ISMSTTD (Chapter 32)

3.5K 51 7
                                    

Chapter 32

(T H I R D  A D M I N I S T R A N T:  E N C H A N T )

Enchant’s POV

“Oh, nandito na pala si Enchant eh. San ka ba nanggaling?” pangbungad agad sa akin ni Brawny pagpasok kong muli sa kwarto

Hindi ko siya pinansin. Diretso kong pumunta kay Dapper na ngayon ay abala sa computer. Tsk! Masyadong nerd!

“Hey, I want to start my mission.” Utas ko sabay kalabit sa kanya

Hindi niya ako nilingon at diretso parin siya sa pagtitipa ng kung ano-ano sa computer. “Wait for Lord Master.” Tipid niyang sagot

Nag roll eyes ako at tumalikod sa kanya. Sakto namang pagdating ng lalaking nagpaiyak sa akin kanina-kanina lang. Nandito na si Lord Master.

Sinalubong ko siya. Alam kong nakatingin sa akin si Brawny habang lumalapit ako kay Lord Master. Huminto siya sa paglalakad at hinintay akong makalapit.

“I want to start. It’s ten in the evening.” Sabi ko

Nanatili siyang nakatayo at nakamasid sa akin. “Can you handle it? You and Lady Lilith are supposed to be the tandem for tonight. But she can’t go for now.”

Nanuyo ang lalamunan ko at mukhang iiyak na naman ang pakiramdam ko. Nyetang Lady Lilith na yan! Bakit siya ang bukambibig ng lahat?!

“I can go. I’m not that weak.” Pagmamayabang ko pa

Tumaas ang kilay niya at tumaas ang sulok ng labi niya sa sinabi ko. “Trying to impress someone? Alright. Start it now. Just you. Alone.”

Naramdaman ko ang pagtayo bigla ni Brawny sa narinig niya. “Lord Master, hindi niya kakayanin yon. Dalawang lalaki tapos mag-isa lang siya? Hindi yata tama yon. Sasamahan ko siya.” Determinadong sabi ni Brawny

Nilingon ko siya at nakita ko ang seryoso niyang mukha. Lumingon din ako kay Dapper at ganun nalang ang pag ngisi ko ng makitang nakatingin din siya sa akin.

“I can manage Brawny. No need to worry—”

He cut off my words. “Don’t you trust her word Brawny? She don’t want anybody to help her out. Let her be. We’ll see how her word can go any further about this.” Mas pinal na sabi ni Lord Master

“Pero—”

“Shut it up Brawny. Kaya ko to! Ipapakita ko sa inyo. Hindi ako mahina. Hindi ako basta-bastang babae. Iba ako. Mas angat ako sa lahat. Tandaan niyo yan.” Sabi ko habang nakatingin kay Lord Master

Ipapakita ko sa kanya. Hindi ako katulad nang kahit na sinong babae. Iba ko sa lahat. Ipapakita ko na ako ang karapat-dapat niyang mahalin.

“Open the gate now Dapper. I will be using the Porsche.” Sabi ko

Lumabas na ako sa kwarto at dumiretso sa CR. Inayos ko ang sarili ko. Nag-apply ako ng mac red lipstick at eye liner sa itaas ng talukap ng mata ko. Inilugay ko ang maikli kong buhok. Inayos ko din ang damit ko at sinadyang ilabas ang cleavage ko. Tumingin ako sa salamin. Napangiti ako. Nasa kin na ang lahat ng katangian ng babae. Pero bakit ayaw parin niya sa akin?

Pagkatapos kong mag-ayos, lumabas na ako ng cr at dumiretso sa basement. Nakalabas na ang sasakyan na gagamitin ko. Mula sa bulsa ng pantalon ko, inilabas ko ang bracelet ko. May initials na K.M.  Isinuot ko ito at tuluyan nang pumasok sa loob ng sasakyan.

I Sold Myself To The DevilWhere stories live. Discover now