CHAPTER 24- TESTS THEY HAVE TO PASS -___-

916K 10.8K 2.5K
                                    

CHAPTER 24-  TESTS THEY HAVE TO PASS -___-

NASH's POV

"Aray Bryle..Ugh! Ansakit! Masakit Bryle..Ugh!" 

"Nami..tiisin mo lang. Masakit talaga syempre sa una, pero pag nagtagal..tingnan mo hindi na."

"Ugh! eh masakit tlga eh. First time ko kasi to eh, huhu ugh! aray talaga Bryle!"

"Nami tiisin mo lang sabi!" 

"Ughhh..aray!! huhuhu TT___TT

Wala kaming ginagawang masama. Hindi namin ginagawa yung alam niyo na. Ganito kasi yun eh..

Nandito ako ngayon sa kwarto ni Bryle. Kami lang dalawa. Pero teka! gaya nga ng sinabi ko..wala kaming ginagawang kung anu.

Para sabihin ko sa inyo.. July na ngayon. Naka 1 month na ako sa trabaho kay Bryle!

Di ko na nga namalayan eh, ang bilis talaga ng panahon. Anyway..kaya ako nandito kila Bryle ngayon kasi..

*FLASHBACK

*riiiiiiiiiing *riiiiiiiiiiing

Nandito ako sa kwarto ko ng marinig kong magring ang cellphone ko..

Sino kaya to?!

Si Bryle?!

Tingnan ko nga..

Huh?! Unregistered number. Sino to?!

Sinagot ko nga.

AKO: HELLO?! SINO T--

SIYA: NAMI! APO KO! ANG GANDA NG BOSES MO SA TELEPONO!

AKO: TE-TEKA PO SIN--

SIYA: AKO TOOOOOOOOOO! YUNG LOLO NI BRYLE! HEHE.

AKO: AH NA-NAKU PO..HELLO PO..AHM, BA-BAKIT PO KAYO NAPATAWAG?!

LOLO NI BRYLE: EH KASI DIBA EXAMS NIYO NA BUKAS?!

AKO: AH..O-OPO..BAKIT PO?!

LOLO NI BRYLE: GUSTO KO SANANG PUMUNTA KA DITO SA BAHAY. SABAY NA KAYONG MAG ARAL NI BRYLE. BAKA SAKALING MAKINIG YUN SAYO. AYAW KASI NIYANG MAG ARAL EH.

AKO: GANUN PO BA?! PER--

LOLO NI BRYLE: SIGE NA HUH?! SIGE NA! MATUTUWA TLGA SI LOLO! NGA PALA, PINAPUNTA KO NA DYAN SI EDDIE. PADATING NA SIGURO YUN. DALA KA NA LANG NG PANTULOG. SLEEP OVER KA NARIN SAMEN OK?! ASAHAN KO YAN APO! MISS KO NARIN ANG KAPE MO! IPAGTIMPLA MO SI LOLO MAMAYA HUH?! GEH BYE.

AKO: PER--

*TOOT TOOT

*End of Flashback

Dahil nga sa wala na akong nagawa kasi kahit naman hindi ako pumayag eh pinasundo na ako ng lolo ni Bryle, eh wala na akong nagawa kundi pumunta nga dito sa kanila.

At kung nagtataka kayo kung bakit ako na "Aray Bryle..Ugh! ansakit! masakit Bryle..Ughh"  Eh kasi po..sa pagmamadali ko kanina, hindi ko mahanap yung flat kong tsinelas. Kaya ayun..ang unang nakita ko eh yung high heels na binili sakin ni Bryle. Edi ayun na nga yung sinuot ko.

Kaso..dahil hindi nga sanay ang noob na si ako, pagakyat ko ng hagdan kanina, last step na nga lang, natalapid pa ako! at ang sama ng pagkakatalapid ko!

Kaya eto ako ngayon, hinihilot ni Bryle yung binti ko.

"Tatanga tanga ka tapos iiyak iyak ka dyan, haynako!!" -Bryle

"Eh sa hindi ko naman kasalanan yun eh! pesteng hagdan na yun!"

"Sisihin daw ba ang hagdan?! tss. Bobo nga naman oh!"

GIRLFRIEND FOR HIRE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon