Chapter 57: Graduation.

8.5K 138 6
                                    

Short update para sa mga naghintay :))

----------------

Chapter 57: Graduation.

Alexandra's POV

Masasabi ko na talagang mabilis dumaan ang araw, sinong mag aakala na graduation na namin ngayon.

"Larciso, Nicole M."

(Clap. Clap)

Maraming nangyari nung mga nakaraang araw.

May panahon na nagkakaaway pa rin kami. Hindi naman nawawala 'yun sa isang relasyon, alam naming pagsubok lang 'yun para sa pagsasama namin. Syempre hindi kami sumusuko. Pilit naming iniintindi ang isa't-isa.

"Lopez, Marie S."

(Clap. Clap)

May mga araw na nawawalan kami ng time sa isa't-isa, nagiging busy sa pag-aaral. Pareho kasi kami na maraming inaasikaso. Lalo na ako, nag-aaral pa lang ako ay inaasikaso ko na ang pag-enroll ko para sa criminology. Habang sya naman ay busy sa ojt nya at pagtulong sa kompanya namin.

"Martin, Alexandra E."

(Clap. Clap)

At ngayon, ito na kami. Graduate na!

.

.

.

Pagkatapos kaming batiin nila Daddy ay umalis din sila.

"Wooh~! Sa wakas! Graduate na rin tayo!" Masiglang sigaw ni Jc.

"Yeah! Ngayon naman magiging busy na tayo sa kanya-kanyang trabaho." Hindi ko alam kung masaya ba si Georgy o ano. Haha!

"Kailangan ko pa palang mag-ipon para sa kasal namin ni Amanda!" Pabirong tinampal ni Amanda si James. Ang cute nitong dalawa.

"For now, mag celebrate muna tayo." Sabi ni Kuya John at umakbay kay Georgy.

"Let's go." Bulong sa akin ni Stan.

.

.

.

.

"Drink all you can!" Masayang anunsyo ni Kuya Alfred.

"Baka naman malugi ka na Alfred!" Panunukso ni Jc.

"Hindi ah! Hindi nyo naman kayang ubusin ang alak sa bar ko eh! Haha!"

Mamimiss ko 'yung ganitong klase ng pagsasama namin. Masaya lahat. Nagtatawanan, nag-iinuman, nagkekwentuhan.

Napatingin ako sa katabi ko. Ang taong minamahal ko.

"Salamat." Napatingin sya sa akin.

"Para saan?"

"Dahil sinuportahan mo ako sa gusto ko." Ngumiti ako. Ngumiti din naman sya, kaso alam kong pilit lang 'yun.

Kahit hindi nya sabihin, alam kong nalulungkot din sya. Hindi naman ako aalis eh, wala namang aalis eh.

"Alex.."

"Oh?" Parang may gusto syang sabihin.

"Ano kasi.." Napapakamot pa sya sa ulo.

"Ano?"

"Bukas, aalis kami ni tito. May hotel na itatayo sa states, at gusto ni tito na habang ginagawa 'yun ay nandun kami. Ako daw kasi magmamanage dun. Hindi ko alam kung ilang araw kami dun o ilang taon, basta ang alam ko ay matatagalan kami."

Ni-isa sa sinabi nya ay walang pumasok sa utak ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa ingay ng paligid.

"W-What?"

"Alex naman. Ang haba nung sinabi ko." Tinampal ko sya sa dibdib. "Aalis na ako bukas." Sabi nya.

Boom! Doon ko pa lang naintindihan.

"Bakit ngayon mo lang sinabi?" Naiinis na sabi ko sa kanya. Kasi naman eh! Ang saya-saya na eh!

"Kahapon lang sinabi sa akin ni tito."

"Si Daddy talaga! Hayaan mo, kakausapin ko sya na ayaw mo." Hoo~ Sabi ko sabay inum ng alak.

"No Alex. Gusto ko rin." Seryoso nyang sabi. Tinignan ko sya ng masama.

"I-Iiwan mo ako?"

"No. No. Magtatrabaho ako doon. Diba sabi mo kailangan muna nating mag-ipon bago tayo bumuo ng pamilya. Ito na ang simula Alex."

Hayst! Bakit ko ba sinabi 'yun? Napakagat labi na lang ako.

"P-Paano na 'yan? Magkakahiwalay na tayo." Feeling ko maiiyak na ako.

"Meron namang cell phone, makakapag-usap pa rin tayo. Uuwi ako kapag birthday mo, kapag birthday ko, kapag anniversary natin, kapag may okasyon."

"Doon na lang ako mag-aaral." Hinawakan nya ang mukha ko.

"No. Kaya natin 'to Alex." Hinalikan nya ako sa noo. Doon na tumulo ang luha ko. Kaya ko kaya?

-------------------

Maria's Note:

Huhu T.T

Last chapter na ang sunod dito :'(

Don't cha guys forget to Comment.Vote.Share.

Love yah!

My Brutal WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon