Chapter 33: Offensive Hugging.

9K 203 1
                                    

Alex’s POV

Tanghali na ng ginising ako ni Stan para sa lunch namin.

Nag-ikot kaming lahat para maghanap ng makakainan.

Maganda sa lugar na ‘to. Bukod sa maganda at malinaw na beach dito, marami ka ring mapagpipilian na makakainan. Mayroon pang bilihan ng pasalubong. Hindi lang kami ang tao, marami ring mga turista. Pero hindi naman ganun’ karami.

Napagdesisyonan naming kumain sa isang seafood restaurant.

Ang saya talaga kumain kapag marami kayong magkakasama. Napupuno ng tawanan ang mga buong restaurant, buti nga walang nagrereklamo sa amin eh.

2pm na nung natapos kaming kumain. Hindi muna kami bumalik sa hotel, nag ikot-ikot muna kami. Syempre hindi mawawala ang picture-picture.

Nakakita kami ng isang court, hindi kalayuan sa hotel namin. At syempre ang mga lalaki gustong maglaro.

Habang nakaupo kaming mga girls sa bench, ang mga boys naman ay nakikipag-usap sa mga naglalaro a court.

Hindi ba sila nagsasawa? Pati ba naman dito?! Tsk!

Maya-maya pa ay mukhang nagkasundo na silang at mag-uumpisa na.

“Boys galingan nyo ah! Wala munang coach-coach ngayon!”  Sigaw ni Coach Gerald.

Ang maglalaro lang ay sina Stan, James, Jc, Ian, at Raynald.

Biglang dumami ang tao sa court.

Nag-umpisa na ang laro. Tirik na tirik ang araw, buti na lang at may bubong dito.

Napupuno ng hiyawan ang court, at nangunguna doon ang mga kasama naming cheer dancer.

“Ang hot ni James..”

Agad akong napatingin sa nagsalita.

“Amanda?”  Gulat syang napatingin sa akin.

“A-Ano.. Ang hot dito! Hoo.. Hoo..”  Nagkunwari pa syang nagpapaypay gamit ang kamay nya.

“Amanda, narinig ko ‘yun.”

“H-Ha? Ang ano?”

“Hindi ako bingi.”

Napabuntong hininga na lang sya.

“Hot si James?”  Tanong ko sa kanya.

Tumango sya. Naku! Pineapple Juice ko!

“Gusto mo sya?”  Tumango ulit sya. Inang~!

“Nanliligaw sayo?”  Tumango na naman sya.

“Anak naman ng butiki oh!”

“Alex..”

“Kailan pa?”

“Noong isang araw lang.”

“Alam ba ‘to ni Georgy?”

Umuling sya.

“Lagot ka dun.”

“Alex naman eh.”  Tinawanan ko lang sya.

Takot ‘to kay Georgy eh. Naku! Napaka babaero pa naman ni James.

Kung sino daw ang makaunang maka-30 points, sya ang panalo.

30 seconds time-out.

“Ano Stan? Kaya pa? Ang gagaling ng kalaban nyo.”

“Ka-Kaya namin ‘to.”  Hingal nyang sabi.

Mukhang nakahanap sila ng katapat nila dahil talagang magagaling ang kalaban nila. At infairness, gwapo pa.

My Brutal WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon