Chapter 31: Lalaki.

9.1K 176 0
                                    

Alex's POV

Nandito kami sa basketball court kasama ang mga volleyball team, basketball team, at 5 na girls from our cheering squad. Bakit nandito sila?

"Guys!" Sigaw ng coach namin.

"Bukas na ang alis natin papunta sa beach resort! Kasama dapat ang cheering squad natin kasi naka 1st place sila. Kaso 5 lang ata ang sasama."

"Coach masyado kasi nilang dinamdam na hindi kami ang champion." Sagot ni Amanda.

Napansin ko na halos lahat ng basketball team ay nakatingin sa kanya, ganda kasi eh.

"Ahh.. Ayos lang 'yun, may next time pa naman. So kayong 5 lang ang sasama?"

"Yes Coach."

"Ok. Ok. Dapat before 7am ay nandito na kayo, sa harap ng gate tayo mag kikita-kita. Iinggitin natin ang mga students para next year na try out ay maraming sumali."

Tsk! Pa utot na naman nila coach.

"Libre lahat! 3 days tayong mag sstay dun. 'Wag na kayong mag dala ng kotse kasi sa iisang bus tayo lahat!"

'What? Kasya ba tayo dun?'

'Masikip.'

"Wag na kayong maarte! Kasya tayo! 10 sa volleyball girls, 8 lang sumama sa basketball team, injured yung isa at yung isa naman ay hindi pinayagan ng Mommy."

Nag tawanan yung mga student. O.A naman nila.

"Shhh! Quiet! Ang mahuli bukas ay iiwan! Ok? Any question?"

'Coach may alak ba dun?'

"Malalaman nyo na lang kapag nandun na tayo! Magsi layas na kayo dito! Shoo~"

Tignan mo 'tong coach na 'to! Kung makapag paalis sa amin para kaming aso.

May umakbay sa akin. Napalingon ako. Tsk! Si Stan.

"Babe. Excited na ako! Ito ang unang beses na gagala tayo."

"Oo nga. And guess what? Hindi lang tayo."

"Tsk! Ayaw mo kasing mag honeymoon tayo eh."

'Ano honeymoon?' Singit ni Jc, nasa tabi na pala naming.

'Hindi pa kayo nag ho-honeymoon?' Nakangiting tanong ni James.

Napayuko na lang si Stan.

'Hindi ka pa pala nakaka score?' Bulong ni James kay Stan. Akala nya naman hindi ko narinig.

"Hoy James tumigil ka dyan ah! Narinig ko 'yun!"

"Alex naman. Wag mo namang pahirapan si Stan."

"Oo nga Alex." Pang gagatong ni Jc.

Tinignan ko ang lalaking naka akbay sa akin. Naka yuko pa rin.

Ano ba yan!

"Gusto nyo pagbuhulin ko kayo?" Akma na akong lalapit sa kanila ng mag takbuhan sila.

Naglakad na kami ni Stan pabalik sa room. Tahimik pa rin sya.

"Stan.." Tinignan ko sya

"Hmmn?" Sagot nya na nakatingin sa daan.

"S-Sorry."

"Para saan naman?"

"H-Hindi kasi kita mapag bigyan."

"Ano ka ba? Diba sabi ko naman sayo naiintindihan kita? Hayaan mo na sila James. Wala lang magawa sa buhay 'yun. Tara na. Baka malate ka pa sa subject mo."

Hayy~~ Ang swerte ko talaga kay Stan.

Nandito na ako sa room at kasalukuyang nakikipag chikahan kila Amanda at Georgy, wala pa kasi yung prof namin.

"Ahmm.. G-Georgy.."

"Bakit Alex?"

"A-Ano.."

"Ano?"

"Ahmmn. Mahalaga ba talaga sa relasyon yung a-ano.."

"Yung ano?"

Dyahe naman oh! Nakakahiya!

"Yung ano daw?" Naguguluhang tanong ni Amanda.

"Ano ba yun Alex?"

"Yung ano.. Alam mo naman. Yung ginagawa ng mag jowa."

"Ginagawa ng mag jowa? Date ba yun?" Nang huhula na si Amanda.

"Hindi Amanda. Yung ano.. yung.. Ano ba yan!

"HAHAHAHA~~"

Tumawa ng pagkalakas-lakas si Georgy.

"Ano ba 'yun Georgia?" Tanong ni Amanda.

"Yung 'toot' Haha!" Sagot ni Georgy.

"Anong toot?" Nakakunot noo na si Amanda.

"Haha. Wag mo ng alamin Amanda. Haha. Niyaya ka na ba?"

"A-Ano.. Muntik na."

"Bakit muntik lang?"

"Kasi nga napigilan ko pa. Diba nga balak ko pang mag-aral?"

"Ah Oo nga pala. Eh kasi depende 'yan sa lalaki. Sa ugali ni Stan, naku! Baka sa iba maghanap 'yun."

"ANO?!" Napatayo ako bigla sa upuan ko.

Sh*t! Nakakahiya! Nakatingin sila sa akin.

"Sorry guys. Nagpapraktis lang si Alex kasi sasali sya sa drama club." Hinila ako paupo ni Amanda.

Back to business na ulit ang lahat.

"Totoo ba 'yun Georgy?"

"Depende nga kasi. Diba nga babaero si Stan bago mo pa sya napangasawa? Malay ba natin kung nakailang babae na 'yun."

"E-Eh sabi nya sa akin naiintindihan nya naman daw ako eh."

"Naku! Ingatan mo lang yang si Stan, baka kapag may naghubad na babae sa harap nya ay sunggaban nya agad."

"OMG! Georgia! May ganun ba talaga na lalaki?" Tanong ni Amanda.

"Siguro. Lalaki pa rin kasi sila eh."

Haah. Napaparanoid tuloy ako sa sinabi ni Georgy.

Baka yayain sya nila James mag bar tapos may makasayaw sya. Tapos sa sobrang lasing nya ay makalimutan nyang may asawa pala sya. Tapos nabuntis nya yung babae. Tapos makikipag divorce sya sa akin. Tapos. Tapos.

"Wahh~~"

"Hoy Babae! Kalma!" Suway sa akin ni Georgy.

"Ikaw naman kasi Georgia eh. Kung ano-ano pinagsasabi mo kay Alex."

"Aba! Nagtatanong sya eh."

"Alex 'wag kang maniwala kay Georgia. Mag tiwala ka lang kay Stan."

------------------------------------------------------------

Maria's Note:

Ok ba yung chapter? Vote and comment muna ulit bago upadate. Haha.

My Brutal WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon