Chapter 46: New year.

7K 123 2
                                    

Short update.

-------------

Alex's POV

Ilang oras na lang, new year na!

Dito naman kami magn-new year sa bahay nila Stanley. Kasama namin yung pinsan ni Stan, si Sam 17 years old pa lang 'to. Nakilala ko na sya sa kasal namin. Kasama nya yung boyfriend nya na mukhang walang kwenta.

New year. Pero simple lang ang suot namin, hindi kagaya ng iba na naka bilog-bilog pa. Ako naka long sleeve na white na medyo makapal ang tela, malamig kasi. Si Stan naman ay naka polo na white, tinupi nya hanggang siko. Lalo syang naging gwapo. Haha!

"Babe tapos na ako dun sa ginagawa ko." Sabi ni Stan at biglang lumapit sa likod ko.

"Sige, aayusin ko na lang 'tong lamesa."

"Sige." At umalis na sya.

Biglang lumapit sa akin si Sam.

"Ate ang swerte talag sayo ni Kuya. Maganda ka na nga, magaling ka pa magluto."

"Tigilan mo ako Sam ah." Natatawanh sabi ko.

"Seryoso ako Ate. Gusto ko rin maging katulad mo." Lumungkot yung boses nya.

"May problema ka ba Sam?"

"W-Wala po ate."

"Pwede akong kausap." Tumango lang sya.

(Ting) Tunog ng oven.

"Tapos na yung cake." Sabi ni Sam.

"Sam!!" Ayan na naman yung boyfriend nya na tuod.

"B-Bakit Ken?"

"What the hell are you doing here?! Diba sabi ko sayo dalhan mo ako ng juice?!" Sumisigaw na tong baliw na to. Malakas ang loob nitong manigaw kapag wala sila Stan eh.

"May kamay ka naman ah." Sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya, busy ako sa cake eh.

"Anong sabi mo?!" Galit na sabi nya.

Tinignan ko sya.

"Bingi ka ba? Sabi ko may kamay ka naman. Bakit hindi ikaw ang kumuha?" Mataray kong sabi.

"Aba't ba--" Akma na syang lalapit sa akin ng biglang humarang sa amin si Sam.

"Oo na. Dadalhin ko na dun!" Pag-aawat ni Sam. Tumingin muna sya kay Sam, bago matalim na tumingin sa akin.

"Ate, pagpasensyahan mo na lang si Ken."

"Sa susunod Sam, wag kang aawat kung lalapit sa akin yang boyfriend mong tuod ah?! Baka mamaya ikaw pa ang masaktan nun."

"Ok lang ate, kesa naman ikaw. Yari ako kay Kuya."

Umalis na sya dalal-dala ang juice.

.

.

.

.

"HAPPY NEW YEAR~!! WOOHH~!!!!" Nagtatatalon pa ako, baka sakaling tumangkad.

"Babe, stop jumping! Hindi ka na tatangkad." Natatawang suway sa akin ni Stan.

Pabiro ko namang tinampal ang braso nya.

"Anak malay mo naman tumangkad pa tong si Alex." Sabi ni tito.

"Oo nga naman babe." Sabi ko at dinilaan ko pa si Stan.

"Tito happy new year!" Nagkiss ako sa pisngi ni tito.

"Happy new year din hija. Sana maraming new year pa tayong magkakasama."

"Sam, happy new year." Nagkiss din ako sa pisngi nya.

"Sayo din ate." Tumingin ako sa boyfriend nya. Mula ulo, mukhang paa. Inirapan ko sya.

"At sa taong mahal ko, happy new year!" Tumingkayad ako at kinintalan sya ng halik.

Sana forever na kaming masaya. Kahit na mukhang walang forever, gagawa kami ng paraan para magkaroon. HOHOHO~

My Brutal WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon