THIRTYSEVEN

99 7 7
                                    

KATH’S POV

"Oh, ba’t ka nandito bey?" Dad

"Tch. Pinuntahan kasi ako ng mga friends ko. Ayun oh, ‘di makatawid." Ako

"HAHAHA! Ganun ba??" Dad

"Tumawid nalang kayo! Hindi naman malalim!!" sigaw ni Dad kila DJ at Moe

Nagkatinginan lang naman silang dalawa na parang mga inaping bata, at tumawid na.

Pinapasok ko na sila sa loob at binigyan ng towels.

"Kath, oh. Kainin mo na yan. Binagyo na kami at binaha para lang diyan! Huhu" sabay abot sakin ni Moe ng popsicle.

"Kasi naman no! Sino ba nagsabi na pumunta kayo?? Kala ko naman nangttrip lang kayo! Haha pero thankyou ha?" Ako

"Pwede ba namang hindi kami pumunta, eh sino nalang magbibigay ng icecream mo diba?" nginitian naman ako ni DJ habang pinapatuyo niya buhok niya gamit towel.

Wet look na, bed hair pa? Bakit mo to ginagawa DJ. Please lang.

"Uh, Kath.. Tumutulo na.." Moe

Ha?! Laway ko?? Dyahe naman!! Hahawakan ko na dapat yung gilid ng labi ko ng biglang tumakbo si DJ papunta sakin para saluhin

DJ’S POV

Si Kath minsan talaga bigla bigla natutulala. Yan tuloy!

"Yung icecream!" buti sakto nasalo ko yung patulo na sana na icecream ni Kath

"Ay! Ano ba yan, isang drop lang, nagmamadali na saluhin??" Kath

"Ganun talaga pag importante at pinaghirapan, sasaluhin mo talaga dapat" sabay nginitian ko siya.

"Pero.. yung icecream yuuuun." Agad na singit ni Moe.

Buong gabi yun lang ginawa namin, nagkulitan, kwentuhan, soundtrip. Di rin nawala yung pag take ng pictures.

Bakit ba tuwing nakakasama ko si Kath, gusto ko siya mayakap, gusto kong mahawakan kamay niya, gusto ko siyang protektahan..

Sa tuwing makakasama ko siya ulit, parang wala pa ring nagbago. Siya parin yung Kath na minahal ko nung summer..

Alam kong mali ‘to, kasi kami parin ni Zharm.. Ngayon nalaman ko na sila na pala ni Quen.. Pero.. Pwede bang kahit ngayon lang.. Pwede ko bang mahawakan yung kamay niya?

Ngayon nalang ulit Kath, please..

Unti unti kong inabot yung kamay niya at hinawakan to.

Kahit saglit lang.. Kahit ngayon na yung huli.

Binawi rin ni Kath ang kamay niya. Sakit din pala talaga no?

"Kath! Di mo ba ggreet si DJ?" Moe

"Huh? Bakit?" Kath

"Haha, birthday ko bukas eh.. Actually.." kinuha ko yung phone ko para tignan yung oras. 12:30 na pala. "ngayon na pala" sabi ko habang sinubukang ngitian si Kath

"Happy birthday insan!!" Moe

"Salamat salamat" Ako

"Wehh?? Hindi naman eh!" bigla naman akong kiniliti ni Kath. Napansin kaya niya na malungkot ako?

"Hahaha! Oo nga kasi Kath!! Tanong mo pa mommy ko" Ako

"Sige na nga, happy birthday DJ!" bati sakin ni Kath habang nakangiti ng malaki.

Pucha naman Kath! Mas nahihirapan akong tanggapin na di parin talaga tayo pwede dahil diyan eh.

"Haaay Kath" kinurot ko nalang pisngi niya at sinubukan ngitian siya ulit

"Tama na nga yan! Baka maubos mo pisngi ni Kath!" napatawa naman kami sa sinabi ni Moe

"Haha, sige Kath, baka mauuna na kami. Nice meeting you! Salamat sa time ha?" sabay yakap ni Moe kay Kath ng mabilis

"Bye Moe! Nice meeting you too! Salamat sa pag tawid ng baha para sakin ha? Hahaha" Kath

"Bye DJ! Thankyou nga pala sa icecream!" nagwave sakin si Kath at nginitian nanaman ako

Hindi ko na kaya. Niyakap ko na si Kath. Matagal din.

"Thankyou para dito Kath.. Miss na miss na kita.. Alam kong di parin tayo pwede, pero salamat pinasaya mo ‘ko sa birthday ko.." bulong ko sakanya at tinanggal na yakap ko sakanya.

Nginitian nalang ako ni Kath at hinatid na kami papuntang gate nila. Napagisipan namin ng pinsan ko na maglakad nalang palabas ng village ni Kath.

"Nakita ko yun.." basag ni Moe sa katahimikan habang naglalakad parin kami pero di nagtitinginan

"Yung hinawakan mo yung kamay ni Kath" Moe

Hindi ko alam kung ano sasabihin ko

"Nakita ko rin kung pano mo siya tignan" Moe

"Moe." tumigil na kong maglakad para harapin siya, habang siya napatigil din pero nakatingin sa di kalauyan.

Napangisi siya

"At nakita ko rin kung bakit napamahal ka sakanya. Kung bakit mahal mo parin siya" Moe

Napangisi narin ako. Kahit di kami magkatingin ni Moe, kilala parin talaga niya ko. Wala akong matatago dito.

"Di mahirap mapamahal kay Kath. Pero alam mo na kung ano yung dapat at di dapat. Kayo ni Zharm at sila naman ni Quen. Pinagbigyan kita ngayon kasi birthday mo. Wag ka mag alala, walang makakarating kay Zharm galing sakin. Paniguraduhin mo lang na huli na to." Moe

Tama si Moe, huli na nga siguro ‘to.

"Salamat insan."

The One That Saves MeWhere stories live. Discover now