Chapter 11: Gaano ako kaB*tch?

9.6K 112 0
                                    

Alex's POV

Ilang araw na ang nakalipas naging ok naman kami. Tabi na kami matulog sa kama. Naaawa na rin kasi ako sa kanya eh.

Napatingin ako sa katabi ko. Kawawa naman 'to, napuyat siguro kagabi sa kakagawa sa project nya. Nakapatong ang ulo ko sa kanang braso nya at 'yung kaliwang kamay nya naman ay nakapatong sa tummy ko.

Pinitik ko yung noo nya para magising sya.

"Hmmn.." Mahinang ungol nya habang nakapikit.

"Gising na!" Pinitik ko ulit yung noo nya. Napamulat na sya.

"Alex naman! Inaantok pa ako!" Asik nya sa akin.

"6am na! Matutulog ka pa rin?"

"Napuyat ako kagabi Alex! May mga tinapos ako na project! Masakit pa ulo ko." Usap nya habang nakapikit pa rin.

"Wag ka na ngang mag inarte dyan! Tatayo na ako."

"5 mins. muna tayong ganito." Ano pang magagawa ko? Tsk!

"Time starts now." Pinagbigyan ko na lang.

Ang gwapo talaga ng asawa ko. Parang anghel kung matulog.

Sana mag work out 'tong pinasukan naming relasyon. Kahit na hindi pa ako sigurado kung ano ba talaga ang nararamdaman ko sa kanya. I can't say that I'm falling for him now, pero dadating din naman ako dun diba?

Napatingin ako sa oras. Lagpas na.

"Stan." Sinampal sampal ko sya pero mahina lang.

"Stan!" Ayaw pa rin magising.

Naiinis na ako. Ayaw mo talagang dumilat ah.

( PAKK ) Sinampal ko sya ng pagka lakas-lakas.

"Ano ba Alex?!" Napaupo sya.

"Ayaw mo kasing gumising eh." Umupo na rin ako.

"Tama bang sampalin ako?" Lah! Galit na?

"Ano pang gagawin ko? Hindi ka madala sa tapik eh." Hindi na sya sumagot. Naglakad na sya papuntang C.R

"Daming arte!" Sigaw ko sa kanya.

( BAGG ) Nagitla ako sa malakas na kalabog ng pinto ng C.R

Hay Naku! Dun na lang ako maliligo sa Guest Room.


Nag umpisa na akong magluto. Maagang namalengke ngayon si Manang kaya ako muna.

Napagdesisyonan kong magluto ng adobo, mas madali. Haha. Tinatamad ako eh. Natapos na akong magluto ng bumaba si Stan, ano yun? Ang tagal? Natulog pa siguro yun sa C.R.

"Umupo ka na." Pinaghain ko na sya ng pagkain. Tahimik lang kaming kumain.

Sumusulyap ako sa kanya at minsan napapahawak sya sa ulo nya.

"Masakit talaga ulo mo?" Tinignan nya lang ako.

So totoo nga talaga yung sinabi nya kanina? Nung natapos na kaming kumain ay ikinuha ko na sya ng gamot.

"Oh inumin mo." Sabi ko sabay abot

Naupo lang ako sa sala at nanuod. Wala naman akong pasok. Napalingon ako kay Stan ng palabas na sya ng bahay.

"Papasok ka na?" Tanong ko sa kanya.

"Oo." Iksi naman ng sagot nito.

"Stan!"

"Bakit?" Walang emosyon na tanong nya.

Lumapit ako sa kanya at tumingkayad para maabot ko sya. I kissed him on his cheeks. Nagiging sweet wife na ako dito ah.

My Brutal WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon