Chapter 39: Piggyback ride.

8.4K 171 0
                                    

Chapter 39: Piggyback ride.

Alex's POV

Sumabay sa amin ang grupo nina Jack sa lunch. Medyo awkward lang dahil sa nangyari nung nakaraang kagabi, tapos katapat ko pa sya ngayon.

Tinignan ko naman ang katabi ko, ang sama ng tingin nya kay Jack.

Nung nagsi-alisan na ang mga kasama namin, naiwan kami nina Stan, at Jack sa table. Kailangan naming mag-usap.

Naka crossarms lang si Stan.

"A..Ano.." Nahihiyang sabi ni Jack.

"Ano lang sasabihin mo?" Walang emosyon na sabi ni Stan.

Pinisil ko naman ang hita nya, na syang kinagitla nya.

"Stop that." Mahinang bulong nya sabay tingin ng masama sa akin.

"Sorry." Sabi ko sabay peace sign.

"A-Alex.. I'm sorry. I'm really sorry sa nagawa ko nung gabing nag club tayo. Masyado lang talaga akong nadala sa alak. I'm sorry." Nakatungong sabi ni Jack.

"It's ok." Nakangiting sabi ko. Alam ko naman na hindi maiiwasan ang ganun kapag nalasing eh.

"Anong ok? What if it happens again? Paano kong sa ibang babae?" Napatingin naman ako kay Stan.

"It won't happen again. After the headbutt, I know my limitation now." Sagot naman ni Jack.

"Headbutt lang pala ang kailangan para malaman mo ang limitation mo eh." Natatawang sabi ko.

"I'm sorry again." Sabi ulit ni Jack.

Ngumiti lang ako.

"I hope we meet again, but in a good situation." Sabi ni Jack.

Nakipag shakehands pa sya sa amin bago umalis.

Agad ko namang nilingon ang katabi kong nakasimangot.

"You forgive him already?" Nakakunot noong tanong nya.

"Anong gusto mong gawin ko? I-headbutt ulit?"

"Yeah! Or you should punch him!" Sabi nya na nagagalit pa.

"Why me? Ikaw na lang! Masakit na kaya sa ulo."

"Fine!" Sabi nya. Tumayo na sya at nagsimula ng maglakad.

Ha? Fine daw?

"A-Anong fine?" Sigaw ko at hinabol sya.

"I'm gonna punch that as*h*le!" Determinadong sabi nya.

Seryoso ba sya?

Nauna na syang maglakad. Ah.. Mukhang seryoso talaga sya.

Pinagmamasdan ko lang ang likod nya. Ano ba ang pwede kong gawin para pigilan sya?

Aha!!

Agad akong tumakbo. Nung malapit na ako sa likod nya ay agad akong tumalon at sinabit ang dalawa kong kamay sa leeg nya.

Piggyback ride!

"Ackk!" Angal nya.

Inalalayan din naman nya ang binti ko.

"Hahaha!" Hindi ko mapigilang tumawa!

"What the hell Alex?" Bulyaw nya sa akin habang nakatayo lang.

"What are you waiting for babe? Let's go punch Jack!" Sigaw ko, syempre joke lang yun.

Narinig ko namang natawa lang sya at nagsimula ng maglakad.

"Mukhang naparami ang kain mo kanina ah.." Mahinang sabi ni Stan.

"Dahil ba ang bigat ko?" Sabi ko at sinilip ko pa ang mukha nya.

Nakita kong tumawa pa sya.

"Ang sama mo ah." Sabi at saka kinagat ng mahina ang tenga nya.

"F*ck! Alex!" Sigaw nya.

"Aba! Aba! Minumura mo ako ah?" Sabi ko. Nakasakay pa rin ako sa likod nya.

"No! Why should I?"

"Sabi mo f*ck Alex."

"Don't say bad words." Suway nya sa akin.

Ay ganun? Sya lang may karapatan?

Naglakad na ulit sya.

"I'm really sorry for what I've done to you, 'bout Misa." Biglang sabi nya.

"Pinaalala mo pa 'yun? Gusto mong sakalin kita?" Pagbabanta ko.

"Alex. Mabait naman si Misa eh." Ayan na naman po sya.

"Alam mo naman kung anong ginagawa ko sa mga lumalandi sayo diba?" Pagbabanta ko sa kanya.

Nagiging selfish ba ako?

Dapat lang siguro! Hindi naman dapat laging gawin ang "Share your blessing" diba?

Naramdaman kong tumigil sya at dahan-dahan akong binaba. Humarap sya sa akin.

"I know. I know. I don't want that happen to Misa." Naglalambing na sabi.

"Then tell her to back off." Mataray naman na sabi ko.

"Misa is my friend. Nothing more."

"Ok sabi mo eh." Sabi ko and I grab his arm and walk again.

Ayoko ng pahabain pa ang pag-uusap namin tungkol sa babae na yun. Dahil baka uminit ang ulo ko at balatan ko si Misa ng buhay at ibilad sa araw.

--------------------------------------------

Maria's Note:

Please. Let me know your reaction in this chapter.

Please.. Yung request ko :))

Vote. Comment. Share. Let's be friend :)

Love yah!

My Brutal WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon