FORTYEIGHT

72 4 3
                                    

ZHARM’S POV

Bakit di parin nagrereply si DJ? Oo, puro away kami lately.. kaya nga nauna na kong umuwi galing sa birthday ni Pai last week dahil nag away nanaman kami noon. Pero okay na naman kami kagabi ah? Sinabi ko pa nga kagabi na pupuntahan ko siya sa bahay niya ngayon eh.

Siguro tulog pa yun. Okay lang, close naman kami ng family niya.

"Manong dito nalang po." pagpara ko sa tricycle at nag abot na ng bayad.

*dingdong*

Sakto lumabas si Tita Karla.

"Oh…. Zharm.. Napabisita ka ata..?" sabi ni Tita Karla at pinagbuksan ako ng gate

"Hi Tita! Hehehe opo. Na miss ko po kayo!" nag beso ako sakanya at pumasok na sa loob.

"Sige tuloy ka muna sa living room, nagluluto pa kasi ako.." Tita Karla

"Okay lang po Tita! Hello po Tito" Ako

"Oh.. Zharm.." Tito Rommel

Alam kong a man of few words tong si Tito Rommel.. Kaso bakit parang pareho silang balisa ni Tita Karla?

Bago pa ko makaupo sa sofa, may narinig na kong tumatakbo papunta sakin.

"Ate Zharm!! Lika, dun po tayo sa kwarto!" agad naman akong hinila ni Lelay papunta sa kwarto ni DJ. Si Lelay yung bunso sakanila. Sobrang lambing nito.

Pagpasok namin ng kwarto ni DJ, nagulat naman ako…

"Lelay, si Kuya DJ mo nasan?" Ako

"Ay, hinatid po pauwi si Ate Nika! Tara Ate Zharm, laro muna tayo!" Lelay

Nika daw.. Yung ex ni Tom.. Na kabarkada namin.. Shit naman! Lahat nalang ba ng kabarkada natin DJ?!

"Ah.. Bakit Lelay?" Ako

"Dito po kasi natulog kagabi si Ate Nika. Ate Zharm, laro na po tayo!" Lelay

Fck. Feeling ko tutumba na ko. Ang sakit tangina. Lahat nalang pinalagpas ko. Ito nanaman?!

"Lelay, tama na muna yan. Mag breakfast na muna tayo. Zharm, halika na, sabay ka na samin..?" Tita Karla

"Okay mommy!" sabay labas ni Lelay ng kwarto

"Tita.. Wala po akong gana.." Ako

"Ah.. Sigurado ka ba..? Sige.. Hintayin mo nalang si DJ diyan.." Tita Karla

Nang maka alis na si Tita, hindi ko na napigilang mapaupo sa kama ni DJ.. Ang sakit na ng ulo at lalamunan ko sa pag pigil ng luha. Di nagtagal, nakarinig na ko ng pag bukas ng gate.

Wag kang iiyak Zharm.

Bumukas na ang pintuan at si DJ na ang nakita ko. Tumayo agad ako ng kama

"Zha—" DJ

"San ka galing" matigas kong tanong.

"May binili lang..—" agad na sagot ni DJ na may pag aalala sa mukha. Bullshit. Liar.

"Putangina DJ. Sinabi na sakin ni Lelay." Ako

Naging cold na yung expression niya. Hindi na siya nagsalita at tumingin nalang sa di kalayuan. Habang ako nakatitig lang sakanya. Di ko namalayang tuloy tuloy na pala yung pag tulo ng luha ko.

"Ayoko na DJ." pinilit kong sabihin ng hindi nauutal.

Umiiyak parin ako habang hinihintay na tignan ako ni DJ. Umaasa na mag paliwanag man lang siya, na mag sorry man lang siya. Umaasa na ipaglaban niya ko.

Binaling niya yung ulo niya sa ibang direksyon, pero hindi parin sakin.

"Sorry, Zharm" DJ

Napatigil yung luha ko. Unti unti na kong napapangiti. Please DJ ayusin mo ‘to.. Magsisimula na kong lumapit sakanya

Nang bigla siyang nag smirk.

"Salamat nalang sa lahat" DJ

Napako ako sa kinatatayuan ko. Naglakad naman siya papunta sakin.. at nilampasan ako. At tuluyan ng humiga ng kama niya.

Sunod sunod nang tumulo yung luha ko. Kinuha ko na yung gamit ko at tumakbo papalabas ng bahay nila.

Tangina. Sobrang sakit na. San ba ko nagkulang?

The One That Saves MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon