Chapter 4 : Together.

13K 210 1
                                    

Nandito na kami ni Alex sa bahay. Sa loob ng kwarto ko.

"Alex dyan ka na lang sa kama, ako na sa sofa." Basag ko sa katahimikan.

"Sige." Simpleng sagot nya. At nahiga na sya sa kama.

Nagshower na ako. Sya naman tapos na, dun sa room nya.

Tahimik na gabi, sinusulyapan ko sya. Ang himbing ng tulog nya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa babae na 'to.

Nasira ang buhay binata ko ng dahil sa kasal, I'm not blamming her. I know naman na pareho namin tong hindi gusto, naipit kami sa sitwasyong pareho naming kinabigla. It's not my intention na sigawan sya kanina, nasstress lang ako. Sya lang ang nakilala kong babae na napaka brat. Kakaiba!

Hay! Makatulog na nga lang.



( KRINNGGGG )

Alarm Clock. 6am na.

Mulat. Tulog pa rin si Alex. Naligo na lang muna ako.

Paglabas ko galing C.R, tulog pa rin sya? Tumapat ako sa tenga nya at ...

"HOY ALEX!! GUMSING KA NA!!" Bigla syang bumalikwas ng bangon.

Haha! Grabe yung itsura nya! PRICELESS!! Sabog yung mahaba nyang buhok at nakatulala. Parang iniisip kung anong nangyari at kung nasaan sya.

Napatingin sya sa akin. At...

"ARGGGHHH!!" WTF! Sumigaw sya ng pagkalakas-lakas. Pumasok agad si Manang na may dala ang spare key at kawali.

Kawali?

"A-Asan ang magnanakaw?" Hindi magkandaugaga na tanong ni Manang.

"Pftt-- Haha~!" Ako yan!

Nakakatuwa yung itsura ni Manang, so panglaban nya talaga 'yung kawali sa magnanakaw? Bakit hindi na lang kutsilyo? Haha.

"M-Manang-- Haha! Wala pong magnanakaw! Nagkatuwaan lang po kami ni Alex. Haha." Hindi pa rin ako mapigil sa pagtawa.

"Jusko! Kayo talagang mga bata kayo! Pagkatapos nyo dyan bumaba na kayo para kumain." Napatingin naman si Manang sa hawak nya na kawali at napailing.

"Manang next time po knife na lang. Haha." Pahabol ko pa kay Manang bago sya lumabas. Napabaling ako kay Alex na ngayon ay nakatulala na.

"Hindi ka pa ba babangon dyan?" Tanong ko sa kanya.

Tumayo na sya. Papalapit sa akin. Lalabas na siguro, nakaharang kasi ako sa pinto.

"AKK! B-Bitawan mo ako! Hi-Hindi ako makahinga!" Sinakal nya lang naman kasi ako.

"Sa susunod na gulatin mo ako para lang gisingin, mapapatay talaga kita! Ngayon pagbibigyan kita." Sabi nya na talagang handa na akong patayin.

"A-AKK. O-Oo na!" Binitawan nya naman na ako. Akala ko katapusan ko na. Dire-diretso na sya sa C.R ko.

"Alex anong oras pasok mo?" Tanong ko habang hinihimas ang leeg.

"8:30" Sigaw nya sa loob ng c.r

"Ahh, ako rin eh." Nakangiti pa ako.

"Hindi ko tinatanong."

"Tsk! Sabay tayo!" See? Ang ganda talaga ng ugali nya.

"Sige. Kotse ko gagamitin natin, ako magdadrive." Sabi nya.

"Sige." Yun naman pala eh.

-----

Alex's POV

( Habang naliligo )

I take a deep breath, I inhaled the vanilla scent, one of my favorite.

Paano ko ba lulusutan 'tong gulo na 'to? Dapat noon pa ako kumilos, sana hindi ako nahihirapan ng ganito. Pambihira!

My Brutal WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon