TWENTYTWO

164 13 11
                                    

DJ'S POV

*flashback CHAPTER 13*

"Kath!" Ako

Pabalik na sakin si Kath. Di ko maiwasang titigan yung mga mata niya. Pakiramdam ko nalulunod na ko at ngumingiti na ko sa sarili ko na parang ewan! Shit. Bakit ko 'to nararamdaman?! 

"Bakit, DJ?" Kath

Pwede ba kita ma yakap? Kahit saglit lang. AHHHH. Mag pigil ka DJ. May girlfriend ka.

"Wala, pasabi nalang kay Tito, salamat ha. Sige na balik ka na sa loob" ginulo ko nalang buhok niya sabay kinurot yung pisngi niya at sumakay na 'ko ng tricycle.

*end of flashback*

*flashback CHAPTER SEVENTEEN*

"I could spend my life in this sweet surrender" sana maramdaman ni Kath na para sakanya yung line na kinakanta ko ngayon. Sakto naman at napatingin siya sakin habang kinakanta ko 'to.

"I could stay lost in this moment forever" tinalikuran naman niya 'ko ulit nung kinanta niya yung line na yun. Haha! For sure kinikilig yun! Naramdaman ko namang tinanggal ni Zharm yung pagkahawak ng kamay namin

"Ano yun?" Zharm

"Ano ka ba, sinasabayan lang namin yung live band! Haha." Ako

*end of flashback*

*flashback CHAPTER NINETEEN*

"Uy, diba si Diego yun?" Kath

Kumaway samin si Diego. Shit, baka sabihin niya kay Zharm!

"Teka lang. Labas lang ako kamustahin ko lang. Excuse me po Tita" Ako

Lumabas na 'ko para puntahan si Diego.

"Uy Diego! Musta?" Ako

"Okay lang! Tagal na kitang di nakikita ah? Ano ginagawa niyo ni Kath dito?" Diego

"Ahh, magka officemate kasi Mama ko at Mama niya. Kaya close kami" palusot ko kay Diego

"Ahh! Kaya pala. Haha o sige sige alis na ko. Pa kamusta nalang si Kath at Zharm" Diego

*end of flashback*

Shit naman. Kailangan ko na makita si Kath. Dahil sakin, mapapahamak pa siya. Badtrip! 

"Oh? Ba't nagmamadali ka diyan, san trip mo?" Seth

"Sa Town, puntahan ko si Kath. Tangina alam na ni Zharm yung samin ni Kath." Ako

"Ano ba kasi sabi ko sayo bro? Na malalaman at malalaman yan ni Zharm." Seth

"Bobo ko kasi. Sinabi ko pa kay Marco. AHHH! Di kasi ako nagiisip!" Ako

"Oh ano balak mo pag makaharap mo na si Zharm? Pano kung pa piliin ka niya?" Seth

"Tss. Alam mo naman sagot dun eh." DJ

"Alam ko nga. Dahil hindi ka naman mag mamahal ng iba, kung mahal mo talaga yung nauna. Pero kilala kita DJ. Alam kong gusto mong nakikipag laro. Siryoso ka man kay Kath, at si Zharm na ang pinaglalaruan mo ngayon, alalahanin mong minamahal ka lang ni Zharm. Tingin mo ba dapat niya tanggapin yang panloloko galing sayo?" tinapik nalang ako ni Seth at lumabas na ng kwarto. 

Alam ko naman yun. Alam ko naman na 'di karapat dapat gaguhin si Zharm. Pero dapat matupad ko yung deal namin ni Kath.

*flashback CHAPTER TWENTY*

"Oy Bey nasan ka ba?!" Miles

"Wag mo na hanapin! Kasama si DJ" Neil

Hahaha. Sinadya kong patayin yung ilaw para magkagulo muna sila sa taas. Gusto ko na muna makasama si Kath bago pa tuluyang matapos yung summer na 'to. 

"Hahaha kahit naman nasa baba na tayo, rinig parin natin ingay nila sa taas eh!" Kath

"Wala naman akong pake kahit anong ingay nila, ang importante kasama kita." niyakap ko siya at hinalikan sa noo.

"Sabi na gusto mo lang ako solohin eh!" Kath

Ginulo ko naman buhok niya at hinawakan siya sa bewang. Hinalikan ko ulit siya, ngayon, sa lips na. Smack lang naman. 

"DJ, pano na.. Naririndi na 'ko diyan kay Erika. Napapaghalataan na tayo" napayakap sakin si Kath at hinaplos ko naman buhok niya

"Oo nga eh. Talakera kasi yun. Pero walang makakapigil satin, Kath. Walang makaka pigil sa dreamgirl dreamboy" hinalikan ko ulit siya tapos natawa naman siya.

"1 year, DJ. Mananahimik tayo ng 1 year. Para matahimik narin sila. Pero pagkatapos ng 1 year, wala ng pakialaman." Kath

"It's a deal. Pagkatapos ng isang taon, akin ka na. Sayo na 'ko. Hihintayin ko yung 1 year na yun. Mahal na mahal kita, Kath." hinalikan ko ulit siya at niyakap ng mahigpit

"Maghihintay din ako, DJ. Mahal na mahal kita." binaon naman niya yung mukha niya sa dibdib ko.

*end of flash back*

Sorry Zharm, pero kailangan iparamdam ko sayo na ikaw talaga pinipili ko. Kailangan maparamdam ko sayo sa loob ng isang taon na sinusubukan ko talagang maging mas mabuting boyfriend sayo. Para pag dating ng panahon na makakabalik na 'ko kay Kath, wala na kayong masusumbat sakanya. Wala ng magagalit sakanya. Wala ng mag iisip na inagaw lang ako ni Kath. 

The One That Saves MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon