ISMSTTD (Chapter 22)

4.4K 60 2
                                    

Chapter 22

Emerald’s POV

Malamig.

Iminulat ko ang aking mga mata ngunit kadiliman ang bumungad sa akin. Wala akong makitang kahit ano.

Napakadilim.

Magsasalita sana ako ngunit laking gulat ko ng napagtantong may scotch tape or masking tape ang bibig ko. Tatanggalin ko sana ng aking mga mata ngunit ngayon ko lang din nalaman na nakatali ang mga kamay ko maging ang mga paa ko.

“Uhhhmmpp!”

Pilit akong nagpupumiglas ngunit wala akong magawa. Nakatali ang aking mga kamay at paa, nakabalot naman ng masking tape ang aking bibig at wala akong makita dahil napakadilim. Nasaan ako? Sinong may gawa nito?

Narinig ko ang pagpihit ng seradura ng pintuan. Sensyales na may papasok. Unti-unting pumasok ang liwanag sa madilim na kwartong iyon. Labis akong nasisilaw sa matinding liwanag na pumasok. Naipikit ko ng sandal ang aking mga mata.

Narinig ko ang mga yabag na papalapit sa akin. Narinig ko ang nakakatakot ng tunog ng kanyang taking na papalapit sa akin. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko.

Gayon nalang ang aking pagkagulat ng bumungad sa akin ang isang babae na nakatayo ngayon sa aking harapan. Aakalain mong white lady ito dahil sa suot na puting puti na bestida. Maputi rin ito. Mahaba ang kulay itim na itim na buhok. May slim na katawan. At higit sa lahat, naka suot ng heels ng kulay itim na heels na aabot ng 6 inches.

Isa lang ang hindi ko makita mula sa kanya, ang kanyang mukha. Nakasuot siya ng nakakatakot na maskara. Tinignan ko siya ng masama.

“Hello Emerald. Finally, I have you now.” Malambing na sabi nito

Nagtaka ako. Kilala niya ako? Sino ba siya? Siya ba ang may gawa nito sa akin?

“To make it fair, I’ll let you talk. Nakakapraning naman kung ako lang magsasalita diba?” at bigla niyang tinanggal ng marahas ang scotch tape sa aking bibig

*scratcchhh*

Napasigaw ako sa sakit na naidulot nun sa aking bibig. Ramdam ko, nagkasugat ang aking bibig dahil sa biglaang pagtanggal nito.

“Who the fuck are you?!” galit at bulyaw ko sa kanya

Nag cross arms siya.

“Wow! How I missed hearing your soft and bitchy voice Emerald!”puno ng sarkastikong pagkakasabi niya

Naghahanap ako ng pwedeng itabas sa taling nakakalag sa aking paa at kamay ngunit wala akong mahanap. Umikot ang babae sa aking likod. Gayon nalang ang aking gulat ng malakas niyang hablutin ang buhok ko. Idinikit niya doon ang kanyang mukha at sa muling nagsalita.

“I’ve been waiting so long to do this. You know what? It took me so long to plan all of this shits. Now that you’re here, well, I can start to tour-ture you. What do you think?”

Lalong humigpit ang pagkakakapit niya sa buhok ko at feeling ko ay matatanggal na aking anit sa sakit. Pinagkikiskis ko ng palihim ang tali sa upuan.

“Psychotic bitch! Just do what you want! Ang dami mong satsat! Nakakairita ka!” sabi ko

Mabilis siyang pumunta sa harap ko at malakas akong sinampal. Tumabinge ang mukha ko paliko. Nalasahan ko ang dugo sa aking bibig. Crazy bitch, humanda siya sa akin oras na makawala ako dito.

“I want you to die! Let me do the honor to kill an Penford. I’m pretty sure I’d be famous after I cut down your throat!” nanggigil na sabi niya

I Sold Myself To The DevilWhere stories live. Discover now