TWENTYFIVE

139 13 7
                                    

KATH’S POV

"Kath!!"

Niyakap ako agad ni DJ ng mahigpit paglabas ko ng movie house. Hindi ako nag respond sa hug niya kasi kailangan ko ng simulan siyang pakawalan. Tinanggap ko nang kasabay ng pagtatapos ng summer, eh pagtatapos narin ng kung ano man meron samin ni DJ.

"Okay ka lang ba?? Ano ginawa sayo ni Erika?? Sinampal ka ba? Tinulak??" hinawakan ako ni DJ sa magkabilang balikat ko tapos tinignan kung may galos ako sa mukha o sa braso.

"Ano ka ba. Wala no! Strong kaya ako. Tsaka hanggang salita lang naman si Erika" natawa talaga ako. Kasi ako lang ata inaway niya na di takot sakanya. Niyakap naman ulit ako ni DJ at pinuwesto yung ulo niya sa balikat ko

"Sorry talaga Kath. Sorry pinasok kita sa ganitong situation. Wag kang mag alala. Walang makaka sakit sayo habang nandito ako. Mag eexplain ako kay Zharm, I-coconvince ko siya na hindi big deal yung nangyari. Basta Kath wag kang bibitaw please. Wag kang bibitaw sakin. Wag kang bibitaw satin…" DJ

Alam kong konti nalang, bibigay nanaman ako. Lalaruin ko nanaman yung larong pinanalo ko ng ilang beses pero sa unang pagkakataon eh natalo naman ngayon. Bakit ba kasi si DJ pa nakasama ko sa larong ‘to? Si DJ na marunong din palang makipaglaro. It took all the strength in me to not give in. All I had left to do was to pat his back.

"Tawagin ko na si Zharm sa loob ha?" I gave him a weak smile as a sign of reassurance that we’re okay.

"Sige" DJ flashed a genuine smile. Huling beses na ba kitang makikita na ngumingiti dahil sakin? Hay.. Sorry DJ, pero hindi ko na tutuparin yung 1 year deal natin. Pakakawalan na kita. Kahit hindi ka naman sakin simula palang.

Papasok na ‘ko dapat sa movie house

"Kath!" lumingon naman ako kay DJ

"I love you" DJ

Nginitian ko nalang siya at tuluyan ng pumasok ng movie house. Hinanap ko si Neil para tanungin kung san nakaupo sila Zharm

"Nasa gitna sila bandang 4th row." Neil

"Samahan ka na namin?" Julia/Pai

"Hindi na!" nginitian ko nalang sila at hinanap na si Zharm.

"Zharm, nasa labas na nga pala si DJ" Ako

"Ah ganun? Sige labas na ko" Zharm

Di ko na siya sinamahan pa, umupo nalang ako ulit sa kung nasaan sila Neil at sinubukan intindihin yung Kung Fu Panda

"Naguusap na ba sila?" Julia

"Yup." Ako

"How about the deal?" Pai

"Wala na yun. Matatauhan din si DJ. Mahal naman niya si Zharm kahit papano. Nawala lang sa landas saglit." Ako

Nagtawanan naman kami. Habang napapagisipan ko yung mga nangyari, natatanggap ko narin sa sarili ko na mali talaga ako. Na dapat tigilan ko na yung laro na ‘to. Ang dami ko ng nasirang relasyon. Sobrang na kunsensya na ‘ko. Mabuti na rin. Ayoko ng ma involve ulit kay DJ. Sisimulan ko ng maging mabuting kaibigan.

"Ano tara? Barkada picture sa pic city!" Neil

Palabas na kami sa cinema at kahit papano, magaan na pakiramdam ko.

*bzzzzt*

DJ: 1 year.

The One That Saves MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon