CHAPTER 48.5- UNCONTROLLABLE ATTRACTION (part 2)

776K 8.9K 1.8K
                                    

{ S I D E S T O R Y  }

CHAPTER 48.5- UNCONTROLLABLE ATTRACTION (part 2)

STEVE's POV

Kanina pa siyang umiiyak habang nakayakap sa akin. Wala na sa aming nagsasalita. Ayoko naman kasing pilitin syang magkwento sakin, although gusto ko ding malaman kung bakit sya umiiyak. Hanggang sa bigla siyang bumitaw sa pagkakayakap sakin tapos tumabi sa sakin sa pag upo, tapos pinatong niya yung ulo niya sa balikat ko.

Hindi nga ako makagalaw eh, para akong naging tuod.. Anu ba yan -___-

Tapos bigla niyang pinakita sakin yung cellphone niya. Pinakita niya sakin yung picture na nakita ko kanina. Picture niya at ng isang babaeng maganda rin.

"Diba tinatanong mo sakin kanina kung sino tong babaeng to?!" medyo husky pa yung boses niya kasi galing siya sa pag iyak

"Oo tinanong ko.. pero anu ba naman witch?! Hindi na yan mahalaga sakin eh, ang gusto kong malaman ngayon eh kung bakit ka umiiyak--aw" binatukan niya ako bigla, bakit?!

"Eh eto na nga oh! Sinisimulan ko na ngang sabihin sayo kung bakit!"

"Huh?!"

"Siya si Tatiana, sya lang ata ang kaclose kong babae, sya lang ang pinagkakatiwalaan ko. Sya lang tunay kong kaibigan. Sya lang ang best friend ko." at muli habang sinasabi niya yun, nagsisimula na namang tumulo yung luha niya.. waaaaah! wag mong sabihing..

"Na-namatay siya?! Namatayan ka ng best friend?! --aw! batok na naman?!" binatukan na naman niya ako =__=

Sabi ko nga pala sa kanya ok lang sakin kahit sapakin at paluin niya ako, pero parang hindi naman nya dapat ako binabatukan at this time eh.. =__=

"Pinatay mo naman kasi agad eh! Sabi mo makikinig ka lang?! Bakit ka ba sumasagot?! Kainis naman tong lamok na to oh! Ayoko na nga!" tatayo na naman sana sya at magwawalk out na pero nahigit ko sya pabalik.

"Sorry na nga eh.. Makikinig na nga ako eh.. Mouth zip na nga oh.. Sandal ka na ulit sakin bilis." nag act ako na kunwari nizipper ko yung bibig ko

"Tsk , pag nagsalita ka pa, iiwan na talaga kita dyan."

Hindi na nga ako umimik. Hinayaan ko na lang syang magkwento.

"So ayun nga, si Tatiana, para sakin siya ang bestfriend ko. Lahat ng sikreto ko alam niya, kasi nga pinagkakatiwalaan ko siya eh.. PINAGKATIWALAAN KO SIYA.. Which is, yun pala ang dapat hindi ko ginawa. Kasi kahapon lang, nalaman kong, hindi naman pala best friend ang tingin niya sa akin, kahit kailan pala, ni hindi niya ako tinuring na na kaibigan niya." at tumulo na naman ang luha ni witch

Aw, gusto kong punasan yung luha niya pero natatakot ako. Ewan, hindi ko lang kayang punasan, ang ganda pa naman ng mata nya. Sayang yung mata niya eh.. umiiyak lang.. tsk

Hinayaan ko na lang syang magkwento. Ang lungkot lungkot tlgang itsura niya... hays...

-------------------------------------------------------------------------------------------------

STACY's POV

Tsk.. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bakit ba ako nagkikwento sa lamok na to?! Eh kahit nga kay sis hindi ko ma open up tong nararamdaman ko. Pero bakit sa lamok na to, parang ang dali lang saking sabihin? parang ang dali lang sakin na umiyak sa kanya?! arrrrrrrrg! Bakit ba ganito?!

Actually ang plano ko, hindi na ako sisipot sa second date namin ng lamok na to eh. Iiwasan ko na lang dapat sya at sasabihing ayoko na tinatamad na ako. Pero sa huli, wala din akong kontrol sa pangyayari. Eto ako, umiiyak na naman sa harap niya..tsk

GIRLFRIEND FOR HIRE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon