Chapter 44: Party

7.6K 138 1
                                    

Chapter 44: Party.

Maria's Note:

OMG! Dahil kinilig ako kanina nanunuod ng mcountdown kasi Got7 yung pinalabas, may after shock pa rin ako, here is the update

Happy 5k reads! Hooh~

Enjoy!

Love yah!

---------------------------------------

Stan's POV

"Tito Stan!" Agad na sumalubong sa akin si Josh at nagpakarga.

"Bumibigat ka Josh ah."

"Opo tito. I eat gulay!" Masiglang sabi nya.

"Good! Let's go to your room. May pasalubong ako!"

"Yehey!"

Iniwan namin sa sala sina Alex at umakyat na kami sa kwarto.

"Tito what's that?"

"Surprise!" Pinakita ko sa kanya ang laruan na kotse.

"Wow!"

Hayy. Ang cute talaga ng bata na 'to.

Masayang nilaro namin ni Josh ang bago nyang laruan.

"Tito.. tito.."

"Yes?"

"Tito, bakit meron small car at big car?" Pagtuturo nya sa laruan nya.

Bakit nga ba? Hindi ko natanong sa nabilhan ko ah.

"Ano.. Kasi.. Daddy ni small car si big car. Tama!" Napahampas na lang ako sa noo ko.

"Ikaw po tito, big ka na. Where's your baby?"

"Wala pa ako nun Josh."

"Eh bakit ako po? Small pa po ako. Wala akong daddy?" Inosente nyang tanong.

Hinimas-himas ko ang ulo nya.

"Ayaw mo na ba kay tito Stan?"

"No po."

"Good, tara baba na tayo."

Pinatulog muna ni Georgia si Josh bago kami nagplano.

Nasa iisang table lang kami. Sina Alex, Amanda, Georgia, Tito, at tita.

"Ano ba ang theme?" Tanong ko.

"Wala pa akong naisip eh." Sagot naman ni Georgia.

"Kung cosplay na lang? Mga naka costume lahat ng bata. Diba mahilig naman si Josh sa mga cartoon?" Sabi ni Amanda.

"Mukhang maganda nga yun." Sabi ni Alex.

"Georgia. His father." Napatingin kami kay Tita. Mama ni Georgia.

"Mom!" Suway ni Georgia.

"N-Nakausap ko si Josh kanina. Tinatanong nya sa akin kung bakit wala daw syang daddy." Sabi ko.

Napahawak na lang si Georgia sa ulo nya.

.

.

.

.

Alex's POV

Sobrang saya ng mga bata. Tuwang-tuwa sila sa clown.

Except lang kay Amanda, nandun sya sa loob ng bahay. Takot kasi sya sa clown, iba daw yung ngiti eh. At except lang din kay Georgy na mukhang natatae.

"Kuya ok ka lang?" Lumingon ako sa katabi ko.

"Yeah. I'm ok."

"Salamat pala sa cake." Bumili kasi sya ng 3 layer cake. Regalo nya daw kay Josh.

"A-Alex." Lumapit sa amin ni Georgy.

"Bakit?"

"I-Ihanda na natin yung mga pagkain."

"Sure."

"Tutulong ako." Sabi ni kuya.

Agad na naming pinauwi yung mga clown para makababa na si Amanda.

Sa iisang table kami kumain.

"Birthday ko ba 'to? Favorite ko 'to lahat ah." Bulong sa akin ni Kuya.

"Ang galing nga kuya eh. Halos parehas kayo ng favorite."

Napatingin ako kay Josh na busy kumain kasama ang mga friend nya.

Itim na itim ang mata nito. Mahaba ang pilik-mata. Manipis ang labi. Napatingin ako kay Kuya. Bakit ganun? Napailing ako.

4pm na nung matapos ang party, pinauwi na kami ni Georgia. Sobrang saya na makita yung mga bata na tuwang-tuwa.

Ang weird lang kasi nagpa-iwan si Kuya, tutulong daw sya sa pagliligpit.

----

Read my short stories :))

My Brutal WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon