Chapter XIX - The Past

16.2K 288 31
                                    

ALEXIS ALEJO
Wala na ang mga ito pero nakaakbay pa rin si Terrence.

"O-oi! Yang braso mo!" ang asik ko sa kanya kaya inalis niya iyon saka muli akong umupo sa bench.

Tumabi siya sa akin. "Is that ugly guy your ex? Tsk! Ang panget naman ng taste mo. Pasalamat ka isang gwapong katulad ko nagkagusto sayo kaya dapat sagutin mo na ako." 

Napaangat ang gilid ng labi ko sa tinuran niyang iyon. "Hah! Ang kapal mo din ano. Hindi panget ang taste ko, nagkamali lang ako ng taong ginusto. Saka ano ngayon kung mas gwapo ka, hindi iyon rason para sagutin kita." Anak ng tinapa tong bwisit na 'to!

"Tsk! Samantalang siya na panget sinagot mo. Ano bang nakita mo 'dun sa bwisit na 'yun? Saka wala man lang ako nakuhang compliment mula sayo! Huwag kang ano, hindi fake 'yung mga sinabi ko, galing mismo 'yun dito." reklamo niya sabay turo sa puso niya.

As our eyes meet, I feel my heart skip a beat! He's deadly serious! Napaiwas ako ng tingin sa kanya. 

"Salamat." ang mahina ko na lang na sabi pero hindi ako makatingin kay Terrence, pakiramdam ko kasi ay namumula pa rin ang mukha ko at baka lalo niya pa akong asarin!

"Ano? Hindi ko narinig." ang sabi niya sabay lapit ng mukha niya sa mukha ko.

Bigla kong naiatras ang mukha ko dahil sa ginawa niya! Saka tinignan ko siya ng masama. "I-I said thank you! And don't make me repeat myself!" ang nauutal kong anas dahil sa sobrang kaba ng mga oras na iyon sabay iwas ng tingin. Nakakainis talaga ang lalaking 'to!

Umayos naman ito ng upo. "Ah. That's fine, basta sa girlfriend ko." ang mayabang niyang saad.

Agad tuloy akong napalingon sa kanya sabay pinandilatan siya ng mata. "Oi idiot. Anong girlfriend? Kelan kita sinagot?" ang maang kong tanong. Parang gusto ko batukan ang nasa harapan ko para matauhan!

Ngumisi siya sa akin ng nakakaloko. "Kanina!"

"Hah! Ang kapal ang mukha mo!" ang namutawi sa bibig ko sa sinabi niya. Ang kapal niya talaga! Naalala ko ang nangyaring pagtatanggol niya sa akin kanina.

**FLASHBACK**
"Parang may ideya na ako sa gusto mong sabihin, Miss. Ngunit ito lang masasabi ko sayo. Hindi ako katulad ng lalaking 'yan na basta na lang iniwan at sinaktan si Alex para ipagpalit lamang siya sa ibang babae. That will never happen, kahit pa maghubad ka sa harapan ko hinding-hindi kita papatulan."

"A-ano?!" anas naman ni Trisha.

"Kung mahal ng isang lalaki ang girlfriend niya, kahit kailan hindi siya gagawa ng hakbang na ikakasira at ikakasakit ng kalooban ng babaeng mahal niya. Kahit gaano pa karami ang babaeng pumalibot sa kanya, hindi niya dapat pagtaksilan ang babaeng ipinagkatiwala ang puso sa kanya." he paused, and he stare coldly to Stephen. "Hindi ko gagawin kay Alex ang ginawa mong pananakit at pagtataksil. Sa totoo lang, nagkamali ka ng babaeng iniwan. But I was partly thankful, of course, kung hindi kayo nagkahiwalay, hindi ko siya makikilala. And yeah, she doesn't deserve someone like you, actually both of you." at muli niya akong inakbayan na tumitig sa akin. "Though lagi kaming nagkakaangilang dalawa but at the end of the day I realize na mas lalo ko siyang nagugustuhan. Siya lang ang babaeng nakilala kong kayang tapatan ang ugali ko. Siya ang babaeng kahit kailan hindi gagawing boring ang buhay ko, because she's the most amazing girl I've met." nakangiti niyang wika na hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin.

Nginisihan niya ng nakakaasar si Stephen. "At kapag binalak mong agawin siya sa akin o may gawin kayong masama sa kanya-" si Trisha naman ang binalingan nito. "Tsk! Tsk! Subukan niyo lang at makakahanap kayo ng katapat. I'll use all the connections I have through my family to ruin you. This girl is mine. Touch her and you'll be dead! I am the only person who can touch her!"
**END OF FLASHBACK**

Ms. Bodyguard 1 (SOON TO BE PUBLISH under TDP)Where stories live. Discover now