Chapter 54: General Cleaning.

8.4K 152 7
                                    

Stan's POV

"Kila Daddy na lang tayo matulog ngayon." Sabi ko.

"Bakit ba?! May bahay naman tayo eh."

"Ha?! A-Ano kasi. Hinahanap ka ni Dad." Pagsisinungaling ko.

"Ganun ba? Tatawagan ko na lang sya pag-uwi natin sa bahay."

"Wag na. Diretso na tayo kila Dad."

"Teka nga! May tinatago ka ba sa bahay? Nandun ba si Misa?"

Naku!

"W-Wala no! Ano lang kasi..."

.

.

.

.

Alex's POV

Nga-nga!

"Ano ba 'to Stanley? Binagyo ba ang loob ng bahay natin?" Nakaka-init ng ulo!

"A-Ano..."

"Ano?!" Inis na sigaw ko.

Napatungo na lang sya.

Paanong hindi ako magagalit? Ang daming kalat!

Nagkalat kung saan-saan ang mga bote ng beer, mga balat ng snack, mga damit na tingin ko ay pinagbihisan nya, at ang hugasan ay nag-uumapaw sa dami.

"Anong gagawin natin ngayon dito?!" Sigaw ko.

"Sabi ko naman kasi sayo, dun na lang muna tayo kila Daddy."

"No! Maglilinis tayo. Sa kusina ako, ikaw dito sa sala."

"Ha?! Unfair! Maraming kalat dito!"

"Ah. Nagrereklamo ka? Ikaw na nga 'tong may kalat dito eh."

"Asan na ba yung walis at ng makapag-umpisa na?"

At ayun nag-umpisa na nga kami. Buti na lang at malinis ang kwarto. Dahil kapag nagkataon na makalat din, ewan ko na lang.

Natatawa ako sa kanya dahil halatang hindi sya sanay sa paglilinis. Nandidiri pa syang damputin yung mga basura.

.

.

.

.

"Inum ka muna ng juice." Inabutan ko sya ng juice.

"Thanks." Nagpunas muna sya ng pawis bago uminom.

Habang umiinom sya ay napapatitig ako sa kanya. Yung pawis nya habang tumutulo sa katawan nya, ang hot.

"Baka matunaw ako ah." Pabiro nyang sabi.

"Sira! Dalian mo na dyan. Nakapag-luto na ako." Sabi ko sabay punta ng kitchen. Nakakahiya!

.

.

.

"Stanley! Ano ba! Nababasa ako!"

"Haha! Yahhh~!!"

Kainis! Binabasa ako ni Stanley!

Nasa gilid kami ng bahay at naglalaba. Sabi ko sa kanya sa washing machine nya ilagay yung hose, pero ang baliw sa akin pa itinutok kaya pagbukas ko ng gripo basa na agad ako.

"S-Stan!!" Sigaw ko sa kanya habang nakaharang sa mukha ko ang dalawa kong kamay.

"Haha~ Mukha kang basang sisiw Alex!"

"Nakakainis ka na ah! Ilagay mo na sa waching!" Sinunod nya naman ako.

Nung medyo nananahimik na sya sa gilid, nakaisip ako ng kalokohan. Inaantok na siguro sya, kailangan nya ng pangpagising.

Naglagay ako ng tubig sa timba. Nakatalikod sya sa akin kaya hindi nya ako nakikita. Agad kong binuhos sa kanya ang isang timbang tubig.

"Ahhh~!" Sigaw nya.

"Hahaha~!! Sino sa atin ngayon ang basang sisiw? Haha!!" Pang-aasar ko sa kanya.

Humarap lang sya sa akin at unti-unting lumapit.

"H-Hoy.. Wag kang lalapit. Basa ka!"

"Ikaw may gawa nito sa akin." Sabi nya ng nakangisi pa.

"Stanley.. Ano ba! Lumayo ka sa akin!"

"No!"

Niyakap nya ako ng mahigpit. Nababasa na rin ako.

Hindi pa sya nakontento, binuksan pa nya yung hose at tinutok sa aming dalawa.

"Stan!" Suway ko.

"Haha~ Patas na tayo! Hooo~"

Wala na akong nagawa kundi i-enjoy na lang ang moment. Haha.

.

.

.

Hapon na nung matapos kami. At taran~! Malinis na ulit ang bahay!

"Haa~ Nakakapagod." Naupo si Stan sa sofa. Tumabi ako sa kanya.

"Buti alam mo. Sa susunod 'wag ka ng magkakalat, ikaw na lang talaga maglilinis sa susunod." Pagbabanta ko pa sa kanya.

"Yes, babe." Sabi nya sabay nakaw ng halik sa pisngi ko.

Asar! Bakit pisngi lang? Haha!

"Akyat muna ako." Sabi nya at umalis na.

.

.

.

(Kring. Kring)

"Hello Felix?"

[Alexandra. How are you?]

"Ok lang ako. Ikaw? Tagal na nating hindi nagkita ah."

[Oo nga eh. Naging busy kasi dito sa company.]

Hindi na nga pala nag-aaral sa school namin si Felix. Bumalik sya sa ibang bansa para doon na lang mag-aral at para maasikaso ang company nila.

"Kamusta naman sila tita?"

[Ayos naman sila. Kinakamusta ka pala ni Mommy.]

"Talaga? Pakisabi na lang na ok naman ako. Sabihin mo rin na magpagaling lang si tita."

Natahimik kami.

[Ahm.. Ano.. Alexandra]

"Ano 'yun?"

[A..W-Wala. Sige, babye!]

"Haha. Sige. Bye."

TOOT TOOT TOOT

"Anong sabi nya?"

"Ay palaka!" Sh*t! Akala ko malalaglag na ang puso ko sa sobrang gulat.

Napatingin ako sa pinto ng kwarto. Nandun si Stan at nakatingin sa akin.

"Papatayin mo ba ako sa gulat?" Sabi ko habang hawak-hawak ang puso ko. Oo! Puso talaga!

"Masyado ka atang nagulat. Mukhang may tinatago ka ah."

"Ha? Anong pinagsasabi mo? Akala ko kasi nasa c.r ka na."

"Anong sabi nya?" Nakakunot noo na sya.

"Nangangamusta lang."

"Tsk. Talaga lang ah?" Nakataas kilay na sya. Ang cute!

"Oo nga!"

"Tss." Pumasok na ulit sya sa kwarto.

"Nagseselos ka?" Sigaw ko sa kanya.

"Bakit ako magseselos sa unggoy na yun? Mas pogi pa ako dun!" Sigaw nya naman.

"Weh?" Natatawang sabi ko.

"Ayaw mong maniwala?" Unti-unti syang lumapit sa akin.

"Haahh~ HAHA!! Stop!" Todo bigay na sigaw ko dahil pinagkikiliti nya na ako.

"Sino mas pogi sa amin?"

"S-Stop! HAHA! Pa-Pareho kayong panget! HAHA!"

"Ah ganun ah!" At lalo pa nya akong kiniliti.

Sinong mag aakalang magiging okay kami after ng ilang araw na pag aaway.

My Brutal WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon