FORTY

72 4 1
                                    

JULIA’S POV

"So ano pa nga ginawa niyo nung birthday ni Quen and nung first month niyo?? Pinakilala mo na ba siya kila Tita? Anooo??"

Persuasive? Eh kasi hindi talaga ako makapaniwala na “wala lang” daw.

"Oo. Eh pero alam mo yung madalian lang?? As in "Ma, Dad, si Quen nga pala" "Hello po sige po una na po ako."" Kath

"Ha?! Eh ba’t ganun lang??" Ako

"Ewan ko ba kasi kay Quen! Nag reason out pa na may paper daw siyang gagawin." Kath

Ano kaya meron kay Quen.. Grabe kaya magpakilig yun! Huling huli yung kiliti ni Kath. Pero diba red flag yung hindi ginagawang big deal yung meet the parents? Ay nako! Sakit sa ulo.

Ay.. May isa pa nga palang sakit sa ulo.

"Wait lang, nabasa mo ba yung note na pinost ni Pai sa FB?" Ako

"Hmm? Di pa ata. Bakit? Tungkol san?" Kath

"Yuri." Ako

"Ano nanaman? Lumunok nanaman ba ng blade? Ano ba yang boyfriend niya. Gaano ka tagal na sila? 1? 2? months?!" napairap nanaman si Kath.

Laging ganyan pagdating kay Pai at Yuri. Si Yuri kasi yung tipong “lumulunok ng blade” o nag lalaslas pag nag aaway sila ni Pai. Which is.. lagi.

"Mukhang malala yung ngayon eh" Ako

"Bakit?" Kath

*flashback*

Medyo nalalaos narin tong Facebook no? Hay.

*scroll*

Quen Valencia: Happy 1st month Babe!! WOOHOO!!

Kathryn Bernardo: hahaha babe, why celebrate months when we can celebrate years?

Quen Valencia: Important din naman ang months, babe ah? :[

Nako Quen, diyan ka nagkakamali. Firm ang stand ni Kath na kalokohan lang ang “monthsary”. Naniniwala siyang kaya lang ginawa yun, dahil wala ng tumatagal na couples ng years.

*scroll*

*scroll*

Hm? Teka? Ano tong note ni Pai?

I can’t take it anymore. I hate how you pushed me hard against the wall for everyone in school to see.

...

I hate how you can just violate me in public and how you put your hand—

STOP. Tama na!! Pushed me hard?? Violate??

*end of flashback*

"A-NO?! Seriously, san ba nakatira yang Yuri na yan?! Ni hindi pa nga napapakilala satin, ganyan pa tratuhin si Pai?!" Kath

"DIBA?! Di ko alam diyan kay Pai, ayaw pa hiwalayan!" Ako

Bigla namang napatahimik si Kath. Mukhang may binabalak.

"Ano plano mo?" Ako

At ayan na nga nga ang smirk ni Kath.

"Mag papalit kami ng simcard ni Pai" Kath

"Shit" Ako

"1 week." Kath

"Eto nanaman tayo" Ako

"Wala tayong sasabihan. At wala kaming rereplyan kahit ano mangyari." Kath

Pucha. Ano pa ba magagawa ko.

The One That Saves MeΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα