Chapter XXVII - The Ex... Again?

12.5K 254 28
                                    

TERRENCE ALTAMONTE
Mahigit sang oras na ang nakalilipas ng umalis si Alex patungong HQ. Umalis din si epal, ilang minuto matapos umalis ni Alex kanina. Psh! Saan kaya pupunta ang epal na 'yun? Susundan kaya niya si Alex? Nakakaasar talaga 'yon! Pero pasensiya siya dahil hindi niya maaagaw sa akin si Alex!

Narito ako ngayon sa kwarto ko at naglalaptop. Iniopen ko rin ang  social media account ko. Nagulat ako sa dami ng mga message mula sa mga tropa ko, mga kaklase at mga prof na rin. Tinatanong nila kung kumusta na kami ni dad. Nag-post ako ng update ko para malaman nila ang naging kalagayan namin.

Pagkatapos ay kinuha ko ang cp ko at dinial ang number ni Kenneth. Agad naman itong sumagot!

"Hello pre! Buti naman tumawag ka na! Kumusta ka? Nasaan ka ngayon? Alam mo bang kahapon pa kami kumukontak sa cp mo at sa landline niyo pero wala. Hindi naman kami makapunta dahil pinagbawalan kami ng mga magulang namin na pumunta sa inyo! Baka daw kasi may mga masasamang tao pang umaaligid daw. Ano? Hindi ka ba nasaktan? Si Ms. Bodyguard, ok lang din ba siya?" ang sunod-sunod na tanong ni Kenneth!

Natawa ako. "Hoy, easy lang pre! Ayos lang ako, heto nga nakakatawag pa ako, wala namang nawala sa parte ng katawan ko." saka tumawa ako.

"Sira! Puro ka talaga kalokohan!" ang tugon naman agad nito.

"Mabuti na lang nandito si Alex, kung wala siya baka wala na rin ako dito." ang proud ko namang sabi sa kanya. Siyempre! Girlfriend ko yata ang astig kong bodyguard!

"Uy! Inlove na inlove ka na talaga kay Ms. Bodyguard ah! " ang tukso pa nito sa akin, siyempre kinilig naman ako!

"Hahah! Kami na ngang dalawa!" ang lakas loob ko pang sabi!

"Ha?! Kelan pa?!" ang gulat at 'di makapaniwalang bulalas nito!

Lakas naman ng tawa ko! 

"Lol! Hindi pa naman talaga kami ni Alex, malakas lang talaga ako maka-assume! Pero bakit ba? Mabuti na rin 'yung maaga hindi ba?"

"Gag*! Assumero ka din pala eh! Kawawa ka kapag hindi ka naman pala bet ni Ms. Bodyguard! Saka parang kailan lang eh galit na galit ka sa kanya ah." ang nang-aasar na sabi pa nito!

Tumawa lang ako. "Takte ka! Bet kaya niya ako, nararamadaman ko 'yun! Sa totoo niyan, hindi pa talaga kami official na mag-on! MU palang kami pero malapit na maging kami!" ewan ko ba pero ang lakas talaga ng tama ko! 

"Naks! Lakas talaga makaassume ha! Ewan ko na lang sa'yo kapag nalaman 'yan ni Ms. Bodyguard! Baka sapak ang abot mo!" 

"Ikaw kaya masapak ko! Kanina ka pa kontra ng kontra eh!" ang inis kong angil. Rinig ko  ang malakas na tawa nito! Kung pagtawanan ako nito, wagas! 

"Sa wakas, nainlove na rin si Terrence Altamonte!" saka tumawa ito!

"Lol! Ano ba akala niyo sa akin, manhid? Kahit naman tarantad* ako eh pwede pa din ako mainlove! Saka iba pala ang feeling ng inlove pre! 'Yun bang, makita mo lang siya, masaya ka na at para ka pang nakalutang sa ere!" ang tila wala sa sarili kong sabi.

Tumatawa pa rin si Kenneth! "Pre! Baka naman hindi love yan? Baka naman nakatira ka, kaya ka high!" natatawa nitong sabi sa kabilang linya na ikinasimangot at kinatahimik ko! "Joke lang pre! hahaha! Pero seryoso, iba ang tono ng boses mo ngayon, kahit may nangyaring gulo ay parang masaya ka pa rin."

"Indeed, Alex is to blame. I never expected to feel this way about her, especially given how much I've disliked her in the past. Maybe it's because she's different from the other girls I've met." ang nangingiti kong sabi habang nakatitig sa kisame.

"Magkwento ka naman sa nangyari sa inyo, sasamantalahin ko na ang pakikinig sa'yo since minsan ka lang naman magka-good mood!" ang excited naman nitong saad.

Ms. Bodyguard 1 (SOON TO BE PUBLISH under TDP)Where stories live. Discover now