ISMSTTD (Chapter 8)

5.7K 73 6
                                    

A/N:

Hi sa lahat! Salamat sa lahat ng patuloy na nagbabasa ng ISMSTTD kahit na ang tagal tagal mag-update ni author. -____- Sorry na? Ehehe, enjoy reading!

MissAnnlovable

---------------------------------------------------------------------------------------

Emerald’s POV

Shit! Para akong nauupos na kandila. Unti-unti akong nawawalan ng lakas. Parang gusto ng bumigay ng katawan ko, isip ko nalang ang lumalaban ngayon kaya nagagawa ko pading magpatuloy na maglakad.

Masiyadong naubos ang lakas ko kanina sa pakikipag-away. May mga munti din akong galos at pilay na unti-unti ng nag-uumpisa na sumakit.

Iika-ika ako habang naglalakad. Sandali akong napatigil maglakad ng maramdaman kong may nagmamasid muli sakin.

Pilit kong tinatatagan ang loob ko kahit na sa pakiramdam ko eh isang hipan lang sa akin, maaari na akong tumumba.

Luminga-linga ako. Pinagmasdan kong maiigi ang paligid. I can sense that the stalker is just near to me.

Sakto pag-angat ko ng tingin sa taas, may nahagip akong isang itim na anino sa taas ng bubong. Hanggang sa kusa na itong lumitaw sa paningin ko suot ang isang nakakaloko na ngisi. May hawak siyang pang sniper na baril.

Sa suot niya, mawawari mo na napag-utusan siya. Malakas ang kutob ko na isa ito sa mga tauhan ng taong nagpapahirap ngayon sa amin.

Kahit hindi na maganda ang pakiramdam ko, pinilit ko parin na tumakbo papalayo sa taong iyon. Ayaw ko pang mamatay, hindi pa ako handa.

Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko. Marami pa.

“Diyos ko, tulungan niyo ho ako.” bulong ko sa sarili ko.

 

*bang!*

 

Naramdaman kong tuluyan na akong natakasan ng lakas. Bago ako tuluyang mawalan ng malay, may naaninag akong isang tao. Isang lalaki.

 

 

Diamond’s POV

“Daddy kelan ka ba kikilos ha? Kayo ni mommy?! You need to do something to help them!”

 

Tumingin sa akin si daddy. Isang seryoso at walang ka emo-emosyon na tingin.

“You need to wait for the right time Diamond. Right things will supposedly happen in right time.”

 

I Sold Myself To The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon