FOUR

280 22 16
                                    

First Year High School - Year 2005

KATH'S POV

"KATH!!" AY!! Aga aga nang gugulat 'tong si Louise. 

"Oh! Maka sigaw naman 'to." sabay niyakap niya 'ko tapos tumawa

"Hi Kath" oo kasama niya si Joshua, at oo sila parin, okay na sila at okay na kami haha

"Kamusta kayo? Ano ba section niyo?" Ako.

"Hindi nga kami magka klase eh! Section 13 ako HUHU" nagpretend umiyak si Louise tapos humingi ng hug kay Joshua

"Eh ikaw?" tinanong ko si Joshua 

"18. Tayo yung magka klase HAHAHA!" Joshua

"Nakooo sakit sa ulo!!" nagjoke ako tapos nagtawanan kami

"Sino pa pala kaklase natin?" naglakad lakad na kami nung tinanong ko yun

"Ay nga pala! Sila--" bigla kaming nakarinig ng feedback ng mic bago pa ma kumpleto ni Joshua yung sasabihin niya.

"ATTENTION FIRST YEAR STUDENTS, PLEASE PROCEED TO THE ASSEMBLY AREA INFRONT OF THE CENTER STAIRS, NOW."

After the flag ceremony and morning prayer, our level prefect arranged us according to our sections and introduced our class advisers. Hindi ko makita kung sino mga classmates ko kasi nasa pinaka likod ako ng pila. Hindi ko alam kung ba't ako napunta dito. Buti nalang ka-klase ko ulit si Karla! Siya kausap ko ngayon sa line. If you're wondering what happened between me, Peter, and Tin; well hindi ko sinabi kay Tin na Peter cheated on her and that I was the one he cheated with. I just somehow convinced her that Peter's a jerk and that she deserves better. Buti nakinig sakin, at buti di na talaga ako kinausap ni Peter. May bago na siyang girlfriend ngayon from another school, German pa.

Anyway, papunta na kami ngayon sa designated home room namin. We have to walk from the assembly area (which is just in front of the highschool building), all the way to the fourth floor of the college building. Sections 15-19 lang. Malaki daw kasi batch namin, hindi na kasya sa highschool building. Kaya yun. After a lot of walking and climbing stairs, we finally got to see our classrooms.

Uupo na sana kami ni Karla ng biglang

"KATH?! 18 KA DIN!! KATH PLS. ISANG TAON NA PANSININ MO NA K--"

"Ah iho? Anong problema dito? Kailangan ba sumigaw?" bago pa ko makareact nung nakita ko na si Khalil yung maingay, sinita na siya ng adviser namin, si Sir Cali. Pustahan, bading 'to.

"HAHAHA upo ka na nga lang Khalil!" yung totoo?! Package deal ba sila??

"Dito ka din, Seth? Wag mong sabihing pati yung isang asungot ka-klase ulit natin??" Ako.

"Hahaha, Hindi na." Seth.

"Ahh.. Hay buti nala--"

"Sa 19 siya, katabi lang ng classroom natin" biglang taas baba kilay ni Seth. Asaaar!

We had about 30 minutes with our adviser. House rules, introductions, seat plan, the usual. Math yung next namin na subject. Pagka alis ni Sir Cali, umingay agad yung classroom. Magkakakilala na nga kasi kaming lahat. Except yung dalawang katabi namin ni Karla ngayon.

"Hi! I'm Nicola Ang, I'm from Hong Kong!" speaking of.. Obviously new student.

"Hi! I'm Karla, and she's Kath. Wag ka na mag english, for sure maaartehan lang mga tao sayo dito." si Karla na nag introduce samin. Alam niya kasi na ayokong nakikipagusap sa mga bagong kilala lang.

"Ah really?? Haha thanks for the heads up! Anyway, ito naman si Pai Lorenzo." 

Nag hi lang yung Pai dahil mukhang mahiyain. Yung Pai na 'to, mukhang sadako. Sobrang puti! With matching straight unruly hair. Sobrang kabaliktaran ni Nicola na morena tapos mukhang pala ayos

"Sabay sabay na tayo mag recess mamaya, pakikilala ko kayo sa barkada namin" 'di ako usually ganito, pero feeling ko kasi magkakasundo kami ng dalawang 'to.

Naguusap lang kami tapos biglang umeksena nanaman si Khalil

"KAAAAATH SIGE NANAMAN OH. ISANG TAON NA!! ISANG TAON MO NA KONG DI PINAPAN--"

"EXCUSE ME? Excuse mee meesturr?? What seems to be the problem here??" at ito na nga. Ito na nga ang terror math teacher na pinaguusapan ng lahat.. si Miss Ems. 

Tiklop si Khalil eh. HAHAHAHA... actually, lahat kami tumiklop. Pakiramdam ko nga, lahat kami tumigil yung pag hinga buong subject eh. Yun na ata yung pinaka mahabang 45 minutes ng buhay ko. Grabe naman simula nitong highschool ko!

The One That Saves MeWhere stories live. Discover now