SPECIAL CHAPTER

3.2K 42 7
                                    

A/N:

I dedicate this chapter to all my dear readers of I Sold Myself To The Devil. Thank you gift na rin sa lahat. Enjoy reading. :)

=======================================

(The Accident….)

 

Emerald’s POV

 

“What happened Dia? I thought that—”

 

 

“I forgive him Emie. We talked. We make things clear out. He told me his side, I told him my side. We forgive each other Emerald, we sort things out!”

 

 

Sandali akong natulala sa mukha ng pinsan kong natataranta habang umiiyak. Halos hindi ko na maintindihan ang pagsasalita niya dahil sa kakaiyak niya.

“One second we are happy and then there are this guys who pointed out there guns in us so we had to run and hide…” pagpapatuloy niya

Nasa loob kami ng sasakyan niya, ni Diamond. Ako ang nagda-drive habang nagkukwento si Diamond sa akin ng nangyari kanina. Hindi ko akalain na maaaring mapahamak si Diamond sa gulo na ito. Masyado siyang nagaalala para kay Mojo (Paul) dahil kakaayos lang pala nila.

“I don’t really understand why they do that. M-May kaaway ba si Paul? Sino sila? B-Bakit…B-Bakit gusto nilang patayin si Paul?!”

 

 

Napapikit ako at napasinghap sa tanong ni Diamond. She wont understand because I don’t want her to get involved in this mess. Alam kong iyon din ang gusto ni Mojo. Kaya pinatakbo niya si Diamond para makaalis doon.

“He’ll be safe Emie, right?” nanghihinang tanong sa kin ni Diamond

Sakto at nakarating na kami sa building ng condo ni Mojo. Nagpark ako at itinigil ang sasakyan saka lumingon sa kanya.

“He will, Dia. Just…trust him.” Sabi ko

Sabay kaming bumaba ni Diamond sa sasakyan nya. Ngayon ko lang din napansin na walang naka duty na guard ngayon sa building. Hindi tulad kanina ng pagpasok namin dito.

Kinapa ko sa tagiliran ko ang swiss knife na sandata ko. Ang tinuturing kong weapon at tagapagligtas ko simula ng masangkot ako sa trabaho na ito.

I Sold Myself To The DevilWhere stories live. Discover now