ISMSTTD (Chapter 3)

6.2K 95 3
                                    

Chapter 3

Emerald's POV

 *kinabukasan*

"I’m sorry Ems. Masiyadong komplikado na ngayon eh. Nalaman nila dad yung ginawa kong pagtulong sayo. They're not against it, well in fact gusto nga nila yun. But the thing is, someone send us a letter again saying that if we don't stop helping you, pati kami magiging katulad niyo. Im really sorry Ems. I hope you understand." Diamond shook her head

Hindi nako nagulat nung sinabi sakin ni Diamond yun. Expect ko na yun. Masiyadong malupit ang taong may gawa nito samin. Sinisiguro talaga na mamamatay kami sa hirap. Fuck whoever did this!

I smiled weakly to her. "It's okay Dia. You helped me when I needed a help. Don't you worry Dia, I'll find a way to survive this fucking game." Matapang kong sabi

 Humarap siya sa akin sabay yakap. “I’ll talk mommy and daddy to send you goods and stuff for living and…I’ll give you some branded dress to wear Emerald. Gosh! I am not used to see you dressed like a beggar, Ems.” Pag amin niya sa akin

Hinampas ko siya sa braso niya at sabay kaming nagtawanan. “You’re so mean Dia! Kung hindi lang kami naging instant mahirap, malamang tambakan pa kita dyan ng branded dresses!” pagyayabang ko

Nagbelat naman siya sakin. “But you can’t do that for now Emie. Kaya ako nalang muna ang magtatambak sa’yo ng mga pinaglumaan ko! Hahahaah!”

Kinurot ko siya kaya tumawa na naman siya. “Eeeew! Kadiri ka Diamond!” pagrereklamo ko

Ngumisi naman siya. “Choosy ka pa dyan! Just kidding Ems. I know your taste in fashion. Mamaya, bibili na ako ng magagamit mo.” Sabi niya

Tapos ng pag uusap namin ni Diamond, nag umpisa na akong maghanap ulit na mapapasukang trabaho. Kahit ano, papasukin ko na. Wala nakong pakealam kung magtrabaho ako sa bar, club, karinderya o kahit saan pa man!

 Diamond called me to meet her at Starbucks, again. May sasabihin daw siya, at iyon na nga iyon. She can’t help me for now. I understand them. Hindi ko kailangang umasa lang sa bigay nila. Bukod sa nakakahiya, para saan pa ang pinag-aralan ko kung hindi ko naman magagamit ito?

 Whoever did this to us, I'll kill him. I swear I’m going to rip off his face! Im gonna find that fucking bastard! I swear!

 Kung saan saan ako napadpad kanina kakahanap ng trabaho. Nailabas na rin pala si daddy kaninang umaga. Mabuti nalang at kasya pa yung binigay sa akin na pera ni Diamond.

I looked in my wrist watch. Alas-sais na ng gabi. May awa parin paka sakin ang taas dahil nakahanap ako ng trabaho. Taga hugas ng pinggan sa isang pipitsuging restaurant. Tinanggap ko na rin, pera padin naman yun eh, aarte pa ba ko!

Basta may income lang ako, ayos na ako. Pangtustos sa pangangailangan nila daddy at mommy. Maghahanap parin ako nang trabaho bukod sa nakuha ko ngayon. Alam kong hindi sasapat iyong kikitain ko sa paghuhugas ng plato sa isang restaurant.

Instead of going straight at home, I went to a park. Ewan ko, pero pakiramdam ko anytime magiging atomic bomb na ako sa sobrang dami ng emosyong gustong ilabas. Yung tipong isang kalabit nalang, sasabog na ako. Kumbaga sa baril, isang kalabit lang ng gatilyo, puputok na ako.

 When I got in the park, I looked in a place to relax. Pagka upo ko, awtomatiko namang nag unahan ang mga luha ko sa pag labas. Walang pasintabi ang mga luha ko sa paglabas sa mata ko.

 Punong puno na ko, sa lahat ng nangyayare ngayon sa buha ngayon sa buhay namin. Hindi ko alam kung bakit kelangan pa naming sapitin ito. Bakit? Bakit!

Alam ko namang napaka sama ng ugali ko pero mababait ang mga magulang ko. They shouldn’t be suffering this kind of life! Bakit sila nagkakasakit gayong hindi naman nila deserve iyon. Sana ako nalang! Huwag na sila!

 Kung kelan kailangang kailangan namin ng pera, saka pa mangyayare samin toh. Ayoko mawala sila mom sa tabi ko. Hindi ko kakayanin. Sanay ako na nandyan sila lagi sa tabi ko. Sanay ako na lagi kaming magkakasamang tatlo at hinding hindi ako papaya na isa sa kanila ang mawala.

 Hindi ko rin lubos maisip kung sino ang gumawa nito samin. Ganon na ba katindi ang galit na nararamdaman niya para pahirapan kami ng ganito? Kung sino man siya, sinisiguro kong makakarma siya. Mas doble pa ang babalik sa kanya sa ginagawa niya saming pagpapahirap ngayon.

Pinunasan ko ang nagkalat na mga luha sa mukha ko. It's a good thing na madilim na. I don't want anybody to see me crying, to see me in my weakness. Kung di ko naman ilalabas to, mauunahan ko pang pumunta sa heaven sila mom niyan. Kailangan ko lang kasing ilabas ‘tong bigat ng nararamdaman ko.

Halos mag iisang oras na din ako ng napagpasyahan kong umuwi na. Sobrang maga na ng mata ko eh. Ang sakit na rin ng ulo ko dahil di pa ko kumakain simula kaninang umaga. Nagkape lang naman kami kanina ni Diamond. Yun na yung huling pagkain at tubig na pumasok sa bituka ko.

 Kakatayo ko pa lang sa kinauupuan ko ng may marinig akong mga kalabog. Malalakas na kalabog. Para bang may nag-aaway.

Kumunot ang noo ko at nang marinig na papalapit na ang mga kalabog sa direksyon ko, kinabahan na ako. Sa sobrang takot ko, nagtago ako sa ilalim ng bench na kinauupuan ko.

Mariin akong napapikit at pigil ang bawat paghinga na lumalabas sa akin. Ayokong gumawa ng kahit na anong ingay na magsasabing nandito ako sa ilalim. Ayokong isangkot ang sarili ko sa gulo. Kailangan pa ko nila mommy.

Maya maya, may narinig akong nagsalita. Lalaki.

"Any last words to say?"

Tumindig ang mga balahibo ko sa malamig at napakalalim na boses ng nagsalita. Mistulang galing sa hukay ang boses nito dahil sa sobrang baba at laki ng boses. Nakakatakot.

"Fuck you Damon!" sagot ng kausap niya yata

 Sisilip sana ako mula sa pinagtataguan ko para magkaroon ng ideya kung anong nangyayari sa labas pero……………….

Isang putok ng baril ang umalingawngaw sa buong paligid.

-----------------------------

A/N:

Thanks for reading. Keep on supporting! Mag comment naman kayo oh!

Loloves all!

MissAnnlovable

I Sold Myself To The DevilWhere stories live. Discover now