CHAPTER 49

15 0 0
                                    

Third Person POV


**F l a s h B a c k **


"And that is a deal. Congratulations Mr/Mrs. Penford. You may take Luna with you as soon as possible".


Ngumiti ng alanganin ang babae bago tumingin sa kanyang asawa. "Are you sure it will not be a problem if we don't take the other girl?"


"Katulad ng sinabi ko sa inyo Mrs. Penford, Lila is already reserved. Meron na hong ibang family ang mag adopt sa kanya. They reached out to us the very first day na dumating sila dito sa bahay ampunan. Do not worry about it. Basta yung sinabi ko sa inyo na you should make Lila feel that you do not want her para hindi na sya mamilit pa." sabi ng Head of Caretaker na nangangalaga sa mga bata


"Alright, if that is the case then we'll get Luna right now as soon as we leave." saad ni Mr. Penford at saka nagpatiunang naglakad palabas ng opisina


Pagkatapos magka abutan ng pera, agad na tinungo ng magasawa ang play ground kung nasaan ang aampunin nilang bata. Lingid sa kaalaman ng mag-asawa, ang bahay ampunan pala ay isa sa organisasyon na hawak na isang Drug Lord. Hindi na sila nagatubili pa ang magasawa na magtanong kung para saan ang bayad na 100,00 PHP dahil sabik na sabik na silang magkaanak. 


Masayang pinagmamasdan ni Lila ang kapatid habang naglalaro sila. Bigla lang syang natigilan ng mapansin nyang may sasakyan na papunta sa direksyon nila. Alam niyang maaaring musmos pa ang kanyang isipan ngunit hindi lingid sa kaalaman nyang may interesadong kumuha sa kapatid nya dahil magpa ilang beses nadin itong nagpapabalik balik sa bahay ampunan para bisitahin at dalhan sila ng kung ano anong laruan.

Nagaalala syang tumingin sa kapatid nyang busy sa paglalaro. "Huwag mokong iwan! Huwag kang sumama sa kanila!" sigaw nito sa kapatid

Nagtataka namang tinapunan ng tingin ni Luna ang nakatatandang kapatid dahil mistulang wala itong alam sa sinasabi ng kapatid.

"You promised me that you'll never leave me. D-diba sabi natin sa isa't-isa, walang iwanan?!" habang sunod sunod ang agos ng luha ni Lila, niyakap nya ng mahigpit ang kapatid. Hindi nya hahayaang maghiwalay sila.


Natagpuan ng magasawa ang magkapatid na masayang naglalaro sa playground. Lumabas ng sasakyan si Mrs. Penford para kunin si Luna at dalhin na sa bahay nila pagka uwi. Agad na lumapit ang ginang sa dalawang bata. Nakita nito ang mahigpit na pagyakap ng batang babae sa aampunin nila kung kaya marahas nya itong hinatak para magkalas.


"Huwag mo siyang kunin sa akin!" sigaw ni Luna habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa ginang.


"She is now our daughter. Get lost! Hindi ikaw ang gusto namin! Simula ngayon, hindi mo na sya kapatid dahil sa amin na sya!" masungit nitong tugon sa batang nakatingin ng masama sa kanya.


Hinatak ng ginang ang bata at pilit na sinakay sa sasakyan.


"Lets go, now!" mariin na utos ng ginang sa driver nito. Agad namang pinaharurut ng driver ang sasakyan. Nakita pa ng mag-asawa ang kawawang bata na naghahabol sa sasakyan nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 16, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Sold Myself To The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon