Prologue

1.1K 32 20
                                    

Sa buhay ng mga tao, may mawawala, may maiiwan, may bumabalik, may mananatili, at may magbabago. Wala talagang forever.

Iniwan na ako ng taong minahal ko ng sobra. Masakit pala 'yun no? Iyong ipag-papalit ka niya sa iba sa harapan pa talaga nang mukha mo. Di bale sana kung patago nalang ee, mas matatanggap ko pa.

Tanga na kung tanga. Ganyan naman lahat ng nagmamahal diba? Nagpapaka-tanga lang para sa taong mahal nila. 'Yung tipong niloloko na sila, binibigyan pa ng second chance. Oh well, ganyan talaga. Mahal nila e.

Why am I saying all these things? 'Cause I just want to.

Move-On. Six letters lang 'yan. Madaling sabihin, pero pag nandiyan kana sa stage na 'yan. Naku, sobrang hirap gawin! Pero I know, sooner or later magagawa ko rin 'yan. Hindi pa sa ngayon, pero alam kong kaya ko yan.

May nameet akong guy. Gwapo siya, mabait, gentleman, caring. All girl's dream. Sa hindi sinasadyang pagkakataon. Oh, parang sa kanta lang. Haha. Nafall ako sa kanya. Oo, sino ba namang hindi ma-iinlove sa taong ganyan? Wala kaya, ee kung sa mga bad-boy nga may mga babaeng nag-kakagusto sa mga yun. Sa almost perfect na guy pa.

What will happen next?

Alam nating lahat na mapaglaro si destiny. Iyong tipong masaya na kayo, maayos na ang lahat. Tsaka niya gagawing kumplikado ang lahat. Tadhana nga naman.

But remember the saying "Kung kayo talaga, kahit tadhana pa ang kalaban niyo. Kung mahal niyo talaga ang isa't-isa, mananatili't mananatili kayo."

Pero ang totoo. Ako lang gumawa niyan. Kasi? Gusto ko lang ulit! HAHAHA.

Teka, ang dami ko ng nasabi. I just want you to know me, I'm Nicole and this is my story.

When I Met YouWhere stories live. Discover now