CHAPTER 61: THE WAY I LOVED YOU.

737K 9.1K 2.4K
                                    

MUST READ!!!

Sa mga nagtataka po kung bakit chapter 59 tapos chapter 61 na agad to.. Hindi sa hindi ako marunong magbilang huh?! It's just that MerCy (STEVE and STACY) Chapter po yung Chapter 60 at nasa bukod na book sya (kasi kukulangin ako ng space dito, so andun yung chapter 60 sa GFFH (continuation of Sidestory) tingnan niyo sa works ko or click the link on the side >>>>

Kaya sa mga di pa nakakabasa dun na fan ng MerCy, basahin niyo na. Pwede niyo rin namang basahin yun after niyo matapos tong book, or pwedeng wag narin kung di kayo interested :D May Video nga palang included yung chapter na yun for MerCy.. Panuorin niyo rin if you want lang.. XD

CHAPTER 61: THE WAY I LOVED YOU.

AUTHOR's POV (wow, 2nd time na to.. XD )

Pagkasakay ni Nash sa kotse ni Tommy.. Hindi malaman ni Bryle kung bakit hindi nlng sya makaalis sa kinatatayuan niya..

Gusto niyang habulin si Nash.. Gustong gusto niya.. Pero hindi naman niya alam kung anung dapat niyang sabihin..

Gulong gulo pa ang utak niya sa ngayon... Sa lahat ng mga pangyayari..

Kaya wala nlng syang nagawa kung hindi pagmasdan habang unti unting nawawala si Nami sa kanya..

"Mahal kita.. Mahal na Mahal kita Bryle"   yan ang paulit ulit na naririnig ni Bryle sa utak niya..

Naisip niya, bakit, bakit ibang iba yung nararamdaman niya nung sinabi sa kanya yun ni Nami.. at nung sinabi sa kanya yun ni Elida..

Nung sinabi yun sa kanya ni Elida, sobrang sakit at nagagalit sya.. Pero nung si Nami ang nagsabi nun, masakit rin pero imbis na galit eh panghihinayang ang nararamdaman niya..

Iniwan siya ni Elida.. Ngayon iniwan din siya ni Nami.. pero this time, hindi siya galit kay Nami, kung hindi sa sarili niya.. Ngayon malinaw na sa kanya na magkaiba si Elida at si Nami.. Iniwan lang sya ni Nami dahil pinagtulakan niya ito.. dahil sa sarili niyang katangahan,, Kaya ngayon galit na galit siya sa sarili niya... galit na galit sya...

.

.

Sumakay si Bryle sa motor niya at agad pinaharurot ito.. Hindi niya alam kung saan siya pupunta..  Basta gusto niyang mapag isa..

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

NASH's POV

Pagsakay ko ng kotse..

"Si Bryle yun diba?! bakit--"

"Wag na nating pag usapan yun Tommy.. ikaw ang pinili ko ngayon at ayun ang mahalaga.. Wala na kami ni Bryle.. tinapos ko na ang lahat.. Wala na ring kontrata.."

Nakita kong nabigla si Tommy sa sinabi kong iyon..

"T-tlga?! pero pano si Bry--"

"TAra na.. Wag na nating pag usapan yan... Tuturuan mo pa akong mahalin ka diba?! Kaya tara na!"

at hindi na sumagot si Tommy.. Pinaandar nlng nya yung kotse..

.

.

Tumigil ang kotse sa isang mataas na lugar.. Perfect spot daw to for star gazing..

bababa na sana ako sa kotse ng..

"Teka, ako ang magbubukas ng pinto.." -Tommy sabay baba sa kotse tapos lumakad sya dun sa may side ng kotse kung nasaan ako, tapos pinag buksan niya ako ng pinto..

GIRLFRIEND FOR HIRE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon