CHAPTER 9.5 - PART 2 OF "TIME OUT"

1.1M 15.9K 3.9K
                                    

CHAPTER 9.5 - PART 2 OF "TIME OUT"

NASH's POV

*woooooosh (sound effect ng hangin)

.

.

.

Alam niyo yung AWKWARD? 

.

.

ETO yun oh! Hawak niya ang kamay ko! Ilang minuto narin siguro! Tapos walang nagsasalita sa amin at ang pagkakahawak pa niya, hindi lang basta hawak, alam niyo yung lovers hold? yung magkaintertwined ang fingers?! GANUN!

.

.

.

"Ehem! eheeeeeem! ehem!" nagubo ubohan na lang ako, hindi ko kasi alam ang sasabihin eh

"Sobra ka namang umubo! May tb ka na ata eh! Pacheck up ka na!"

Anu ba yan? Hindi ba nya na gets? Ang ibig kong sabihin sa pag-ubo ko ay ganito:  "Bakit mo hinawakan ang kamay ko?" pero obviously hindi nga nya gets.. -_-  pero at least nagsalita narin sya.

"Wa-wala akong tb! ahm..ano.." shet pano ba to?!

"O?" ang tipid naman magsalita nito

"B-babakit.." -ako

"Bakit ano?"-sya

"B-bbakit mo..ahm"-ako

"Anu ba?! Kanina para kang may tb, ngayon naman parang may problema ka na sa pagsasalita! Anung sunod may cancer ka na?!" -sya

"Gago! Gusto ko lang itanong kung bakit mo hinawakan ang kamay ko!" woosh..nasabi ko rin!

.

*silence

.

Ang tagal naman niya sumagot.

"Ah..a-anu kasi.."  -sya

"Tingnan mo! Ikaw rin naman pala putol putol magsalita! Kung pagalitan mo ako dyan!"

"Heh! pano nahawa na ako sayo!"

"Gaya gaya ka lang sabihin mo!"

"Bakit naman kita gagayahin?!"

"Baka kasi..anla ewan! Basta!"

"Wew..hays, ka-kaya ko hinawakan yung kamay mo, ka-kasi..takot ka diba? Umiiyak ka kasi, eh dun sa napanuod kong anime ganun yung ginawa nung lalaki eh para mawala yung takot nung babae at tumigil na sa pag-iyak. Hinawakan ko ang kamay mo para masigurado mong may kasama ka at hindi ka mag-isa."

Anime? Nanonood din sya ng anime?! Wee! Sabi ni Katie bata lang daw nanonood ng anime! Ngayon may kasagpi na ako! May kapareho na akong nanonood parin ng anime! pero teka..tama ba yung narinig ko? concern sya sakin?!

"Ga-ganun ba? pero bakit?" -ako

"A-anong bakit?!"

"Eh kasi..Kung ibang tao pa siguro ang kasama ko ngayon, hindi ako magtataka kung ganyan ang gagawin, pero ikaw?! Ikaw na wala ng ginawa kung hindi pagtripan ako at sirain ang araw ko, ganyan ang gagawin?!" 

"Grabe ka naman! Oo loko-loko ako, pero..hindi naman ako kasing sama ng iniisip mo no! I-isa pa, ang ingay mo! Hindi ako makatulog kasi ungol ka ng ungol! Kaya gusto kong patahanin ka, para din manahimik ka at makatulog ako!"  

So in the end, sarili lang din pala ang iniisip nya! Great! Maniniwala na sana akong medyo may puso siya eh kaso naudlot..tss

"Ganun? Dahil sa maingay ako? ok.. Pero hindi ibig sabihin na hinayaan kitang hawakan ang kamay ko eh ok na tayo! Natatakot lang ako kaya kailangan ko talagang may kahawak at isa pa, hinding hindi ko makakalimutan ang pinaggagawa mo sakin! Yung pagbubuhos mo ng kung anu sakin sa OSAS, pagsira mo sa jogging pants ko, paglalagay ng daga sa locker ko at pagbili nung cake na gusto ko! Hindi talaga!"

GIRLFRIEND FOR HIRE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon