THIRTEEN

188 15 9
                                    

-STARBUCKS-

Bakit ang gwapo niya?! Black longsleeves lang tapos pants pero ang gwapo niyaaa.

"Gusto niyo makakita ng trick?" DJ

Nakatingin lang kami ni Pai at Julia sa kanya. Walang umiimik. Hello guys?!

"Kath?" Seth

"Huh? Ah. Oo! Sige." na stun ka nanaman Kath?? Ano baaa ayusin mo naman!

"Haha okay okay" DJ

Naglabas si DJ ng lighter tapos obvious naman na nagtataka kaming tatlo kung ano mang “trick” gagawin niya. Si Seth parang wala lang, mukhang alam na niya yung trick. Hawak ni DJ yung lighter gamit right hand niya, tapos tinakpan niya ng left hand niya yung top ng lighter ng mga 5 seconds.

"Ready?" DJ

Wala parin umiimik. Tapos nung clinick niya yung lighter, biglang may malaki na flame na lumabas sa left hand niya.

"Uy gago! Pano yun??" si Julia napa mura na HAHAHA

"Again again!!!" si Pai naman parang bata, tuwang tuwa.

Tumingin ako kay DJ tapos nginitian niya ko “Galing ba?”

Ang yabaaaang!! Pero kung maka ngiti naman ako sa loob looban ko, abot tenga! Ano ba ‘to Kaaaath.

"Okay lang" eh kung sa hard to please ako eh? Haha.

Naka dalawang ulit pa si DJ nung trick niya sa kalagitnaan ng mga kwentuhan namin. Bandang mga 5 nang alok na si Julia umuwi.

"Sabay nalang ako sayo Pai" sa dulo lang kasi si Julia ng BF nakatira kaya convenient.

"Okay. Ikaw Kath? Commute ka na?" Pai

"Yup" Ako

"Sige By—" Julia/Pai

"Hatid na kita Kath!" bago pa matuloy yung pag paalam nila Julia sakin, nang alok bigla si Seth at nagtanong agad kay DJ "Ikaw ba DJ? Kita nalang tayo samin?"

Tumingin sakin si DJ tapos ngumiti “Deh, sige sama na ‘ko. Wala rin naman akong gagawin habang hinihintay ka”

"Ah geh geh" Seth

Medyo nagkaron ng awkward silence ng sobrang saglit

"Uhh SIGE GUYS DITO NA MOM KO HAHAHA BYEEE!" nagbeso sakin si Pai at bumulong "Goodluck" natawa pa.

Nagbeso narin sakin si Julia at bumulong din ng mapanloko “Kwentuhan mo ‘ko ha??”

Nung wala na sila, humarap na ‘ko sa dalawang mag bestfriend.

"Ano? Tara!" nauna na ‘kong maglakad sakanila. Mamaya maging awkward pa.

Dumating kami ng bahay mga 5:30. Balik kami sa dati ngayon. Nag aasaran na parang grade 6 lang. Kulang na nga lang si Khalil eh! Mga asungot ng buhay ko. Hahaha. Kumain kami ng icecream, and pancit. Nanood ng Spongebob. Tapos ang dami nilang pina nood sakin na videos sa youtube. Tapos at some point, kami ni DJ nasa labas habang si Seth naiwan sa loob.

*riiiiing*

Kath: Hello, goodevening?

“Bey. Have you eaten? Sino nandiyan ba’t ang ingay?”

Kath: Si Seth and DJ, mga kabarkada ko ma. And yes, we ate na. Pancit.

Mama: Tawawa naman anak ko! Pancit lang ang dinner! I’m coming home na from my meeting. Tell your friends umuwi na, it’s 11 na. Delikado sa daan

11 na pala?? Di namin namalayan.

Kath: Okay Ma! Ingat!

"Pinapa layas na kami?" Seth

"Hahaha! Hindi naman pinapalayas. Sabi kasi ni Mama delikado na daw sa daan ng ganitong oras" Ako

"Oo nga eh.. Nakakatakot nga dito sa village mo eh." DJ

"Wag kayo mag alala. Di kayo ma r-rape ng mga bading dito!" nagbibiro lang ako tapos biglang naging straight face sila pareho sa takot

"Kath, ayoko pang mamatay please" Seth

"Oo nga, Kath!" DJ

Habang tinutulak ko sila palabas ng pintuan at palapit ng gate, nagmamakaawa sila sakin na parang may magagawa ako at parang huling araw na nila sa mundo HAHAHA! Finally nasa gate na sila at naghanap na si Seth ng tricycle.

"Oh sige na b-bye na ha?? Salamat sa paghatid! Ingat kayo ha?" inasar ko pa sila bago ako tumalikod papuntang pintuan namin ng bigla akong tinawag ni DJ

"Kath!" DJ

Pumunta naman ako ulit sakanya. Nakatingin lang siya sakin. Hindi, nakatitig lang siya sa mata ko. Pakiramdam ko parang nalulunod ako. Bakit ganito? Ngumiti siya.

"Bakit, DJ?" Ako

Napatungo siya saglit habang natawa ng konti. Tinignan niya ‘ko ulit.

"Wala" nginitian niya lang ako habang pinisil niya yung pisngi ko, tapos ginulo niya buhok ko.

"Pasabi nalang kay Tito, salamat ha. Sige na balik ka na sa loob" sumakay na siya sa tricycle na nahanap ni Seth.

Pinadaan nalang nila sakin, hindi kasi nila na meet si dad dahil lasing na HAHA. Sakto pag pasok ko, tulog na si dad sa kwarto. After awhile dumating narin si mama. Pero hanggang ngayon, iniisip ko parin kung bakit tinawag ako ni DJ bago pa ‘ko maka pasok ng bahay.

*bzzzt*

Dreamboy: alam mo ba, yayakapin na dapat kita kanina sa gate eh. pero pinisil ko nalang cheek mo haha sorry. ang totoo niyan, kanina pa kita gustong yakapin nung mag isa tayo sa labas ng bahay mo. sa susunod na makasama kita, pwede na ba kitang mayakap? :) goodnight dreamgirl :)

The One That Saves MeOnde histórias criam vida. Descubra agora