TWENTYEIGHT

139 13 12
                                    

MILE'S POV

"Uy si DJ ba yun?" Ako

Naglilibot lang kami ni Kath sa campus ng biglang nakita namin si DJ at Zharm na pasalubong samin. Pano kaya naka pasok yun sa campus?

"Miles, Kath! Ba't nandito pa kayo?" Zharm

"Hi Dude! Musta??" sabay nag hug sakin si DJ

Yup, okay na kami nila Zharm. Bati na niya kami nila Kath simula nung nakapag retreat na siya nung August. 'Di nga lang uso saaming magkakabarkadang babae yung nag be-beso o hug pag nagkikita. Mas lalake pa nga ata kami sa mga lalake sa barkada samin eh!

"Uy Kath" nginitian ni DJ si Kath

Napansin ko, kay Kath ata yung suot ni DJ na hoodie. Hmm..

"Sup" Kath

Hindi parin gaano ka-comfortable kay DJ si Kath kahit patapos na yung taon.

"Wala kasi kaming magawa ni Bey. Kaya sa 5:30 trip nalang kami sasabay haha. Ikaw? Ba't ka nandito??" Ako

"Hahaha. Bawal na ba 'ko bumisita ngayon??" DJ

"Hay nako. Ewan ko sayo. Sige na una na kami. Bye Zharm!" Ako

"Bye Zharm!" Kath

"Bye guys!" Zharm

"Ako, walang bye?? Bye DJ!" DJ

Kulit parin ni DJ hanggang ngayon. Tumalikod na kami at naglibot ulit.

*bzzzzt*

Quen: Kath! How was your day? :] Ako pauwi palang. Grabe nakaka drain talaga college :[

Kath: Pauwi ka na? Haha. Himala! Hindi ka mag hahappy Thursday?

Yung Happy Thursday, uso yun sa mga LaSallians. Kasi hanggang Thursday lang pasok nila. That's why every Thursday after their classes, they go out to drink and have fun with their friends.

Quen: Pahinga muna ako, gusto kita makausap eh :]

'Di ata napapansin ni Kath na nababasa ko yung conversation nila ni Quen. Pano, nagtaka kasi ako kung ba't napangiti siya bigla. Kaya tinignan ko kung sino nag text sakanya.

"Yung totoo, Bey? Sigurado ka bang hindi ka pa na f-fall diyan kay Quen?" Ako

"Hindi nga. Nakakatuwa lang siya. Haha" Kath

"Nakakatuwa? Eh nakakatuwa pa kaya pag ma confiscate yang phone mo? Baka nakakalimutan mong bawal mag cellphone sa campus!" Ako

Mukhang naalala na nga niya at tinago na niya yung phone niya.

"Eh! Ewan ko sayo Mi! Anyway, okay na ba lahat para bukas?" Kath

"Yup! Nag confirm na lahat ng ininvite natin." Ako

"Tapos ang alam ni Pai hindi ka makakapunta bukas diba?" Kath

"Oo. Nagtatampo nga ata yun eh!" Ako

"Hahaha! Mabuti yan! Para naman ma surprise talaga siya bukas sa birthday niya" Kath

KATH'S POV

"SURPRIIIIIIIISE!!!"

"Huhuhu sabi na you lied to me eh!! Imposible naman na wala ka!! Huhuhu" Pai

"Huhuhu! Sorry nahulog yung isang cheesecake!!" Mi

"Hoy! Tama na nga iyakan diyan! Kainan na tayo!" Khalil

"HEH! BAKIT KA BA NANDITO?! SINO NAG INVITE SAYO?!" Pai

Nagtawanan naman ang buong barkada dahil pinahiya nanaman ni Khalil ang sarili niya.

"Hey. Pai! Stop that! Be nice. O sige na, group picture muna kayo ng friends mo" Ate Bee

*FLASH*

"Sus. Buti pa si Ate Bee, ang bait! Bakit di ka nagmana sa Ate mo??" Khalil

"Ano bang pake mo?" Pai

Nagtawanan nanaman ang barkada at tuloy na kaming kumain. Nagulat naman ako nung may humawak sa likod ko.

"Hi Kath" DJ

"Uy, hi DJ" Kath

Silence. 

Nagkatitigan lang kami ni DJ nang biglang may pumagitna saamin

"EEEEXCUUUUSE MEEE. KUKUHA LANG NG PAGKAIIIIN. Ikaw, Kath?? Ano gusto mo?? Eto oh, kain ka lang. Hi DJ. Hinahanap ka nga pala ni Zharm. Kilala mo yun? Yung girlfriend mo?" Gio

Napakamot nalang si DJ ng ulo at umalis. Life saver talaga si Gio! Pero walang malisya. Closet gay 'to eh. Parang Vice Ganda kung maka hirit pero closet nga.

The night went on with stories, food, and drinking. 

"Uy okay lang ba si Zharm?" Julia

"Dami na ngang nainom niyan eh. Away ata sila ni DJ" Neil

"Ah kaya pala pinsan nalang ni DJ umaasikaso sakanya ngayon?" Julia

Nakita naman namin na lumapit sila Zharm at Moe kay Pai at nagpaalam ng aalis. Mukhang away talaga sila ni DJ ngayon. Di nalang namin pinansin at naglaro nalang kami ng card games kasama si Ate Bee. Di ko namanlayang katabi ko na pala si DJ sa kaliwa ko. Hindi ko nalang pinansin at tuluyan parin kaming nagtatawanan ng barkada.

Maya maya tinapik ako ni DJ kaya napatingin ako sakanya. Nagpout naman siya sakin habang nakapikit. 

"Kath.. pahiga naman sa lap mo oh.." DJ

Tumango nalang ako at tuluyan na siyang humiga sa lap ko. Bandang 2 am nararamdaman ko ng napapagod na mata ko, kaya humiga naman ako sa lap ni Gio at nakaidlip. Pero agad rin nagising ng hindi pa nakaka isang oras

"ARAY!! PARA SAN YUN??" DJ

"Ay sorry. Kala ko kasi may lamok, kawawa ka naman." Gio

"Wala naman eh!!" DJ

"Ah oh sige, matulog ka nalang ulit, pero dun ka sa kabila! Diyan kay Neil! Maka higa sa hita ni Kath! Alalalala?!" Gio

Nagpout naman si DJ at natawa lahat. Di ko mapigilan yung tawa ko at humiga na ulit ako sa lap ni Gio. Hay DJ. Di na ba talaga kita maiiwasan? Pa sulpot sulpot ka parin kasi eh.

The One That Saves MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon