ISMSTTD (Chapter 28)

4K 52 5
                                    

Chapter 28

Emerald’s POV

“Condolence Dia.”

Bumaling sa akin si Diamond at dagling yumakap habang yumuyugyog ang balikat niya dahil sa pag-iyak. Nag-text siya sa akin kanina at sinabing nasa labas siya ng bahay. Nung lumabas ako ng bahay, nasa loob pa siya ng sasakyan at binuksan niya yung bintana ng sasakyan niya at sumenyas na pumasok ako sa loob.

“I-It hurts Emie…” sabi niya sa garalgal na tono ng boses

Naawa ako sa pinsan ko. Hinagod ko ang likod niya para patahanin siya pero lalo lang siyang umiyak. Nasabi niya na sa akin na namatay daw ang pinakamatalik niyang kaibigan na nakilala niya noong pinatapon siya sa Florida.

“Hush now Dia. I’m still here. I’ll never leave you.”

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at tumitig sa mukha ko. Nakita ko ang mata niyang punong puno ng paghihinagpis. Nagkalat sa mukha niya ang luha.

“P-Promise me that Emie..please…”  aniya sa nanghihinang tinig

Tumango ako ng marahan. “I promise Dia. Hinding hindi ako mawawala.” Sabi ko habang pinunasan ko ang pisngi niyang basa ng luha

Bigla na naman niya kong niyakap ng mahigpit. “Aasahan ko yan Emie. Walang iwanan.”

Nandito ako ngayon sa front seat ng sasakyan ni Diamond. Matapos niyang mahimasmasan, bigla nalang niyang pinaandar ang kanyang sasakyan.

“Hey, di ako nakapagpaalam kila mommy.” Sabi ko sa kanya

Liningon niya ako at ngumiti ng impit. “Just want to buy some smoothie Ems. Babalik din tayo.”

Hindi nalang ako umimik at tumingin nalang sa labas ng bintana. Alam kong wala din namang sense kung kausapin ko si Diamond ngayon. Hindi niya lang maiintindihan lahat ng sasabihin ko dahil alam kong depressed pa siya sa pagkamatay ng kaibigan niya.

Huminto ang sasakyan ni Diamond. Nang tumingin ako sa itaas, naka red light pala. Lumingon ako kay Diamond at nakita ko ang tulala niyang ekspresyon. Napailing nalang ako at kinalabit siya.

“You want me to drive? Baka di tayo makabalik ng ligtas niyan mamaya sa—

Hindi pa ko tapos magsalita ng matalim niya akong titigan. Napangisi nalang ako at itinaas ko ang dalawa kong kamay.

“Chill. You look so upset. Nag-alala lang—

“We will go back in there safely Emie. Just trust me.” Aniya at saka pinasibad ang sasakyan niya ng saktong mag green light

Napangisi nalang ako sa inakto ng pinsan ko. She’s just scared to the idea of accident. Lalo na kakasabi ko lang kanina na hindi ko siya iiwan.

Pagtingin ko sa labas ng bintana, napansin ko na naman mula sa side view mirror ng sasakyan ni Diamond ang kulay puting Chevie na nasa likod namin. Kanina ko pa napapansin na parang sinusundan kami ng sasakyan na ito. Bigla tuloy akong nagduda.

“Diamond, turn left.”

Nakatingin parin ako sa Chevie na nakabuntot sa sasakyan ni Diamond. Nangunot ang noo ko lalo na nung biglang pumihit pa kaliwa ang Chevie. Mistulang nagtatago pero nakasunod pa rin.

“Why? Maiiba yung direction—

“Just effin turn left Diamond!”

Nagulat si Diamond sa pagsigaw ko pero sinunod din naman niya ako. Lumiko kami sa kaliwa at gayon nalang ang pagbundol ng kaba sa dibdib ko ng nakita kong pumihit pakaliwa rin ang kulay puting Chevie.

I Sold Myself To The DevilWhere stories live. Discover now