Chapter 49: Betray Part Two.

7.3K 130 11
                                    

Dahil may after shock parin ako ng kilig gawa ng Diary ng Panget, Ampoogee kasi ni Cross!! Here is the update. Enjoy!

---------------

Alex's POV

Papunta na ako sa pool para yayain si Stan na matulog, dahil inaantok na rin ako. Kaso sa nakita ko, biglang nabuhay lahat ng dugo ko sa katawan.

"Nawala lang ako sandali, nagtutukaan na kayo?" Kalmado kung sabi habang naglalakad palapit sa kanila.

"A-Alex. Magpapaliwanag ako." Sabi ni Stan na akmang hahawakan ako.

Ang sakit. No, sobrang sakit.

"Don't touch me. Hiningi ko ba ang paliwanag mo?" Mataray kong sabi.

"Alex, mahal ko si Stan!" Matapang na sigaw ni Misa sabay tayo.

Napatingin ako sa kanya.

"TINATANONG KO BA?!!" Sigaw ko sa harap nya. Nakita kong ilang hakbang na lang ang pool mula sa likod nya. At dahil may masasamang ugali na nakatira sa katawan ko ay buong lakas ko syang tinulak dun.

"Sh*t Alexandra!" Sigaw ni Stan.

"TAMA LANG YAN SAYO MISA!! MAGHUGAS KA! MASYADO KANG MADUMI! PLASTIC! KUNG AKALA MO NA KAGAYA LANG AKO NG IBANG BABAE NA NAGMAMANHID-MANHIDAN, PWES IBAHIN MO AKO!" Para na akong mauubusan ng hangin sa sobrang galit.

"NO ALEX! IKAW ANG PLASTIC! AKALA MO KUNG SINO KANG MABAIT SA HARAP NILA TITO, PERO KAPAG NAKATALIKOD SILA, DAIG MO PA ANG AMAZONA!" Bawi nyang sigaw sa akin.

"GUSTO MONG IPARAMDAM KO SAYO ANG PAGIGING AMAZONA KO?!!" Tatalon na sana ako sa pool ng bigla akong hilain ni Stan.

Tinignan ko sya.

"I SAID, DON'T YOU F*CKING TOUCH MEEE!!!" Gusto kong umiyak, kaso mas nangingibabaw ang galit ko.

"I HATE YOU ALEX! F*CK YOU!!" Napatingin ako sa sumisigaw sa pool.

Ang lakas talaga ng loob ng babae na to.

"EDI LUMABAS DIN YANG UGALI MONG BABAE KA! DON'T WORRY! I F*CKING HATE YOU TOO!" Sigaw ko sa kanya.

Humarap ulit ako kay Stan.

"Bakit mo ginawa yun?" Tanong nya sa akin. P*tcha! Mamamatay na ata ako sa sobrang inis.

"Gag* ka ba Stan?! Anong gusto mong gawin ko after kong makita na naghahalikan kayo? Mamatay sa kakatawa at i-congratulate kayo?! Ganun ba gusto mo? Edi sige. HA.HA.HA.HA. CONGRATULATIONS!"

"STOP IT ALEXANDRA!!" Kasabay ng pagsigaw ni Stan, ay syang pagtulo din ng luha ko.

Mukhang nagulat din sya sa ginawa nya at hinawakan ako sa braso.

Bakit sya pa ang may ganang magalit?

Bakit lagi na lang ganito? Lagi na lang ako ang lumalabas na masama?

"I'm so--" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya. At dahil sa pinanganak talaga akong maldita ay tinulak ko rin sya sa pool.

"A-ANG DUDUMI NYO! MAGSAMA KAYO! MGA WALANG-HIYA!" Sigaw ko kasabay ng pag-iyak. Tumakbo na ako papasok sa bahay.

"Alex! Alex!"

----------------------------------------------------------------------

Maria's Note:

Hooh~ Ang intense! Caps lock talaga dapat para damang-dama.

Tingin nyo ba tama lang yung ginawa ni Alex kina Stan at Misa?

Vote and comment ^^.

Love yah!

My Brutal WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon