TWELVE

192 14 6
                                    

SUMMER 2008

KATH'S POV

"Napansin mo ba si DJ nung reunion?" nagkatinginan kami ni Julia nung tinanong niya yun. Tahimik lang kami pareho tapos sabay kami nag smug face at nagtaas baba yung kilay namin.

"Gwapo na niya 'no??" Ako

"Oo nga eh!! Akala ko ako lang nakapansin! Pano nangyari yun??" Julia

"Di ko nga alam eh. Baka yun yung nangyayari pag lumilipat ng school - nag eevolve." Ako

"Tara lipat na tayong school." Julia

Nagtawanan kami habang hinihintay si Pai magbihis sa kwarto niya. First day kasi ng review classes namin para sa college entrance exams. Kaming tatlo lang yung nag enroll since walang pang enroll si Mi. May financial problems kasi yung family nila ngayon.

"Anong oras ulit start natin?" kalalabas lang ni Pai tapos nagtanggal ng towel sa ulo

"8 pa naman" Julia

"8?! Akala ko naman 9?!" Pai

"Panic? Aga aga?" Ako

"Aga aga? Tayo hindi "aga aga"! 7:50 na kaya!!" Pai

Nagsi tinginan kami sa wall clock. Wala ng sabi sabi at wala ng suklay suklay si Pai, sumakay na kami sa car niya. Buti nalang sa loob din nitong BF Paranaque yung review center. Pero late din kami... mga 5 minutes. HAHAHA. Sakit pala sa ulo balikan ulit yung lessons mula first year highschool pa.

"Well that was fast. 1:00 palang. San tayo?" Pai

"Nood tayo movie sa Town? May movie passes ako." Ako

"Tara!" Pai/Julia

Buti nalang talaga hatid sundo usually 'tong si Pai. Ang init kasi ngayon! Hassle mag commute.

"Did you kids have fuuuun?" sa sobrang bine-baby ni Tita Gie si Pai, pati kami bine-baby na nito. Pero nakakatuwa naman din.

"Yeees Titaaa" o diba. Ampon dating namin ni Julia.

*bzzzt*

Seth: Hun, ano trip mo ngayon? :*

Kath: Bakit Hun na tawag mo sakin, Nie? Hahaha! Eh akin nga yung dulo ng "honey" diba? Manonood kami ng movie nila Pai. Katatapos lang ng review namin eh. Why? Ikaw? :*

Maka kiss sa text, kala mo naman naka kiss na in real life?? HAHAHA. Never been kissed kasi ako kahit ang dami ng lalaki na dumaan sa buhay ko. Siguro kasi hindi pa time.

Seth: Tinatamad na kasi ako i-type yung "Sweetie" :(( Rly? Punta din ako!

Kath: Hahaha ganun ba? Okay! See you, ingat!

"Sama nga pala daw si Seth" Ako

"Ano ba talaga meron sainyo?" Julia

"Wala? Di ko din alam eh" Ako

"But he loves you?" Pai

"Oo? Sabi niya?" Ako

"But you don't?" Pai

"Uhhh" Ako

"Ahhhh. Laro laro laaaang." Julia/Pai

Minsan pakiramdam ko mas kilala pa ko ng bestfriends ko kesa sa sarili ko! Ayoko namang sabihing laro laro lang yung samin ni Seth. Kasi gusto ko rin naman i-try. Crush ko siya and he's important to me. That, I'm sure of!

-CINEMAS-

Hindi namin alam kung bakit ito pinapanood namin na movie. Movie ni Jackie Chan. Kingdom.. Something.

Medyo kalagitnaan na nung movie nung siniko ako ni Julia tapos bumulong "Uy.. na g-gets mo ba..?"

"Hinde.... Baka si Pai..?" sabay kaming tumingin kay Pai at bago pa kami makapagtanong, nakatingin na pala siya samin tapos umiiling habang naka poker face.

HAHAHA. Wala kaming ma-geeets huhuhu.

*bzzzt*

Seth: Hun, Cinema 5 kayo diba? San kayo banda dito?

Tumingin tingin na 'ko sa loob ng cinema tapos nakita ko na si Seth. Tumayo ako ng konti tapos nagwave, buti nalang nakita niya ko. Pero teka? Sino kasama niya? Bigla kasi dumilim yung eksena sa screen!

"Hi Kath, Julia, Pai..!" malakas na bulong ni Seth nung nakaupo na siya sa tabi ko

"Sorry ngayon lang ha? Ito kasing si DJ ang tagal eh" Seth

Napatingin kaming tatlo sa katabi ni Seth. At ayun si DJ, nginitian lang kami...... AHHH bakit ganito nararamdaman kooo.

After 15 minutes bumulong sakin si Seth "Kath..... ba't eto pinili niyong movie..."

"Hindi ko rin alam..." pero ang totoo niyan, mas hindi ko lang talaga na gets simula nung nalaman kong nandito din si DJ.

"Alis nalang tayo.." naka poker face din si Seth nung nakita ko itsura niya. Hahaha mukhang batang naagawan ng candy kasi!

Sinabi ko na kila Julia na umalis nalang kami. Tuwang tuwa naman sila! Tumayo na kami para umalis tapos binatukan pa ni Pai si DJ habang paalis ng aisle namin. Nakatulog kasi hahaha.

"Aray!! Para san yu-" DJ

"SHHHH!!!!" Crowd

"Tara na alis na tayo" natawa nalang si Seth at inalok si DJ ng pabulong.

The One That Saves MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon