CHAPTER 21.9- The REAL STORY behind THEM (part 3)

1M 11.3K 3.8K
                                    

{ S I D E S T O R Y  }

CHAPTER 21.9- The REAL STORY behind THEM (part 3)

THIRD's POV

Haaynako.. Mukhang sa ginawa kong yun lalo na siyang nagalit sakin eh.

*sabay gulo ko ng buhok ko

Tss, yae na nga. Wala narin naman eh. Bahala siya. Magalit na siya sakin hanggang gusto niya. Wala na akong pakialam.

Eto na naman ako sa "WALA NA AKONG PAKIALAM" na yan. Ilang beses ko na bang nasabi yan?! Haay! Kaso pag nasa harapan ko na siya hindi ko alam kung bakit hindi ko maiwasan na makialam. Lalo na at pag nakikita ko siyang nasasaktan, katulad nlng kanina..

 *FLASHBACK

Pumunta ako sa mall pagkaawas (pagka tapos ng klase) ko from school. May bibilhin kasi akong materials para dun sa project namin..tss. Nakakatamad nga eh. Buti pa si Bryle, pa easy easy, pano may taga gawa siya ng project. Imba talaga yung isang yun.

Pagkatapos kong mamili ng mga materials, napagisipan kong tumingin tingin muna sa mall. Para kasing trip kong bumili ng bagong rubber shoes since medyo matagal na tong rubber shoes kong ito..

Tapos.. bigla kong nakita si Katie!

Bakit kaya mag isa to sa mall?! Nakita ko may bitbit syang sapatos.

Ow.. ok.. so yun pala.. phew.. kala ko may kadate eh.

.

.

Sinundan ko siya. Wala lang, para masigurado kong uuwi na siya.

Kaso..

Naglibot pa?! eh mag isa lang siya ah?!

Gala talaga to kahit kelan! eh gabi na ah!  pano kung pag uwi niya may masamang mangyari sa kanya?! kababaeng tao niya ang tapang niyang mag isa sa gabi! haay! kahit kelan talaga to!

*lakad lakad

Nakasunod lang ako sa kanya..Tapos bigla siyang tumalikod!

Buti na lang nakapasok agad ako dun sa isang store. Ang lakas naman ng pakiramdam ng babaeng to!

Saglit lang lumabas na din ako. Tanaw ko pa siya kaya naman binilisan ko at sinundan siya ulit..

Aba at ang kulit huh! pinapahirapan talaga ako?! alam na ba niyang ako yung sumusunod sa kanya?!

Eh nagzizigzag ba naman siya ng daan tapos kung san san siya pumupunta na hindi naman bigla tutuloy dun at liliwas ng daan, nakakainis! Para tuloy akong tanga dun! hindi ko alam kung san ako pupunta!

Mukhang nakakatunog na talaga siyang may sumusunod sa kanya. Bnilisan niya  pa ang paglalakad..

Syempre binilisan ko rin!

.

.

Ambilis niya!

Nawala tuloy siya sa paningin ko! tss..

.

.

Hinanap ko siya kung saan saan..

Pinasok ko isa isa ang mga stores na malapit dun sa area kung saan ko siya huling nakita..

.

.

Tapos napadaan ako sa fun house..

Pumasok ako..

Teka..

Si Tommy yun ah?! pati si Nash?! Bakit sila--

Natigilan ako ng makita ko bigla si Katie. Bilis bilis siyang umalis sa kumpulan ng mga tao. And I think umiiyak siya!

GIRLFRIEND FOR HIRE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon