TWENTYFOUR

153 14 7
                                    

NEIL’S POV

Sabi na hindi maganda kalalabasan nito eh

*flashback CHAPTER EIGHTEEN*

"Aha!!" Ulyanin na ata ako! Pano ‘ko nakalimutang may flashlight pala yung cellphone ko??

"Ano yan ha?!" tinutok ko yung flashlight sa unan na nakapatong kila DJ at tinanggal yun. At ayun na nga ang magkahawak ang ating kamay moment nila ni Kath!

"Teka nga! Halika nga dun!" tumayo si Kath at sumama naman ako sakanya. At dun, umamin na nga siya.

"Alalahanin mo Kath, may kasabihang "the sky is the limit." Kumbaga isipin mo nalang, pagdating kay Daniel, yung "sky" eh "friendship" hanggang dun ka lang Kath. Wag ka nang lalagpas. Delikado." pagpapaalala ko sakanya.

"Pero Neil, alalahanin mong may kasabihan ding "don’t tell me the sky’s the limit when there are footsteps on the moon"" ayaw talaga patalo ni Kath kahit mali pa siya.

"Kath.. Hindi lang kasi si Zharm masasaktan dito. Pati ikaw.. Nag aalala lang ako." Ako

"Alam ko naman yun. Mangyari na ang mangyari. Ang importante naman yung ngayon diba? At ngayon, masaya ako." Kath

"Fine. Alam mong mali ‘to. Pero mas mali yung desisyon ko ngayon. Kinukunsinti ko na kayo ni DJ. Bwiset!" tinawa nalang namin yung usapan at bumalik na sa pwesto kanina.

"Sige na! Mag holding hands na kayo ulit! Wag niyo na itago." kinuha ko naman yung kamay ni DJ para hawakan niya kamay ni Kath.

"Sinusuportahan ko na kayo. Kung di ko lang kayo mahal at kung di lang kita bestfriend eh!" Ako

"Salamat pare. Importante sakin tong bestfriend mo. Di ko sasadyaing saktan si Kath." DJ

*end of flashback*

"Buti nalang talaga di sinampal ni Erika si Kath." Ako

"Shit kung nangyari yun, dun na ‘ko sisingit no!" Pai

"Asan na ba sila Kath?? Huhuhu. Gitna na ng movie wala parin sila!" Julia

"Nandito na daw eh. Tinext ko na kung nasan tayo, baka di nila— UY!! Ayun!!" napayakap naman ako kay Kath nung nakita na nila kami.

"Ano ba yan Neil! May pa yakap yakap ka pa! Tsaka nakakaawa naman tayo. Nasa sahig nalang tayo ng movie house!" Kath

"To naman. Nag alala na nga sayo eh! Wala na rin tayong magagawa eh lahat ata ng seniors nanonood ngayon!" Neil

"Wait so pano na ba mangyayari? Kakausapin mo na ba si Zharm? Samahan ka namin." Pai

"Ano ka ba. Nakayanan ko nga mag isa kanina no. Tsaka gulo ko ‘to. Ayoko kayo madamay" Ako

"S-s-sor-ry Kath…" Julia

"UY?!" Ako/Kath/Mark/Pai

"Huy wag ka umiyak ano ka ba!! Tignan mo Kath na stress tuloy si Julia" hinagod ko naman likod ni Julia para tumahan

"Eh k-kasi.. Wala akong na *sniff* gawa kanina nung ina *sniff* away ka ehh. S-sorry" Julia

"Ano ka ba! Okay lang ako no. Wag ka mag sorry! Wag ka na umiyak." niyakap naman ni Kath si Julia. Napa tahan naman agad si Julia kasi minsan lang mang yakap si Kath. Rare talaga.

"Ay wait. Nag text na si DJ. Nasa labas daw siya ng movie house. Wait lang guys, puntahan ko lang. It’s game time." Kath

"ANONG GAME NANAMAN" Ako/Pai/Mark/Julia

"SHHHH" Audience

"Shh guuuys. Expression lang eh!" Kath

The One That Saves MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon