THIRTYEIGHT

93 8 6
                                    

DJ’S POV

"Putangina naman DJ ano nanaman ba ‘to?!"

Binato sakin ni Zharm yung cellphone ko. Naka open yung isang message galing kay Jane.

"Wag na wag mong i-dedeny yan. Wag na wag mong sasabihin na "wala lang" yan. "Boo"?! May nalalaman pa kayong ganun?!" Zharm

Nakaupo parin lang ako sa kama ni Zharm, habang siya kulang nalang, mabutas na yung sahig sa pagdadabog niya.

"Puta naman! Ilang beses na DJ. ILANG BESES NA. Hindi lang si Kath, meron pang Chi, meron pang Patricia, meron pang Aya, Dianne, Lea.. ANO BA TALAGA GUSTO MONG MANGYARI?!" Zharm

"Nung 4th year na tayo at lumipat ka ng QC, ilan pa lumandi sayo O NILANDI MO? HA?!" Zharm

"NAG DROP OUT KA PA. DI MO MAN LANG PINAABOT NA MAG GRADUATE KA. ANO NA NGAYON DJ? PATAPOS NA 2009, PATAPOS NA RIN KAMI SA FIRST YEAR COLLEGE. EH IKAW? WALA." Zharm

Sobra na ‘to. Sawang sawa na ko sa away. Nagsasawa na ko kay Zharm..

"MAGPAPAKA BUM KA NALANG BA AT MAMBABABAE BUONG BUHAY?!" Zharm

Ayoko na ng ganito. Tumayo na ko sa kama niya.

"Kung ayaw mo na sakin, hiwalayan mo nalang ako." sabi ko sabay lakad papuntang pintuan ng kwarto niya. Naramdaman ko namang bigla niyang hinila ang kamay ko.

"DJ.." basag na yung boses ni Zharm at humikbi. Alam kong konti nalang, iiyak na siya ng tuluyan.

Ayokong humarap kay Zharm dahil ayokong nakikita siya na ganito. Baka din may masabi pa ko na mas makakasakit sa kanya.

"Pag isipan mo nalang. Sige aalis na ko" tuluyan ko ng binuksan ang pintuan at naglakad paalis.

ZHARM’S POV

Eto nanaman. Ako nanaman yung umiiyak.. Ako nanaman yung talo.

Wala man lang guilt sa mata niya. Wala man lang pagsisisi. Wala man lang “sorry”.

SHIT HINDI NA BA KO MAUUBUSAN NG LUHA?!

"Hello, Zharm? Diyan ka pa ba? Tahan ka na.."

Ay shit nakalimutan ko may kausap pa pala ko sa phone.

"Oo Yen.. *sniff* S-sorry.." Ako

"Zharmella, sinasabi ko sayo at ng lahat, tama na.. Hiwalayan mo na si DJ.." Yen

Nasaktan ako nung sinabi ni Yen yung “hiwalayan”.. Hindi. Hindi ko kaya.

"Hindi na talaga tama Zharm. Matauhan ka na please. Maawa ka naman na sa sarili mo.." Yen

Kaya ko pa naman eh. Mahal ko si DJ. Mahal na mahal.

"Ilang beses ka ng niloko ni DJ. Ilang beses nambabae.. Wag mong sabihing tatanggapin mo parin siya?" Yen

Siguro dahil kulang pa yung binibigay ko.. Kailangan ko pa maging mas mabuting girlfriend. Tama! Kulang lang binibigay at ginagawa ko kaya hinahanap niya sa iba.. kasalanan ko to.

"Yen, kailangan ko na ibaba yung phone. Kailangan ko mag sorry kay DJ! Sige, thankyou Yen ha?" Ako

"ANONG SORRY?! ZHAR—" Yen

"Bye Yen!" agad ko ng tinapos yung tawag. Kailangan ko ng ayusin yung samin ni DJ.

The One That Saves MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon