ISMSTTD (Chapter 17)

4.6K 64 3
                                    

Chapter 17

Diamond’s POV

“Any update?”

“Tsk. Zero.”

Nai-himalos ko ang palad sa aking mukha. I’m here at Annie’s Restaurant with this dumb Xavier. Like me, this idiot doesn’t any have lead to Emerald.

Sinimangutan niya ako at nakita kong kumuyom ang kaliwang palad niya. “I can’t track her. I think there is someone who’s blocking all my access.”

Napamulagat ako sa sinabi niya. Kaya ba kahit ngayon, ni shadow ni Emerald ay hindi naming makita? Because there is ‘someone’ who’s blocking our way?

“Would it be….the one who made their lives worst as hell?”

Mataman niya akong pinagmasdan at dahan dahang tumango ang ulo niya. Nakagat ko ang labi ko sa inis at galit sa kung sino mang tao ang nasa likod ng lahat ng ito.

“So wala na tayong gagawin? Ganun ba yun Xavier?! Damn it! Ni hindi ko na alam ang kalagayan ng pinsan ko at ng tito at tita ko! We shouldn’t stop finding ways to track them! We must do something!”

Alam kong nagging sigaw na ang pagkakasabi ko nun. Sobra na akong napupuno sa mga nangyayari. Marahas akong tinignan ni Xavier. Nakita ko na naman sa mga mata niya ang labis na pag aalala sa kalagayan ni Emerald.

“I don’t say I would stop. I will find her, whatever it takes.”

Nakita ko sa mga mata niya ang determinasyon  sa mga sinabi niya. I know he’s a good private investigator. Unti-unti nang nakikilala ang pangalan niya dahil sa husay sa pagiging P.I. Alam kong mahahanap niya si Emerald. I just have to trust him.

Tumayo siya sa katapat kong upuan. Bago pa man siya tuluyang makaalis, hindi na ako nagdalawang isip pa na magtanong sa kanya.

“Do you still my cousin? Emerald?”

Napatigil siya sa paghakbang paalis at hinarap ako. Sinalubong ko ang mga mata niyang isa lang ang tangi kong nababasa. Pagmamahal.

“I never stop loving her and I always will.”

Atsaka siya tuluyang umalis. A few words from a wise man. Napangisi ako sa sinabi niya. Grabe, sana naman mauntog na sa makapal na pader si Emerald para mapansin niya si Xavier. Hands down na ko sa sobrang pagmamahal niya kay Emie.

After kong maubos yung isang baso ko ng strawberry sundae ko, umalis na din ako. Ganito talaga kasi ako pag stressed, dinadaan nalang sa kain.

Pagsakay ko sa kotse ko at pa start ko na sana para umalis, nahagip ng mata ko ang bulto ng isang pamilyar na tao. Kinusot ko ang aking mga mata at ng masiguro ko na hindi ako namamalikmata. Pero hindi. Totoo ito. Nandito siya.

Pinagdikit ko ang labi ko sa inis na nadarama ko at hinampas ang manibela. Men sucks! Kinuha ko ang cellphone ko at idinial ang numero ng bwisit na tao na nakikita ko ngayon.

Nakita kong kinapa niya ang bulsa niya. Siguro naramdaman niya ang vibration ng cellphone niya dahil natawag ako. Hindi nakalampas sa paningin ko ang pag aalinlangan niya kung sasagutin ba niya o hindi ang tawag ko. Bwisit talaga!

(“Hello?”)

Napapikit ako makaraang marinig ko ang napakalalaking boses ng kausap ko. There is irritation behind that voice and I can feel it. Hindi ako ganon ka insensitive.

I Sold Myself To The DevilWhere stories live. Discover now