ISMSTTD (Chapter 35)

2.8K 44 7
                                    

Chapter 35

Emerald’s POV

Naglalakad ako pabalik ng hospital. Kanina, ang saya saya ko habang kausap si Francess. We have a lot of common and dislikes. Akala ko nga bitch siya eh, pero napakabait at cool niya pala.

We parted our ways nang maalala ko si Diamond. Ang bilis bilis talaga ng oras kapag masaya ka. Pagtingin ko sa wall clock nang convenience store, mag aala-sais napala ng umaga. Naisip ko kasi na baka nagugutom na din ang bruha kaya no choice ako kungdi mag-withdraw na talaga para makabili ng pagkain niya.

Nasa entrance na ako ng hospital nang may tumapik ng braso ko mula sa likuran ko. Lumingon ako patalikod at nakita ko si Viper na may seryosong mukha habang nakatingin sa akin.

“Oh Viper, akala ko mamaya ka pa dadating kasi hindi ka nakasunod agad. By the way, maayos na si Mojo. Nailipat na siya sa private room.” Pagbibigay impormasyon ko sa kanya

Pero nanatiling tikom ang bibig niya habang nakatitig sa akin. Ewan ko kung anong problema niya pero naaasiwa ako sa paraan ng pagtingin niya. Ako na ang unang nagbawi ng tingin.

“Una na ko dun.” Sabi ko at sisimulan na sana ang paglalakad nang bigla niya kong hawakan sa braso para pigilan ako

“I’ll walk with you..” malamig niyang sabi

Hindi na ako umimik at hinayaan nalang siyang sumabay sa akin sa paglalakad papunta sa kwarto ni Mojo. Now, this is awkward. Hindi ko alam kung anong problema niya pero hindi siya yung Viper na nakilala kong jerk.

Tahimik lang din siya habang naglalakad. “Ayos ka lang ba?” tanong ko sa kanya habang naglalakad kami

Hinintay ko ang pagsagot niya pero wala akong narinig mula sa kanya. Tila napakalalim ng iniisip niya sa ngayon. Nagkibit balikat nalang ako at hindi na rin nagsalita pa.

Huminto ako nangmakarating kami sa tapat ng kwarto ni Mojo. Kakatok na sana ako nang hatakin na naman ni Viper ang braso ko paharap sa kanya.

Naiinis na humarap ako sa kanya at bumusangot. “Ano bang problema mo?!” napipikon kong tanong

Kagaya kanina, seryoso parin ang mukha niya. Akala ko kung anong gagawin niya pero bigla niya akong niyakap nang mahigpit. Sa pagkabigla ko, hindi agad ako nakapalag.

“Asahan mong nasa tabi mo lang ako lagi Emerald. Proprotektahan kita sa abot ng aking makakaya. Hinding hindi ko hahayaang mapahamak at masaktan ka.”

It takes me a minute bago nakabawi sa sinabi niya. Kumalas na rin siya sa pagkayakap sakin and before I knew, bukas na pala ang pinto ng kwarto ni Mojo at nandun na sa loob si Viper.

I looked at him habang naguguluhan parin ako sa lahat ng sinabi niya sakin kanina. Napra-praning na ba siya? Kung makapagsalita sya sa akin kanina….parang may kung ano lang ang sinabi niya.

What the hell is wrong with Viper?!

******

Diamond’s POV

“Kumusta siya?”

Tumingin ako sa lalaking nagtanong sakin. Siya yung lalaking nagligtas sa akin nang muntik na akong barilin nung lintek na lalaking may bonnet sa mukha.

Tinignan ko ang mukha ni Paul na mahimbing na natutulog ngayon. Tumingin ako dun sa lalaki at nagsalita, “Ayos na siya. U-Uh…salamat pala sa—”

I Sold Myself To The DevilWhere stories live. Discover now