Chapter 17: I'm gonna kill Veronica!

10.3K 208 4
                                    

Stan's POV

Ang sakitng ulo ko.

Teka. Paano ako nakauwi? Ahh. Si Aflred siguro.

Bumaba na ako.

"Good Morning."

Tsk! Si Alex. Ang magaling na si Alex.

"Upo ka na dyan. Ihahanda ko na to."

Naupo na ako. No choice. Gutom eh.

"Charan~! Kain ka na. Hmn. Nandyan nap ala yung kotse mo sa labas, ako na yung kumuha sa bar ni kuya."

Umupo sya sa tapat ko. Tahimik lang kaming kumain. Nauna akong natapos kaya niligpit ko na yung pinagkainan ko.

Lumabas na ako. Lilinisin ko na lang ang koste ko.

As usual, I take off my shirt. At inumpisahan ko ng linisan si Veronica.

Maya-Maya.

"Stan.."

Napatingin ako sa pinto. Si Alex.

Hindi ko sya pinansin, tinuloy ko na lang ang paglilinis.

Alex's POV

Lumapit ako sa kanya.

"Stan."

So ganun? Dedma lang ako?

Inagaw ko sa kanya yung hose.

"ANO BA ALEX?!"

Nagitla ako sa pag sigaw nya.

Inaagaw nya ulit sa akin yung hose. Pero hindi ko binibitawan.

Nag agawan lang kami hanggang sa nabasa na ako. Kaso naagaw nya sa akin yung hose.

"Ang kulit kasi!"

Pinatay nya yung hose. Kinuha yung damit nya at pinangpunas sa akin.

Touch naman ako.

"Sorry."

Napatingin sya sa mata ko.

Umiwas din naman sya ng tingin, at balik ulit sa pag lilinis ng kotse nya.

"Umakyat ka na at magbihis ka."

"Ayoko."

Pero hindi nya ako pinansin ay inaatupag pa rin ang paglilinis sa kotse nya.

"Stan! Pansinin mo naman ako."

"Wa epek pa rin. Mukhang masaya sya sa paglilinis. Naiinis na ako. Dapat pala hindi ko na kinuha yung kotse nya sa bar.

"STAN!"

Sumigaw na ako. Kaso wala pa rin talaga.

Sumingit ako sa tapat nya kaya nabasa na naman ako.

"Ano na naman ba Alex?"

"Hi-Hindi mo kasi ako pinapansin. Parang wala kang nakikita, mas pinipili mo pang asikasuhin yung kotse mo."

Ngumiti sya. Pero alam kong pilit.

"How does it feel?"

"Ha?"

"How does it feel na ipagpalit ka sa iba?"

"Stan, kung yung dahil kay Fel--"

"How does it feel na hindi ka pinapansin?"

"Kasi naaw--"

"Tell me, masakit ba?"

"Sh*t naman oh! Inuunahan mo kasi ako eh."

My Brutal WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon