CHAPTER 9- TIME OUT <3

1.1M 15.3K 3K
                                    

CHAPTER 9- TIME OUT <3

 NASH's POV

I'm doomed!

"Ikaw kasing unggoy ka! Kasalanan mo to eh! Pano na tayo ngayon?!"

Matatrap na nga lang, sa c.r. pa and worst matatrap na nga lang sa c.r. eto pa ang kasama! Leche lang =__=

"Bwisit ka! bwisit!"-ako parin

"Waah! Gumawa ka ng paraan! Gumawa ka ng paraan! Ayokong makulong dito kasama mong unggoy ka!" -ako parin ulit

"Ugh! Manahimik ka nga muna pwede? Paano ako makakapag isip ng ayos kung walang tigil yang bunganga mo sa kakasigaw?! Baka gusto mong mag isip din no? Kaysa inaaksaya mo ang oras sa kakaputak mo dyang tanga ka! Akala mo ba gusto kong matrap dito? at lalo na kasama mo?! Wala to sa plano ko! kaya manahimik ka muna at mag isip pwede?! Lecheng buhay naman to oh!"

Nakakatakot sya in fairness..

"Sabi ko nga eh..sungit.."

.

.

silence

.

.

"Sira ang cellphone ko, tinapon ko na yun kanina. Kaya hindi ako makakatawag kay tanda para humingi ng tulong. I assume may cellphone ka. Ilabas mo nga.." malumanay pagkakasabi nya nan, nakakapanibago

"Ah eh.. teka lang huh." hinanap ko pa sa bag ko yung cp ko. Wala kasing ilaw kaya hindi ko agad makita.

"Ang bagal mo naman! " 

"Teka lang huh! Bwisit na to! Akala mo pinapasweldo mo ako kung makautos ka dyan! Eto na oh!"

Hinablot nya naman agad sakin yung cellphone ko.

"Salamat naman! Hindi lobat! Tapos may signal din! Salamat talaga Lord. Hindi mangyayari yung napapanuod ko sa t.v.! Magsisimba na po talaga ako tuwing Linggo!"  

Wagas naman to makareact. Nakakapanibago talaga sya. May side pala syang ganito? 

Nag dial sya gamit ang cp ko.

"Posha! t*ng in*! May signal nga.. Hindi nga lobat.. Wala ka namang loaad! Anu ba yan! Para san pa at nagcellphone ka?!"

"Pakikinig ng radio?! hehe" 

"Damn! Bwisit! o eto na nga! Wala naman ding pakinabang! tss" napapasuntok na sya sa sahig. Magkatabi kami syempre kaya alam ko at medyo kita ko gawa nung ilaw ng cellphone..

Sorry naman. Wala akong masyadong budget sa load eh. Ilang fishbol narin kasi ang mabibili ko dun sa perang ipanloload ko, sayang din. Haha.

Taena..nakakatawa pa ako no? Ang saya kasi, naaasar na naman sya! wahaha

Pero teka muna, so trapped na nga kami dito for the whole night?!

*silence

.

.

.

"Ahm..Teka sa pagkakaalam ko may sumusundo sayo tuwing uwian diba? Yung mahabang kotse na black..Tapos ang driver ay yung mamang matanda. Baka hinahanap ka na nun kasi hindi ka pa napunta sa parking lot! tama!"  

Tuwing umaga kasi agaw pansin ang entrance netong unggoy na to eh. May tagabukas pa sya ng pinto tapos ang haaaaaaaabaaaaaaa nung kotse nya! kaya alam ko..

"Hindi din. Kasi naman sanay na yun sakin. Mag aantay siya ng one hour, pag hindi ako dumating, ibig sabihin it's either nakidnapp ako o dun ako nakitulog kila Tommy. Pag wala silang natanggap na tawag mula sa mga kidnapper hindi nila ako hahanapin kasi alam na nilang kila Tommy ako tutulog kaya ganun." 

GIRLFRIEND FOR HIRE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon