Chapter 40: Pool Party.

8.2K 176 3
                                    

Alex's POV

7pm. Pinababa kami ni Coach Sarah, may pool party raw kami.

And guess what? Libre ni Jc ang lahat! Kasama namin sa pool yung mga nakalaro namin. Mababait naman sila.

"Alex." Umupo sa tabi ko si Amanda.

"Hmmn?" Sagot ko sabay inum ng wine.

"Okay ka na?" Nag-aalalang tanong nya.

"Oo." Ngumiti ako sa kanya.

Napatingin kami pareho ni Amanda sa kabilang dulo ng pool. Nagkekwentuhan dun sina Stan, Misa, at James.

Nilingon ko si Amanda, napatungo sya.

"Ok ka lang?" tanong ko sa kanya.

"O-Oo naman." Sagot nya sabay inum ng wine.

"Tara!" Pag-aaya ko sa kanya.

"Saan?"

"Sa pool."

Agad ko syang hinila para hindi na makapalag.

Huminto kami sa tapat ng pool.

"Hubad." Utos ko sa kanya.

"W-What?" Napa atras pa sya at tinatakpan ang dibdib nya. Loko! Haha.

"Haha! Meron din ako nya Amanda! Nasa sayo naman yun kung gusto mong mag swimming ng naka t-shirt." Naintindihan nya naman ang sinabi ko at hinubad na ang damit nya, ganun din ang ginawa ko.

"Witwiw~"

"Sexy!"

Narinig naming hiyawan sa pool.

Nung naka two piece na lang kami ay hinila ko na ang kamay nya at agad kaming tumalon sa pool.

Pag-ahon namin ay agad kaming lumangoy sa gilid ng pool kung saan nandun ang mga kasama naming babae.

"Captain naka-agaw kayo ng atendyon dun kanina ah." Pang-aasar ni rina.

"Si Alex kasi eh." Nahihiyang bulong ni Amanda.

"Talaga Rina? Kung ganun bakit walang lalaki na lumapit dito ngayon?" Nakangisi kong tanong sa kanila.

"Akala mo lang captain. Lalangoy na sana dito si James, kaso hinatak sya ng asawa mo tapos ang sama ng tingin." Sabi ni Ana na may tono ng pang-aasar.

Namula naman ako dun. Namula? Eww. Haha.

"Mag-sitigil na nga kayo. Nga pala, bakit kayo-kayo lang dito?" Tanong ko sa kanila.

"Captain tingin-tingin sa paligid." Sabi ni Cc.

Sinunod ko naman sya, nakita ko sina Coach Sarah at Coach Gerald na masayang nag-iinum. Yung iba naman ay busy sa pakikipag kwentuhan sa mga nakalaro namin sa volleyball. Binalik ko ang tingin ko sa kanila.

Ngumiti ako ng pang-asar.

"Haha! Nakakatawa kayo!" Pang-aasar ko sa kanila.

"Yabang ni Alex oh. Tignan mo dun si Stan oh. Busy." Pang-aasar din ni Amanda.

Napatingin naman ako.

Busy nga sya sa pakikipag kwentuhan kay Misa. Napakilala nya naman na ako kay Misa bilang asawa nya. Bigla syang napatingin sa direksyon namin. Nagkatitigan kami. Walang emosyon sa mata nya. Ako na ang nag-iwas ng tingin.

Biglang lumapit sa amin si James.

"Hi Ladies." Bati nya sa amin.

"Woa~ may lumapit!" Sabi ni Cc.

"Pool fight tayo!" Pag-aaya nya sa amin.

"Pool fight?" Tanong ko.

"Ganito oh. After nito pasasalamatan mo ako." Sabi nya sabay sumisid sa ilalim.

"Problema nu-- Wahh~!" Napasigaw ako ng todo sa ginawa ni James. Sumuot ba naman sya sa dalawang hita ko at itinaas ako, muntik na akong malaglag pero inalalayan nya agad ang likod ko.

"SH*T JAMES! IBABA MO AKO!" Sigaw ko sa kanya.

"JAMES! WHAT THE HELL ARE YOU DOING?! IBABA MO SYA!!" Narinig kong sigaw ni Stan.

"POOL FIGHT!!!!" Sigaw ni James na parang bata.

"Wooh~!"

"Let's get it on!" Narinig kong sigaw ng iba.

Nagulat ako ng ganun din ginawa ng ibang lalaki sa mga girls. Mukhang alam ko na 'to, ito yung magtutulakan. Sh*t! Loko 'tong James na 'to. Lalo pa akong nagpumiglas.

"Gag* kang lalaki ka! Humanda ka talaga sa akin kapag nakababa ako dito!" Pagbabanta ko sa kanya.

Tumawa lang sya tapos nagsimula ng maglakad papunta sa gitna.

"H-Hoy!! James! Isa!" Sigaw ko pero patuloy pa rin sya.

Humarang sa gitna namin si Stan.

"Put.her.down." Maawtoridad na sabi ni Stan.

Sinunod naman sya ni James, inalalayan ako ni Stan.

Nung nakababa na ako ng tuluyan ay sinapak ko sa pisngi si James, yung pagkalakas-lakas.

"Loko ka ah!" Sabi ko sa harap nya.

"Haha! Ang sakit nun ah." Napahawak sya sa pisngi nya, wala naman yung dugo. "Sige. Enjoy." Sabi nya sa amin ay lumangoy papunta kay Amanda.

Humarap ako kay Stan. Wala pa ring emosyon sa mukha nya.

"Bakit ka pumayag?" Sabi nya sa akin at inakay ako papunta sa gilid ng pool. Hinarang nya ang dalawa nyang kamay, para hindi ako makatakas.

"Hindi ako pumayag, sya yung biglang sumuot sa hita ko."

"Sh*t!" Narinig kong sabi nya.

Nagkatitigan kami. Walang nag-iiwas ng tingin. Hanggang sa dahan-dahang lumalapit ang mukha nya. Nakatingin sya sa labi ko, pasimple akong napalunok. May kikiss ba kami dito sa pool? Nakakahiya.

Pero bakit parang ang tagal dumampi ng labi nya? Konti na lang. Konti na lang.

Sh*t ang tagal! Wala ng hiya-hiya to! Itinaas ko ang kamay ko at nilagay sa batok nya, tinulak ko yun palapit sa akin at saka sya siniil ng halik. Nakita kong nagulat pa sya sa ginawa ko, naramdaman kong nag form ng smile ang labi nya habang nakahalik sa akin.

Tinanggal nya ang isa nyang kamay mula sa pagkakaharang sa akin, pinagapang nya yun sa balikat ko pababa sa likod ko. Tumigil 'yun sa bewang ko at tinulak ang katawan ko papalapit lalo sa katawan nya. Pinapalalim nya ang halik naming dalawa.

Habang busy ang lahat sa paglalaro ay, ito kami ni Stan at busy rin sa ibang bagay.

--------------------------------------------------------------------

Maria's Note:

Time check 2:22am.

Happy 4k reads sa MBW, sa akin, at sa mga readers ko. Paramdam naman po kayo :)

Wahh~ Pasensya sa mga bad words. Haha! Sana magustuhan nyo ng bongga ang chapter na 'to.

Love yah!

My Brutal WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon