna ako ng t.v.

Ang malas ko naman kasi ngayong araw na to eh. Broken hearted na nga, nawalan pa ng first at second kiss!

Pag naaala ko talaga ang pagmumukha ng hudas na Third na yun argh! gusto kong magwala!

"Bwisit kang Third ka!" sigaw ko sa kwarto sabay hagis nung remote

Tss, hassle! Nakakainit talaga ng dugo! Ngayon kailangan ko pa tuloy tumayo para kunin yung remote na naglanding dun sa may ilalim ng study table ko.

.

.

*Lakad lakad papuntang study table

*Yuko..abot si remote..

.

.

Nung kukuhanin ko na sana yung remote bigla akong may napansin. Isang box na pula na medyo magabok na. Teka, alam ko to eh. Anu nga bang laman nito?!

Kinuha ko yung box, pinagpagan ito tapos binuksan ko.

Pagbukas ko..

Awwe! yun pala yung collection ko ng mga memorable things ko.

You see, nung medyo bata pa ako, sa twing may importanteng pangyayari nangongolekta ako ng mga bagay na nandun sa pinangyarihan nung event na yun. Nandun din sa box yung mga gamit ko na may sentimental value para sakin, tulad na lang nung key chain na napanalunan ko sa bunutan, yung tissue ng Yellow Cab na itinago ko bilang souvenir ng una naming pagkaen sa Yellow Cab nila daddy. At nakita ko rin dun.. yung diary ko! Waaaaaaaaah! andito lang pala yun eh! tagal ko na tong hinahanap!

Binuksan ko yung diary ko. Wala lang, hindi ko na kasi tanda yung mga sinulat ko dito eh since nagsimula ako magsulat sa diary na to eh nung grade 3 pa ako.

Entry no. 6

Dear Diary.. 

Haaay.. start na ng school ngayon. Nakakainis, akala ko ngayong grade 3 eh hindi ko na makakaklase si Third! yun kasi ang hiniling ko nung birthday ko! kaso hindi naman natupad! bwisit! Tapos ang pinakamasama pa, seatmates kami! bwisit talaga!

Naalala ko to. Eh kasi naman, first day yan ng school, akala ko talaga hindi ko na makikita si Third sa room! Akala ko sa wakas iba narin ang section nya since dumating na ang teacher namin nun. Kaso..late lang pala siya! Argh! kaya asar na asar ako! bwisit! impyerno na naman ang buhay ko! Lalo na at katabi ko pa siya! bwisit!

Bakit impyerno?!

Alam niyo bang the past 2 years ko sa school eh pinagttripan ako ni Third?! Kung anu anu ang ginagawa niya sakin! total bullying! Tinatago niya ang sapatos ko, tinatali yung bag ko sa upuan,  sinasadya niyang magkalat sa room pag alam niyang isa ako sa mga cleaners at marami pang iba! Sa sobrang dami hindi ko na maalala! Kaya naman talagang ipinagdadasal ko na sana wag ko na siyang maging classmate! kaso waaah..fail -_-

Binuklat ko pa yung diary..

Entry No. 10

Dear Diary,

Haaaaaaaay! bakit kasi best friend pa ni mommy yung mama ni Third?! isa pa, bakit ba sila lageng nasa bahay namin?! hindi na nga ako tinatantanan ni Third sa school tapos hanggang dito parin ba sa bahay namin kailangan nandito pa siya?! At ang masama pa.. sa lahat naman ng posisyon na madadatnan niya ako..bakit natae pa?! waaaaaaaaaaaaah! T.T

GIRLFRIEND FOR HIRE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon