Chapter 5 : Pineapple Juice.

12K 223 9
                                    

Stan's POV

Merong mga nakakaalam na mag-asawa na kami. Meron din namang hindi. Bakit pa namin sasabihin sa kanila? Close ba namin sila? Tsk! Pati alam nyo na, medyo mapagmahal kasi ako sa mga babae.

"Oh Alex, nandito na tayo sa room mo." Pagpapa-alala ko sa kanya. Nakakapit pa rin kasi sa akin.

"Alam ko." Walang emosyon na sagot nya.

"Bakit hindi ka pa bumibitaw?" Ano 'to? Kasama ako hanggang room?

"Ayaw mong kumakapit ako sayo? Arte mo ah!"

"Hindi naman sa nag iinar--"

"Eh bakit mo ako pinapabitaw?" Ito na naman po kami. O diba? Hindi ko talaga maintindihan kung anong ugali meron 'tong babae na to eh. Diba dapat magkaaway kami?

"Kasi nandito na tayo sa room mo." Pilit ko talagang pinapa-alala sa kanya.

"Kunwari ka pa Stan! Sabihin mo baka mahuli ka lang ng mga kabit mo!" Lah!

"Tsk! Wala akong kabit!" Nakaka init talaga ng ulo.

"Sipain kita dyan eh! Sinasabi ko sayo Stanley! Kapag nakita kitang may kalampungan dyan sa tabi-tabi, malilintikan ka talaga sa akin!" Pagbabanta pa nya.

Naiinis na talaga ako sa babae na 'to. Pati simpleng pagbitaw lang pinag aawayan na namin. Dapat talaga lalaki ang nasusunod sa isang relasyon.

"Pwede ba Alex? Wala nga sabi akong kabit dito. Pati ano bang paki natin sa isa't-isa? Diba ayaw mo ng pinapakialaman ka?" Yeah, 'yun naman ang gusto nya eh.

Napabitaw sya sa sinabi ko. Ngumiti pa sya.

"Ikaw nagsabi nyan ah? Kapag nahuli kita. Krrkk. (sign na putol leeg) "

Then she walked away.

"Pare!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Jc. Friend ko.

"Oh?"

"Hinatid mo asawa mo?" Nakangising tanong nya.

"Oo."

"Sweet. Tara na?" Sweet? Nang-aasar ba sya?

"Sige. Nasaan pala si James?"

"Nasa room na."

"Ah ok. Tara."

---

Alex's POV

Tignan lang natin Stan.

Nakasanayan ko kasing kumapit sa braso ng kasama ko kapag naglalakad.

Hindi naman sa nagseselos ako kung may kafling sya. Ano na lang kasi sasabihin ng mga nakakaalam na may asawa na sya? Sasabihin nila na kawawa naman ako? Ayokong mangyari sa akin yun! Pati hindi ba sya makapag hintay? Aasikasuhin ko pa lang yung divorce namin mamaya!

"Hoy Alex, tulala ka dyan ah." Si Georgia. One of my friend.

"Nagmumuni-muni?" Tanong sa akin ni Amanda. Friend ko rin.

"Iniisip ko lang-- "

"Back to your seat guys!" Biglang pumasok si Ma'am.

Buti na lang pumasok na agad si Ma'am. Wala talaga akong maikwento sa kanila eh.

Tadan! Tapos na ang halos 2 hrs. straight na discussion.

Lunch Break.

Babalik kami sa room ng 12:30, at after 1 hr. ng klase ay uwian na.

Kasalukuyan kaming naglalakad papuntang canteen. Nang may biglang humarang na lalaki sa harap namin. Hindi lang basta humarang, lumuhod pa. Sa harap ko?

My Brutal WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon