ISMSTTD (Chapter 9)

5.7K 65 1
                                    

A/N:

Hi, Hello sa lahat! Grabe nuh? Ang taga tagal mag update ni author! Sorry naman -_-  dami kasi ginagawa na din sa school. Kabi-kabila kasi ang reports and quizzez. Btw, alam ko namang hindi niyo na babasahin itong authors note ko, haha! Enjoy reading! Sana makabawi ako sa tagal ng update ko! Salamat sa lahat ng sumusubaybay sa ISMSTTD! Muahugsssssss!

'MissAnnlovable

---------------------------------------------------------------------

Chapter 9

Emerald’s POV

Parang lahat ng balahibo  sa batok ko nagsitaasan matapos niyang  bumulong sa may tenga ko.

Matapos niyang bumulong sa akin, bigla siyang umupo sa may gilid ng kama. Nakatingin parin siya sakin. Ni hindi ko talaga makitaan ng kahit na anong bakas man lang ng emosyon ang isang ito. Tao ba talaga ito?

“Don’t you know that it’s rude to stare?” pagbasag ko sa katahimikan sa pagitan namin

“Well, I am rude since the day that I was born in this cruel world, Miss.” sabi niya

“What do you need?” alam ko namang may kailangan siya sakin. Tinulungan niya ako, so he expects something from me in return.

“Wala akong pera.” dugtong ko pa. Mas mahirap na nga ako ngayon sa daga eh. Buti pa ang daga, nakakakain. Eh ako? Hanggang ngayon, wala pading laman ang sikmura ko.

“Do you think I need that? I have lots of them.” pagmamayabang niya

Umiwas nalang ako ng tingin sa kanya. Kung hindi niya kailangan ng pera, baka katawan ko ang kabayarang hinihingi niya. Kahit na anong mangyari, hinding hindi ako ipapamimigay basta basta nalang ang katawan ko, kahit kanino.

“I need you and  your service.”

Putsa! Sinasabi ko na nga ba eh! Awtomatiko akong napatingin sa kanya, at doon, nakita ko ang isang nakakalokong ngiti na may kasamang ngisi mula sa kanya.

Nagdulot iyon ng kakaibang kaba sa aking dibdib. Mas lalo pa akong natakot nang tumayo siya sa pagkaka upo niya sa gilid ng kama at dumiretso sa may pintuan, upang i-lock ito.

Naikuyom ko ang kamao ko sa sobrang takot. Ganitong hindi pa ako fully recovered, mukhang kinakailngan ko na namang makipag bakbakan.

“Don’t come near me. Lumabas ka na!” sigaw ko sa kanya.

Pero parang wala itong narinig dahil patuloy parin ito sa paglapit sa akin. Suot parin niya ang kanyang nakakalokong ngiti habang papalapit sa akin.

Inipon ko ang lahat ng natitira kong lakas. Parang isa akong papel na  walang buhay handang tangayin ng isang estudyanteng hayok na hayok punitin ito.

Nang naksiguro na akong may konti na akong lakas na naipundar, biglaan akong bumangon mula sa pagkakahiga. Nakita kong nagulat siya sa ginawa ko. Buong lakas akong bumangon para makaalis na sa mala impyernong kwartong iyon. Hindi ko na hihintayin pang may gawin siya sa aking masama bago ako umalis.

Nagawa kong makatayo mula sa kama. Naramdaman kong nangangatog pa ang mga tuhod ko pero ipinagsa walang bahala ko nalang muna iyon. Isa lang ang nasa sa isip ko ng mga oras na iyon.

Ang makawala sa malakas na aura ng demonyong tao na iyon sa loob ng kwarto.

Third Person POV

I Sold Myself To The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon