ISMSTTD (Chapter 27.2)

4K 45 3
                                    

Chapter 27.2

(S e c o n d H a l f)

Third Person View

“Aaaaaaaahhhhhh!”

Naagaw ng atensyon ni Uella ang matinis na sigaw ni Phyrrae sa bandang likod ng lumang gusali. Nag-igting ang bagang niya lalo na nang marahas siyang tinulak ni Brawny para ma out of balance siya at mapahiga sa malamig na semento.

“Papatayin kita oras na malaman kong may nangyaring masama kay Phyrrae! Mga hayop kayoo!” sigaw niya kay Brawny

Nakasalampak sa malamig na semento si Uella at kaagad siyang tumayo ng umambang lalapit sa kanya ang may napakalaking katawan na si Brawny.

“That’s what exactly we are doing right now, Miss Uella. We kill. So, be ready.” Kasabay ng pagtawa ni Brawny

Sumugod si Uella kay Brawny ngunit maagap siyang nahawakan ni Brawny sa kanyang kaliwang kamay kung saan hawak niya ang balisong niya. Tinignan niya ng masama si Brawny at ang kamay nitong nakahawak sa kamay niya. Kasalukuyang inaagaw ni Branwy ang balisong niya mula sa kanya.

“Get off, this is mine!” bulyaw niya kay Brawny

Hindi siya pinansin ni Brawny at nagpatuloy ito sa pang aagaw ng kanyang balisong mula sa kanya. Nang nainis na si Uella, ubod ng lakas niyang tinapakan ang kanang paa ni Brawny. Natuwa si Uella dahil suot niya ang kanyang sapatos na mabigat.

Ininda ni Brawny sa sakit ang ginawang pagtapak sa kanya ni Uella. Nahinto siya sa pakikipag agawan ng balisong sa babae na sinamantala naman ng huli.

Walang sinayang na panahon si Uella at agad na tinarak ang balisong niya sa tagiliran ni Brawny. Nagulat si Brawny sa ginawa ng babae na nakangisi ngayon sa harap niya. Nakagat ni Brawny ang kanyang ibabang labi sa hapdi na nararamdaman niya.

“I told you, papatayin kitaa!” galit na galit na bulyaw ni Uella kay Brawny

Ngumisi si Brawny kahit na masakit ang kanyang nararamdaman. Lumabas mula sa tagiliran niya ang pulang likido. Sinamantala din niya ang pagiging kumpyansa ng babae at madali niya itong inundayan ng isang suntok sa tagiliran ng babae. Tumalsik ang babae at napahiga sa malamig na semento ngunit hawak parin ang balisong niya.

Kilala si Brawny sa pagiging malupit nito sa kanyang mga biktima. Wala itong sinasanto; bata, matanda, babae man o bakla pati mapatibo, wala siyang pakialam. Ang mahalaga sa kanya ay ang pumatay ng tao na ikinararangal niya sa kanyang sarili sa tuwing nakakapatay siya.

Lumapit si Brawny sa nakahigang si Uella. Namimilipit ito sa sakit ng kanyang tagiliran ng undayan muli ni Brawny ng isang malakas na sipa sa likod ang babae. Halos mahimatay na ang babae sa sakit na natamo. Dinig na dinig naman ni Brawny ang paglagatok ng buto nito sa bandang spinal cord ng babae. Nangisi si Brawny.

Lumuhod si Brawny sa harap ni Uella na wala ng lakas ngayon. Sumilay mula sa babae ang dalawang butil ng luha at ang impit na hikbi nito. Mistula namang walang puso si Brawny dahil inagaw nito mula sa nanghihinang babae ang pinaka-iingatan nitong balisong. Matapos niyang makuha mula dito ang balisong, tuluyan nang ngumiti nang tagumpay si Brawny.

“It’s been proven. Men are stronger than women.” Nang-uuyam na sabi ni Brawny sa nakahigang babae ngayon

Hindi na pinansin pa ni Uella ang sinabi ni Brawny. Pumikit na lamang siya at tinanggap ang kanyang pagkatalo.

“Tell the bidders my last words for them, Fuck them all! We’ll see them in hell.” Huling salita ni Uella bago siya tuluyang gilitan ni Brawny sa leeg

I Sold Myself To The DevilTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang