TWENTYSIX

138 14 9
                                    

DJ’S POV

"Buti nalang talaga walang pasok ngayon. Atleast may chance tayo mag sorry kay Zharm ng maayos bago mag start na talaga yung school year huhuhu!" Miles

"Oo nga eh. Ikaw naman kasi! Ba’t wala ka nung Friday??" Neil

"Nasa province nga ako diba! Malay ko ba na magkaka away sa orientation pa mismo! Huhu sorry Bey!" Miles

"Sus! Strong si Kath no, Neil. Pero kung nandun rin lang ako at kung di lang babae si Erika sinapak ko na yun eh! Diba Kath??" aakbayan ko na dapat si Kath pero umiwas siya sakin.

"Para san nga pala yang cheese floss na dala mo, Mi?" Kath

"Peace offering para kay Zharm!! Huhu" Miles

"Ay ako wala.. Hay, sana maayos na natin to. Tara na punta na tayo sakanila." Kath

"Okay lang yun, Kath. Tara, tabi tayo sa tricycle." aabutin ko na sana kamay niya pero umiwas nanaman siya.

"Grabe ang init ngayon!" Kath

Nilapitan naman ako ni Neil at inakbayan ako

"Ah.. Sige Kath, kayo nalang muna ni Miles tabi sa loob para di ka mainitan! Tabi nalang kami ni DJ" napansin ata ni Neil na kanina pa ko iniiwasan ni Kath. Ang totoo nga niyan, simula Friday pa niya ko iniiwasan. Hindi siya nagreply dun sa text ko na ituloy parin namin yung 1 year deal namin. Tapos hindi pa niya sinasagot mga tawag ko.

"Tol, mukhang si Kath na mismo lumalayo ah." Neil

Hindi ako maka imik dahil ayokong harapin yung totoo.

"Alam mo, kilala ko yang si Kath. Mahal ka nun, oo. Pero natauhan narin siguro siya. Mali kasi talaga set-up niyo eh. At kahit masakit para sakanya, tinanggap na niya yung katotohanang hindi siya para sayo. Siguro oras narin para i-tama mo na yung maling ginawa niyo. Be the boyfriend that Zharm deserves, DJ." Neil

Nakarating narin kami dito kila Zharm. Habang kinakausap nila Neil, Miles at Kath si Zharm, hindi ko mapigilang isipin yung mga sinabi sakin ni Neil sa tricycle. Ang totoo niyan, pwede ko naman piliin si Kath. Siya nalang, kami nalang. Pero hindi ko kayang masaktan si Kath ng lahat. Ayokong husgahan siya, ayokong isipin nila na inagaw niya ko, ayokong mapahamak si Kath.

Siguro nga totoo. Totoo na kapag mahal mo, kailangan mong pakawalan. Kailangan ko ng pakawalan si Kath, dahil mahal ko siya.

"So pano na tayo DJ.." Zharm

"Ano ba gusto mong mangyari?" nginitian ko siya at hinawakan kamay niya.

"Hindi ko alam DJ. Mahal na mahal kita, at hindi kita kayang mawala sakin.." tumutulo na luha ni Zharm kaya pinunasan ko yun.

"Pero kasi DJ, mahirap ng magtiwala ulit.." Zharm

Nginitian ko siya at pinagpatuloy ang pagpunas ng luha niya

"Mahal din kita Zharm, sorry nasaktan ka namin.. Susubukan kong ibalik ulit yung tiwala mo sakin. Aalagaan na kita Zharm. Hayaan mo kong palitan lahat ng mga masasamang memories ng magaganda." Ako

Pinunasan niya yung luha niya at tinignan ako sa mata.

"Kayo ni Kath..? Meron pa bang.. "kayo"?" Zharm

"Wala na, Zharm.." walang wala na..

Niyakap ako ni Zharm at humagulgol. Niyakap ko rin siya pabalik at hinalikan yung ulo niya

"DJ, ayusin na natin to please? Ako lang please.." Zharm

Hinaplos ko si Zharm. Ito na DJ, ito na ang pinipili mo. Kasama ng pagtatapos ng summer, eh ang pagtatapos narin ng pinag samahan niyo ni Kath..

Lord, ako po ulit.. Salamat parin po sa oras na binigay Niyo samin ni Kath. Lord, sana mapunta siya sa lalaking kaya siyang mahalin higit pa sa kakayanan ko. Sa lalaking sakanya lang at walang kahati. At sana Lord, tulungan Niyo po akong mahalin si Zharm ng mas maayos.. Ikaw na po bahala saamin Lord.

The One That Saves MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon