CHAPTER 6- ROUND 2! ^__^v

1.2M 15.2K 2.5K
                                    

CHAPTER 6- ROUND 2! ^__^v

BRYLE'S POV

"Hahahaha pare! Grabe talaga, ahahahaha hindi ako maubusan ng tawa dun sa nangyari kanina eh! Iba talaga yung babaeng yun!" pang-aasar pa nitong si Third! =__=

"Oo nga pare! laftrip! Akala ko susuko na eh, akala ko magsosorry na tapos..*boogsh! Susuntukin ka pala! At malakas pang sumuntok! Dugo yang labi mo eh! wahahaha.." isa pa tong si TOMMY! Akala ko ba best friend ko sya? Pati ba naman sya?! 

"Ahahahaha sinabi niyo pa! Tapos akala ko tapos na yun, ayun pala may pahabol pa! Nakuha pang dilaan itong si Bryle! hahahahaha" at syempre dito pa ba ako makakaligtas kay Steve? eh lage naman akong binibwisit nito eh!

(note: kung naguguluhan kayo kung pano nalaman nila Steve at Tommy yung nangyari, sila po yung dalwang lalaki na nagsaboy ng feathers ng manok kay NASH )

.

.

tugussssh! *hagis cellphone

Shet, kakabili ko lang nun ah. Hays, mukhang kailangan ko na naman ng kapalit! Dapat kasi bumili na ako ng matibay-tibay na cellphone no? Lage na lang kasing wasak! Isang tapon ko pa lang sira na! Weak! -_-

"Hindi niyo ba talaga ako titigilan?! Oo na nga eh diba?! Napahiya na nga ako dahil sa babaeng yun! Kailangan pang ulit-ulitin?! Eh kung kayo kayang tatlo ang gawin kong target ngayon huh?! ano?!"

Pagtulungan ba naman ako? Badtrip na nga yung tao eh! Bakit kasi tong mga to pa ang napili kong kaibiganin! Mga walang kwenta minsan eh! -_-

"Chill pare haha. Natawa lang talaga kami kasi naman, nakakatawa talaga." si Tommy yan, tiningnan ko sya ng masama

"Pero pare, seryoso, iba talaga yung babaeng yun. Natutuwa ako sa kanya, sobrang tapang! Ok lang ba sayo kung ligawan ko sya?"

Huh? Tommy? liligawan yung babaeng yun? Kailan pa sya nawalan ng taste?

"Gago! Eh baka under ka pa nung babaeng yun pag naging kayo. Ahaha, ay teka parang imposibleng maging kayo! Eh mukhang walang puso yun eh! Lage pang galit tapos nanununtok pa! Hindi ata tunay na babae yun eh!" 

"Malay mo naman pare, ako na pala ang makakapagpalambot ng puso niya."  hindi ba sya nandidiri sa mga pinagsasasabi niya? =____=

"Heh! Tigilan mo na nga yan Tommy! walang ligawang magaganap! Hindi pa ako tapos sa babaeng yun! Kailangan kong mag-isip pa ng plano. Kahit na ano! Gusto ko siyang makitang umiyak! Hindi ko sya titigilan hangga't hindi ko nakikita kung paano sya umiyak!"

"Eh pare, anung gagawin mo? Hindi mo naman siya gagahasain diba?"  tanong ni Third

"Isa ka pa! Asa! Hindi ganun ang mga babaeng type ko! Kilabutan ka nga! Tsaka ako? manggagahasa? Eh mga babae nga ang naghuhubad sa harap ko!"

"Oo nga naman Third. Ang layo kaya nung babaeng yun kay Eli--" eto na naman po si STEVE

"Anong sabi mo?" galit kong sabi

Ang kulit din talaga nitong si Steve! 

"Wa-wawala hehe. Sabi ko, hindi naman talaga mga katulad ni Ms. Nami ang type mo hehe."

Sabi ng ayoko ng marinig yung pangalan na yun eh..tss..ang kulit!

"Sa tingin niyo san ba takot ang mga babae? Anu bang magpapaiyak sa kanila?" tanong ko

"Expert ako dyan! Painlabin mo siya sayo, tapos iwan mo! ganun kasimple!" sabi ni Steve, babaero talaga neto

"Sa tingin mo Steve, mapapainlove ba agad ni Bryle si Ms. Nami eh kulang na nga lang isumpa nun si Bryle! I'm sure ilang milyong beses na nun pinatay si Bryle sa isip niya! haha" sabat ni Tommy

GIRLFRIEND FOR HIRE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon