Chapter IV - The Intruder (Part Two)

17.7K 389 22
                                    

TERRENCE ALTAMONTE

Bigla akong naalimpungatan dahil sa pakiramdam na parang may ibang tao sa kwarto ko. Medyo hindi ko pa maibuka ng buo ang dalawa kong mata dahil sa antok pero pinilit ko ang sarili kong tignan ang paligid dahil parang may naaaninag akong anino sa may banda ng cabinet ko. Nanlaki ang mata ko when I realize that it was a man, nakasuot ito ng itim at may kung anong ginagawa sa cabinet ko! Ganon na lang ang naramdaman kong kaba sa dibdib! Tuluyan ng nawala ang antok ko!

"SINO KA?!" ang malakas kong anas sabay alis sa kama ko. Napalingon ang taong iyon.  Hindi ko makita ang mukha dahil sa telang nakatakip sa mukha nito, bukod doon ay madilim pa, hindi naman kasi ganoon kaliwanag ang pumapasok sa balkonahe na nagmula sa liwanag ng buwan.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Bigla kong naisip ang babaeng 'yon na nasa katapat lamang ng silid ko! Bwisit! Nasa kabilang side ng kama ang pintuan, ang tanga ko! "T-tinatanong kita! Sino ka at anong kailangan mo?!" lalo ko pang nilakasan ang boses ko sa pagbabasakaling may makarinig sa akin... na marinig niya...

Napansin ko ang unti-unting paghakbang ng taong iyon palapit sa malaking mesa na nasa centro ng kwarto ko. Napalunok ako ng laway. Lihim namang naghagilap ang kamay ko sa side table ng kama ko baka kasi mayroon akong maipanlalaban kung tangkain nitong sugurin ako. Oh darn! I will not die tonight! I'll fight! I will prove to that woman that I won't need her! Never!

Ngunit ganoon na lang ang pagkamaang ko ng mabilis na kumilos ang pangahas, tinakbo nito ang distansiya mula sa kinatatayuan patungo sa binuksang balkonahe. Ilang segundo pa'y sumunod ako doon. Kung gaano ito kabilis kumilos, ganoon din ito kabilis naglaho sa dilim. The heck! Where did that person go?!

Nakita ko ang isang Security Guard na nagpapatrolya, agad kong tinawag ang pansin nito. "May pumasok sa kwarto ko, hanapin nyo! Marahil hindi pa nakakalayo 'yon!" gigil kong sigaw mula sa ikalawang palapag.

Mabilis namang nagtawag ng kasama ang gwardiya. Muli akong pumasok sa kwarto ko saka binuksan ang ilaw. Mabuti nalang nagising ako dahil kung hindi baka wala na ako ngauon dito, sa isip ko. Napalingon ako sa cabinet kung saan nakita ko ang pangahas na parang may kinakalkal doon. Lumapit ako at ininspeksyon. Wala namang nawawala. Kung ganoon, ano ang kailangan niya o ano ang balak niyang gawin? Hindi kaya nagtanim siya ng bomba?! Bigla akong napalayo sa cabinet at pinagmasdan ang paligid dahil sa naisip ko!

Sabay bukas ng pinto sa kwarto ko na ikinaigtad ko sa gulat. Paglingon ko... nakita ko siya!

---------
ALEXIS ALEJO

Nang makabalik ako sa aking silid agad ko ng hinubad ang takip ko sa mukha pati na rin ang itim ko na kasuotan, leaving my  black sando and knee high pajama. I grab the bathrobe and wear it. Itinago ko sa ilalim ng kama ang mga ginamit kong damit at lumabas upang tumungo sa kabilang silid. Binuksan ko ang pinto ng kwarto ni Terrence.

Pagbukas ko, agad na nagtama ang mga mata namin. I saw fear in his eyes for a moment, then it turned into a glare when he realized it was me. Napansin ko rin ang bukas na kabinet. As if naman may mahahanap siya doon. Muli ko siyang binalingan, galit ang nakita kong nakabakas sa mukha niya.

Weh? Aminin, takot na takot ka kanina!

"You alright?" kunwari nag-aalala ako sa kanya. He must not know that it was I who entered his room earlier.

"Wow! May gana ka pa na magtanong if I was alright!" sarkastiko niyang tugon. "Someone entered my room and I almost died, and you just asked me that? Are you a bodyguard or just plain palamunin sa bahay na 'to?! Sarap ng tulog mo ah!" umuusok sa galit si Terrence.

Pinigilan ko ang matawa sa sinabi niya. Baka kasi mapahiya siya kapag nalaman niya na ako pala iyon.  Tinaasan ko na lang siya ng kilay para 'di halata.

Ms. Bodyguard 1 (SOON TO BE PUBLISH under TDP)Where stories live. Discover now