CHAPTER 36- FALL FOR YOU

839K 10K 1.5K
  • Dedicated kay ThirTie lovers..
                                    

{ S I D E S T O R Y  }

CHAPTER 36- FALL FOR YOU

KATIE's POV

Ang sakit ng ulo ko.

Anu na nga bang nangyari sakin?!

Ah tama! Nakidnapp nga pala ako!

Magpapanic na sana ako pero pag tingin ko sa paligid..teka..Nananaginip ba ako?!

Kasi imbis na yung mga kidnappers ang makita ko, mga taong nakamaskara na pang masquerade at naka formal attire ang nasa paligid ko. Yung set up ng lugar kung nasaan ako, lahat lahat, katulad na katulad nung J.S. Prom namin nung 3rd year ako.

Tapos, pag tingin ko sa suot ko..Nanlaki ang mga mata ko kasi suot ko yung black dress na suot ko rin nung prom namin. Nakita ko rin sa may table kung nasaan ako yung pouch na dala dala ko noon. Kinuha ko yung mirror ko sa loob nun.At pagtingin ko..

O_____O !

Yung mismong ayos ng buhok ko pati nung mukha ko nung prom ganun na ganun din!

Anu ba talaga to?! Panaginip?! Pero sa lahat naman ng mapapanaginipan bakit ito pa?! Bakit ito pang scene na pinaka ayokong balikan sa lahat?!

Tumingin ako sa paligid, dun sa exact table kung nasaan nakaupo nun si Kuya Marky..at pagtingin ko..

Nandun nga si Kuya Marky! imposible!  It's as if bumalik ang oras.. Bumalik to the exact same day I broke my heart really bad. Kailangan pa ba talagang ulitin yun?!

Nagsalita na yung speaker, tapos na ang program. Inannounce na magsisimula na ang sayawan. Bigla ng nagsimulang kumanta yung banda. Nagsimula narin magsayaw yung mga studyante.

Yung scene ngayon talgang parehong pareho sa nangyari dati. Kinikilabutan ako. Talaga bang bumalik ang oras?!

Kung bumalik nga ang oras ang alam ko sa mga oras na to.. *lunok laway

*dug dug dug

Sa mga oras na to, pupunta na ako sa lugar kung nasaan si Kuya Marky para ayain syang magsayaw tapos..

*dug dug dug dug (ang bilis sobra ng tibok ng puso ko)

Ang alam ko.. paglakad ko papunta sa upuan nun ni Kuya Marky..Bigla akong hihilahin ni Third!

Tama.. bigla akong haharangin at pipigilan ni Third!

*lingon lingon sa paligid

Hindi ko naman makita si Third eh. Mangyayari kaya yun?! Subukan ko kayang gawin nga yung ginawa ko dati? Pumunta nga kaya talaga ako sa lugar kung nasaan si Kuya Marky?! Gusto ko lang talaga malaman kung dadating nga talaga si Third.

*lakad lakad lak--

O_________O I was really shocked.

Hindi na ako makahinga. Talagang natigilan ako. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang pinagmamasdan siya.

Tama nga ang prediction ko, dumating nga si Third. Kinaladkad nga niya ako! So talagang bumalik ako sa nakaraan?! pero bakit?! paano?!

"Third anu ka ba! magsasayaw pa kami ni Kuya Marky!"  alam ko yan ang sinabi ko sa kanya dati tapos pipilitin kong umalis sa pagkakahawak niya

Kaya yun din ang sinabi ko..

"Third anu ka ba! magsasayaw pa kami ni Kuya Marky!" sigaw ko tapos pinilit kong umalis sa pagkakahawak niya

Itetest ko kung katulad din nung dati yung isasagot niya..

"Umalis na tayo dito Katie! inaantok na ako! ihahatid na kita sa inyo!" kung ganito ang isasagot niya..mukhang talagang bumalik nga ako sa nakaraan!

GIRLFRIEND FOR HIRE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon