GFFH INTRO-CHAPTER 1-2.

4.6M 42.8K 14.5K
                                    

This story is now published under Pop Fiction, the book is available now on bookstores Nationwide. But you can still read the full original content here in Wattpad, don't worry. Mas edited at hindi na jeje yung sa libro compared to this version though, may slight changes and new scenes din dun sa published book. So sana suportahan n'yo rin yung book. Thanks :)

BABALA: PG 13 to, not much suitable for CHILDREN NA 13 YEARS BELOW. May mga scenes na medyo green and marami kayong maeencounter na bad words. Kaya kung ayaw niyo ng ganun, I suggest wag niyo na lang basahin to. Bawal din to sa mga TAONG MASYADONG SERYOSO sa buhay, kasi walang kaseryoso-seryosong theme tong story na to promise. Pang young at heart sya, puro kalokohan kasi ang laman. Marami rin tong typos so kung maarte ka about that then, don't read, eh sa marami tong typos eh xD Kaya kung isa ka sa mga ito , nasasayo kung gusto mo parin basahin at makulit ka, ang sakin lang binalaan na kita haha ~YAM

GIRLFRIEND FOR HIRE.  

(For a more vivid prologue, Kindly watch the promotional video I made, link on the side>>>

But please read this too :) )

 Ako nga pala si Nami Shanaia San Jose. 17 years old, 1st year college student, SCHOLAR. 

Working student ako. Nakikitira lang ako sa auntie ko. Wala na kasi akong mga magulang.

Well enough of that boring introduction about myself, masyado ng common tong ganito. Kaya pumunta na tayo sa interesting fact about me.

Lahat na ata ng weird na trabaho napasukan ko na.

Ewan ko ba kung bakit ang wiweird ng mga trabahong napasukan ko.  O___O?

Isipin niyo naman..

Naging taga alaga ako ng pusang may diabetes (SOSYAL NA PUSA NO?)

Naging taga tanggal ng pulgas ng aso ng kapitbahay namin (ANG DAMI KO NGANG KAGAT NUN!)

Naging mascot na sausage na nakatayo maghapon sa harapan ng isang restaurant na wala ng ginawa kung hindi sabihing "Masarap ako, tikman niyo!" (ah, ah! ayoko ng maalala na ginawa ko yan! Muntik na akong lapain ng aso dahil akala nga niya sausage ako T.T)

Naging waitress din ako sa isang restaurant na ang mga waitress kailangan nakasuot ng ninja suit! (Anu ba naman kasing trip ng mga restaurant ngayon?! Hindi ko talaga magets)

at marami pang iba...

hindi ko na nga matandaan yung iba eh..

Pero ang pinaka weird sa lahat ng napasukan kong trabaho...

ay ang trabaho ko ngayon..

Itong trabahong to ang pinaka, pinaka, pinaka, pinaka hindi ko ginusto sa lahat!

Mas gusto ko pang maglinis ng tae ng aso o kaya naman tagakudkod ng libag ng taong grasa sa kalye kaysa gawin tong trabaho na ito..Kahit ano wag lang ito!

Pero......

Wala na akong nagawa

Sa huli, pumayag din ako

pumayag akong.........

O__________O

Waaaaaah! Ni hindi ko maatim na sabihin! Sobrang hindi ko matanggap!

Pero eto na sasabihin ko na at baka mapatay niyo ako sa sobrang inis...

*Lunok laway. Takip tenga.

Pumayag akong MAGING FAKE GIRLFRIEND NG PINAKA KINAIINISAN KONG LALAKI SA LAHAT NG MGA LALAKI SA BUONG MUNDO!

 

GIRLFRIEND FOR HIRE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon